Chapter 4

70 3 2
                                    

Alleona's Pov

Kunti na lang ay matatapos na ako sa unang plates ko. Out of four, isa pa lang talaga natapos ko at kailangan ko pang magplantsa ng uniform ko para bukas. Wala na nga akong ligo at hindi pa nakapag-toothbrush, at least tatlo na lang kulang ko before the deadline. May time pa naman ako tapusin before the deadline pero ang nakakaba lang ay baka maabutan ako sa deadline dahil sa kakaulit ko ng plates. Ang hirap din kaya mag-isip. Mukhang natitigang na nga isip ko dahil wala na akong masagap na bagong ideas dito.

Napainat ako ng aking katawan nang matapos na sa plate ko. Napabuntong hininga na lang ako nang makita ang pinagpaguran. Hinigop ko ang huling kape na s'yang kasama ko buong araw at magdamag. Ang s'yang saksi ng mabaho kong amoy, sa buhok kong magulo at sa papikit-pikit kong mga mata. Actually lumamig na nga ito at para na akong natatae dahil na rin sa ilang galong kape ang naimon ko. Gusto ko na matulog pero kailangan ko pang ihanda uniform ko.

Tinignan ko ang aking relo, alas tres na nang madaling araw. Hindi ko namalayan ang oras dahil sa tuloy tuloy lang ang aking ginagawa. Siguro kung may kasama lang ako dito sa bahay may tutulong magligpit ng kalat. Napaisip tuloy ako kung kailan ako magkakajowa. Hindi naman ako nagmamadali nasaktan na rin ako dahil sa huli kong long-distance relationship. Ayoko muna rin nang iisipin at dagdag lang sa sakit sa ulo. Siguro mahirap na rin makanap nang matinong tao sa panahon ngayon yong mamahalin ka nang hindi ka lolokohin. Yong taong handa kang samahan sa kahit gaano man kahirap ang buhay. Nasa punto na rin ako ng aking buhay na kung may dadating edi go, kung wala edi wala.

Lumabas ako ng aking dorm upang kunin ang sinampay kong uniform, napaangat ang aking tingin sa kalangitan. Nabigla ako sa nasaksihan ng aking mga mata. Hindi ko inaakalang ganito kadami ang mga bituin ngayon, may kanya-kanyang ganda ito. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ng aking puso kabilang na ang pagkamangha sa kalangitan. Napakaliwanag rin ng buwan. Ang mga buwan at mga bituin ang s'yang nagpaalala sa akin na may pag-asa pa kahit madilim na ang mundo.

Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin para akong tanga na nakatulala lang sa kalangitan. Kung humingi na lang ako ng sign sa taong mamahalin ko? Sabi nila kung hindi ka sigurado sa isang bagay humingi ka ng sign mula sa langit. Hindi naman ako masyadong naniniwala sa kasabihan na ito pero why not diba? wala namang mawawala kung humingi ng sign. Hindi naman yon masama diba? Malay mo papakinggan ito ng langit. Pero ang hirap din mag-isip ng sign 'yong hindi basta basta magagawa or manyayari. Hmmm, kung ano na lang kaya ang unang taong magbigay sakin ng cactus na tanim at mahilig sa mga cactus s'ya na ang binigay ng langit sakin. Di naman uso ngayon na magbigay ang isang lalaki ng cactus kadalasan bulaklak lalo na ang roses.

Pagkatapos ayusin ang aking uniform ay nagtoothbrush muna ako at nag-half bath na rin. Hindi na ako naglinis kaya humiga na lang ako dahil gusto ko na magpahinga. May nine-am pa akong klase bukas. Tinignan ko uli ang orasan, ang bilis naman nang oras kanina alas tres pa lang ngayon four-am na. Bale may mga tatlong oras pa ako para sa tulog ko.

___

Dala ang card board nagtungo ako sa department. Hinahanap ko lang naman mga kaibigan ko since wala kaming pasok ngayon nagkaayaang mag milktea. Hindi naman ako mahilig sa milktea, mga kaibigan ko lang adik sa milktea. Hindi na talaga dugo dumadaloy sa mga ugat nila kundi milktea bukod doon ay kailangan ko magpunta ng department bago sila hanapin. May lilinawin lang ako sa department para sa gagawin kong model ng plates ko. Naluluha na ako dahil sa paghikab ko, dahil na rin sa kulang ang tulog ko pero sabi nila kahit mapasobra o kulang tulog ko ay antok pa rin ako kasi takaw tulog talaga ako kahit 24 hours ata akong tulog paggising ko pakiramdam ko ay antok pa rin ako.

After ay palakad lakad lang ako sa campus hindi alam kung saan pupunta dahil ang mga magaling kong mga kaibigan ay hindi nagrereply. Tumigil ako saglit upang tignan ang phone ko, baka nagchat na sila pero wala pa rin. Ibubulsa ko na sana ito nang nakaramdam ako nang pagtama sa aking katawan. Binangga lang naman ako ng isang hindi katangkarang nilalang. Nahulog ang mga card board ko na iniingatan kong madumihan. Inis naman.

"Sorry." sambit nito. Hays ano pa nga bang magagawa ko? eh nangyari na.

"Ayos lang" wala rin ako sa mood dahil gusto ko na lang matulog at kanina pa ako palakad lakad sa campus dala itong card board tas nabangga pa. Pinulot ko ang mga ito. Tinulungan nya naman ako kahit halos napulot ko na. Inabot nya naman ang napulot nya. "Salamat" tangi kong sabi at umalis na. Pupunta na lang akong library since naka aircon don matutulog na lang ako habang hinihintay sila. Buti na lang talaga sabado bukas. Isa lang subject na papasukan ko makatulog pa ako bago gumawa ng plates. Nagchat na lang ako sa gc na nasa library ako para alam nila kung saan ako hagilapin.

Pumwesto ako sa pinakasulok ng library, yakap yakap ko ang aking bag habang nakapatong ang aking ulo dito. Antok na antok talaga ako sana may mga sleeping quarter dito sa school para sa mga tulad kong gusto magpahinga. Rinig ko pa rin ang paligid ko, mga boses na nagbubulungan at ang mga apak na mga paa kaya alam kong hindi pa malalim ang aking tulog nang naramdaman kong may mga tumabi sakin pag angat ko ng aking ulo ay narito na nga ang mga hinintay ko. Akala ko matatagalan pa sila naputol tuloy tulog ko. Yaan na ang hirap din makatulog.

"Gurl nagsuklay ka ba?" tanong sakin ni Ellaine. Agad ko namang kinapa ang aking buhok at sinuklay gamit ang kamay.

"Ikaw nga hindi." pang-aasar ko rito kahit maayos naman ang kan'yang buhok. She's an accountancy student pareho lang kami nito puyat palagi.

"Tara na." pag-aya ni ate Anne. S'ya naman ang future educator samin. Ang nanay nanayan sa grupo.

"Maya na ate, kakarating lang natin pahinga muna." meet Angel our future nurse, ang malaanghel naming kaibigan. Madaming manliligaw pero hanggang ngayon nbsb. Hilig kasi mang-basted.

"Oo nga, napagod ako sa kakamarch don sa field." and here's Ate Cia the future policewoman of the group.

"Kamusta ka pala Ate Cia?" tanong ko rito. bihira na lang kaming mag-usap lahat. Hindi pa laging online. "Hindi kaya namin talaga expected na magpopolice ka. Sa laki ba naman ng dede mo mahihirapan ka tumakbo." pang-aasar kong dugtong.

"Grabeeee porket ikaw walang dede." pabalik nitong asar sa akin.

"Shhh! hinaan mo nga boses mo nasa library tayo." saway ko sa kan'ya.

"Si ate busy na naman kay Junjun." napatingin kaming lahat sa tinutukoy ni Angel. Si Ate Anne lang naman busy sa phone nya.

"Sana all may Junjun." pang-aasar ni Ellaine. Natawa naman ako sa sinabi nito. Hindi talaga Junjun name ng bf ni ate. Palayaw n'ya lang ay jun kaya inaasar naming junjun.

"Hindi ah, may tinitignan lang," tanggi nito pero pilit na tinatago mga ngiti nito. Sus halatang kinikilig.

"Hindi raw ayan oh kita ko." turo ni Ellaine sa phone nito.

"Akala ko ba walang magjojowa hanggat di pa us nakapagtapos ng college." namumuktol na sabi ni Angel. Nong highschool pa kasi kami nagkasundo sundo kaming di muna magjojowa kaso sarap lumandi eh.

"Sino unang nagkajowa satin?" pang-aasar ko. Tinaas naman ni Ellaine ang kanyang kamay dahil alam n'ya nang aasarin namin sya uli. Grade 8 pa lang kasi kami nagkajowa na ito at take note mas bata ito ng isang taon samin. Sabi nga ni Angel kung sino pa pinakabunso sya pa ang nakakadalawang jowa na. Opo dalawa na ex ni Ellaine.

"Lahat naman tayo nag break ng rules ah." sagot naman ni Ellaine.

"Hoy, hindi ako." tanggi naman ni Ange na nbsb samin.

"Hirap din kaya mamatay nang virgin." wika ko.

"Bakit Ally di ka na ba virgin?" tanong naman ni Ate Anne

"Syempre V pa. Pure pa is me. I mean diba di mo pa natatamasa ang sarap tas namatay ka na."

"Mas maganda pa rin sa taong mapapangasawa mo mabigay virginity mo not just for experience." ani naman ni Ate Anne.

"True" kan'ya kanya nilang sang-ayon.

"Oo nga naman." pagsasang ayon ko din. Hindi sa napipilitan akong sumang-ayon pero tama naman talaga si Ate.

"Tara na milktea na tayo. P'wede naman kasing mag-usap habang naglalakad eh" milktea na milktea na talaga to si Ate Anne. Parang di nagmilktea kahapon ah.

Sinunod na lang namin ito at sabay sabay nang nagtunggo sa Milky-T House. Malapit lang naman 'yon dito sa campus may mga pasok din kasi kami kaya bawal nang lumayo sa kabihasnan.

Sa Susunod na Hangganan (GXG)-ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon