Chapter 14

21 1 1
                                    

Ally's Pov

Sinimulan ko na nga ang Chapter 1 ng aking thesis. Pero bago ko pa matapos ang kauna-unahang chapter 1 ay napatitig na lang ako rito dahil walang pumapasok sa aking utak. Hindi ko alam kung kulang ba ako sa vitamins dahil wala na ibang pumapasok sa isip ko. Palagi na lang ganito, lagi kong naiisip ang babaeng naka-one night stand ko. Gusto ko na naman guluhin buhok ko pero pinigilan ko kasi para bang matatanggal na sa anit mga buhok ko kapag nakaramdam ako ng stress.

Naghanda na lamang ako para pumasok sa dalawang subject ko ngayon. Maaga pa naman kaya hindi na ako nagmadali na makarating. Akala ko ay sakto sa oras ako makarating pero napaaga rin ako. May iba pang estudyante sa loob kaya naghintay muna ako matapos sila bago ako pumasok. I took the chance to take a nap while they were not here. Siguro isa sa dahilan na hindi ako makapag focus dahil sa kulang ako palagi sa tulog.

Pero sa pagkakataon ngayon, mali ako. Kahit anong gawin ko ay hindi ko maintindihan ang lecture sa harap. Pasalamat na lang ay hindi recitation ngayon. Hindi dahil kulang ako sa tulog kaya hindi ako makapagfocus. It's because of her. She stays in my thoughts that's why I can't stop thinking about her. She invades everything, infiltrates everything just like a stain that leaves a trace. Hindi nito nilulubayan ang aking isip. At alam kong isa lang ang sagot sa lahat ang makita at makausap sya. Nang mapanatag na rin ako, maybe it's because I feel guilty leaving her behind.

Pagkatapos ng klase ay pumunta ako sa bahay nito. Buo na ang aking loob sabi ko ngunit nang kaharap ko na ang gate nito para bang loob na lang ang meron ako pero hindi na buo. Akmang pipindutin ko na ang door bell ngunit naging parang lantang gulay kamay ko dahil nawalan ito ng lakas. Hindi ko kaya. Anong sasabihin ko kapag kaharap ko na sya? Pano kung magmukhang big deal ito sa akin? Hindi nga ba? Shit ito na nga ba sinasabi ko lagi akong walang lakas, hindi ako confident palagi sa sarili ko. Tumalikod na sana ako nang may marinig akong nagbukas ng gate at kinausap ako. Hindi ko alam kung paano ko hinarap ito.

"Sino po hanap natin?" Mahinahon nitong sabi na halata mo namang curious ito kung ano ba ginagawa ko sa harap ng bahay nito. Hindi ko ito kilala. Inaalala ko kung s'ya ba ang babaeng naka one night stand ko ngunit malayo ito. Maganda ito, simple ngunit may dating. Sa naalala ko ay walang ibang nakatira dito. Hindi sa malamang dahilan ay nakaramdam ako ng selos. Baka ay girlfriend nya ito. Imbes na sagotin ay tumalikod na lamang ako dito.

Ngayon ay malinaw na sa akin na tigilan ko na dapat ang kahibangan ko. Napatulala na lang ako nang maisip na wala naman akong balak na jowain man ito. Pero bakit ako umalis? Diba makikipag-usap lang naman ako? Pero may girlfriend na sya? Ayaw kong makadagdag pa ng pagkalito o misunderstanding at maisip nito na hindi ako makamove on. Eh sya nga tong hinabol ako diba? Para akong baliw na kinakausap ang sarili. Nagising na lamang ako ng diwa nang marinig ko ang Alarm ng Phone ko. May part time pa pala ako. Kanina pa ito nagnotif pero para bang hindi ko to narinig kanina.

Late na ako nakarating sa Doze Kafe. Dali dali naman akong nagbihis. Waitress ang naka-assign sa akin ngayon at paglilinis. Isa rin ito sa matrabaho na gawain ngunit bawal magreklamo dahil part na ito ng part time ko ang malaman lahat.

Naglilinis ako ng table nang may lumapit sa akin. Pamilyar sa akin ang amoy nito nang maiangat ko ang mukha ay nakita ko ang maganda nitong ngiti at walang kupas na kagwapohan. "Hayden" tawag ko dito.

"Sorry did I disturb you?" Gusto ko sabihing oo ngunit kusang sumagot ang bibig ko na nakatingin pa rin sa kanyang kumikislap na mga mata.

"Hindi naman po. Naglilinis lang ako." mahinahon kong sabi nang nakangiti.

"This is real quick, I just want to ask about my offer, the exhibit." Napaayos ako ng tayo at napakamot na lang sa aking sintido. Oo nga pala, sa dami kong iniisip I mean sa lagi kong iniisip yong pahamak na babaeng yon ay nawala na lahat ang mga importante pang dapat kong unahin isipin. Nahalata naman ni Hayden na nakalimutan ko ito at napangiti na lang ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Susunod na Hangganan (GXG)-ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon