Kabanata 1(Chapter 1)

194 9 0
                                    

Marcelita's Pov

Ika-8 ng Pebrero, 1888

Ang mundo ay binubuo ng batas, kung alin ang tama at mali ngunit minsa'y mahirap itong tukuyin, ang sabi nila ang gagabay lamang sa atin ay ang ating puso. Ito lang ang tanging binigay ng panginoon upang pakinggan ang kanyang tinig upang marinig ng hangin na syang magdadala sa atin sa buhay na hiniling ng ating puso. Katulad na lang sa pagdala ng hangin sa akin sa isang binata na nakikita ko lamang kapag ako ay nagawi sa simbahan, sa hindi maipaliwanag na dahilan ako'y naging sigurado na binanggit ng aking puso ang kan'yang munting pangalan. Na kahit ilang beses ipaalala ng aking isip na bawal, ang aking puso ay kayang magmatigas. Na kahit ilang beses akong tumanggi sa hangin kaya nitong manipulahin ang mga dahon sa kahoy.

Hindi ko itinatanggi na napaibig ako kay Alejandro. Ako'y napaibig sa kan'yang mga ngiti at mga matang hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ng aking puso kapag nakatingin ito sa akin. Kailan may hindi ako nagsisising s'ya ang pinili ng aking puso. Kahit alam kong tutol sa akin si ama dahil isang pakaraniwang mamamayan lamang si Alejandro. Isa pa, ito ay miyembro ng KKK at ang aking ama ay Heneral ng Espanya.

Isinara ko ang aking k'waderno nang marinig ko ang pagkatok ni Esmeralda. "Binibini ilalagay ko lamang ang iyong mga damit sa iyong aparador."

"Maaari ka nang pumasok." tugon ko rito. Sinunod naman nito ang aking sinabi. Dahan-dahan nyang binuksan ang pinto at mahinhin na naglakad patungo sa aking aparador. Hindi ko na ito nilungon pa bagkos ay iniligpit ko na lamang ang aking talaarawan. Nilagay ko ito sa isang kahon at kapag nakaalis na si Esmeralda ay itatago ko ito sa lugar na hindi nila makikita.

"Ako'y lalabas na po binibini. Tawagin mo lang po ako kapag ika'y may kailangan."

"Sandali," lumingon ito sa akin. "nakaalis na ba si papá?"

"Hindi pa po binibini? dahil biglang dumating ang alkalde mayor sa kabilang lungsod." bigla akong napatahimik. Ala una na nang hapon, ang usapan namin ni Alejandro ay alas dos nang hapon kami magkikita ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nakaalis si papá. "May kailangan po ba kayo Binibini?"

Tumango ako bilang sagot "Maaari ka nang lumabas." tugon ko rito.

Tatlong taon akong niligawan ni Alejandro bago n'ya nakamit ang aking oo ngunit kailan man ay hindi ito sumuko kahit isa o dalawang beses lamang kami nagkikita taga buwan. Ako'y nasasabik nang makita at makasama ito. Noong nakaraang buwan ko pa ito nakita hanggang sa nagpadala ito ng sulat na magkikita kami ngayong araw ngunit ang problema ko ay hanggang ngayon hindi pa umaalis ang aking ama. Hindi ko alam kung ano ang kailangan ng alkalde ng kabilang bayan dahil biglaan din ang pagbisita nito.

Lumipas ang isa pang oras ngunit hindi pa umaalis ang aking ama at ang alkdalde mayor. Hindi ko inaasahang tatagal ang kanilang pag-uusap. Paniguradong nakarating na si Alejandro sa aming tagpuan.

Kumapit ka lamang Alejandro. Sana'y hindi ka pa umalis. Mahina kong sambit sa hangin. Alam kong kayang maghintay ni Alejandro ngunit kadalasan ay nagmamadali ito dahil kailangan sya sa kampo. Isa sya mga pinagkakatiwalaan sa kanilang hanay.

Siguro kung hindi lang magkaiba ang aming mundo ay hindi kami mahihirapan. Hindi kami magnanakaw ng oras upang magkita at makasama ang isa't-isa. Malaya akong maipahayag sa iba na pagmamay-ari ko si Alejandro. Ngunit iba ang aming sitwas'yon tanging ang pag-ibig lamang namin sa isa't-isa ang tanging pinanghahawakan namin. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami mananatili sa ganitong sitwas'yon dahil alam kong nahihirapan na rin si Alejandro ngunit sa tuwing nakikita't nakakasama ko ito napapawi lahat ng pagod at pangamba. Sa t'wing kumikislap ang kan'yang mga mata pakiramdam ko ay ako at s'ya lamang ang tao sa mundo. Ang tanging hiling ko na lamang sa langit ay hayaan nitong makasama ko si Alejandro nang walang hadlang.

Alas tres na nang nakaalis si papá, Dali-dali akong lumabas ng bahay. Kanina lang naghihintay si Alejandro, sana ay hinintay n'ya ako. Nang makalabas ay napahiyaw ako sa gulat dahil biglang sumulpot si Esmeralda.

"May lakad po ba kayo Binibini? Bakit hindi n'yo po pinaalam sa akin nang masamahan ko po kayo."

"Hindi na kailangan Esmeralda. Magkikita kami ngayon ni Alejandro." kilala nito si Alejandro dahil s'ya lamang ang sinabihan ko at ang tanging taong nakakaalam nang tungkol sa amin.

"Ngunit dapit hapon na po. Ilang oras na lamang ay magdidilim na at babalik na ang iyong ama."

"Pasensya na Esmeralda, kailangan ko makita si Alejandro." bago pa ito makapagsalita ay umalis na ako. Lakad takbo ang aking ginawa upang makarating sa tagpuan. Mahirap ang tumakbo dahil sa aking damit ngunit hindi alintana ang hirap dahil nais ko lamang makita at makausap si Alejandro kahit saglit lamang. Dahil alam kong ilang araw na naman ang bibilangin ko bago ko ito makasama.

May kalayuan ang tagpuan namin ni Alejandro kaya sumakay muna ako ng kalesa at naglakad muli upang makarating sa tagpuan. Apat na malalaking mangga ang aking nilagpasan hanggang sa tunaw ko na ang likod ni Alejandro. Nakaupo ito sa bato, sa ilalim ng isang talisay habang tanaw nito ang mga ligaw na bulaklak. Dahan-dahan akong lumapit dito. Siguro ay naramdaamn n'ya ang aking presensya kaya't lumingon ito. Agad itong tumayo at niyakap ako nang mahigpit.

"Akala ko'y hindi ka na makakarating." sabi nito habang akap ako.

"Saksi ang panginoon Alejandro kung gaano ako nagpapasalamat na ako'y iyong hinintay."

Niyaya ako nitong umupo muna at magpahinga. "Kailangan ko ring umalis kaagad Alejandro dahil maggagabi na. Baka ay maabutan ako ni papá na wala ako sa bahay."

"Naiintindihan ko Marcelita." batid ko sa ngiti nito ang lungkot.

"Pasensya ka na." hindi ko rin maiwasang lumungkot.

"Ayos lang. Naiintindihan ko ang ating sit'wasyon, Ako'y nalulungkot lamang dahil sa mundong ating ginagalawan." hinawakan nito ang aking mga kamay. "Kung kaya ko lamang baguhin ang panahon pipiliin kong manatili sa tabi mo kung saan walang hahadlang sa pag-ibig ko sa'yo. Ngunit naniniwala akong balang araw makakasama rin kita. Matatapos rin ang hadlang sa ating mga mundo. Hindi ako mapapagod maghintay Binibini sana ay kumapit ka lamang."

"Mahal kita Alejandro at kaya kong maghintay sa bukas na para sa atin."

"Nais kong harapin ang iyong ama at hingin muli ang iyong kamay."

"Alam mo ang kayang gawin ni papá at kailan may tutol s'ya sa ating relasyon Alejandro." ginawa na nya na ito ngunit isang malakas na suntok lamang ang nakuha n'ya kay ama. At natatakot ako na itutuloy nito ang pagbabanta sa buhay sa lalaking mahal ko. "Kalaban ang turing ni papá sa inyo Alejandro at hindi ako papayag na mawala ka sakin."

"Kung gayon ay sumama ka sakin. Umalis tayo at magpunta sa malayo. Kung saan ikaw at ako lamang."

"Ngunit alam natin na madaming koneksyon ang aking ama."

"Walang mangyayari kung puro tayo pangamba aking mahal. Hindi kita pababayaan ano man ang mangyari." niyakap ko ito nang mahigpit. Hindi ko na nagawang pigilan pa ang aking mga luha dahil delikado ang gagawin naming dalawa. Ang sumugal na alam naming malaki ang pagkakataon na kami ay matalo. Pinahid nito ang aking mga luha at ako'y hinatid sa sakayan dahil maggabi na.

Papadalhan n'ya raw ako ng sulat upang magkita muli at pag-usapan ang pagtakas. Labis akong nangangamba ngunit tama si Alejandro. Kahit simpleng pamumuhay lamang basta kasama namin ang isa't-isa. Dahil hindi rin namin sigurado kung habang buhay ay ganito kami ang magkita nang palihim. Pero sa ngayon ang hiling ko lamang ay hindi pa nakauwi si Ama.

Pakiramdam ko ay bumagal ang bawat takbo ng kalesa habang hindi ko na maintindihan ang pagtibok ng aking puso dahil sa pangamba. Isang kanto na lamang at makakarating na kami ngunit pinahinto ko na lamang ang kalesa at bumaba dahil ayaw ko ring makita ako ni amang nakasakay ng kalesa kung sakaling nakauwi na ito.

Tanaw ko na ang bahay ngunit bago ako makalapit at tanaw ko si Esmeralda. Tumatakbo ito palapit sa akin. Nang makalapit ay pilit nitong hinahabol ang kanyang hininga.

"Anong nagyayari Esmeralda?"

"Binibini s-" hindi nito matuloy tuloy ang kanyang pagsasalita dahil sa hingal. "si Alejandro." napakunot ang aking noo at bigla akong nakaramdam nang pangamba. Kanina lamang ay kasama ko ito.

"Bakit? Anong nangyayari."

"Hindi ko alam kung paano ito nalaman ng iyong papá ngunit kakaalis n'ya lang at nagtungo kay Alejandro."







Sa Susunod na Hangganan (GXG)-ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon