ENTICING 6

11 2 0
                                    

CHAPTER 6: SEDUCE AND DESTROY

SAPPHIRE

"That wasn't new to me, Zephyrus, sigu-sigundo akong nakakatanggap niyan. Lalo na sa trabaho natin."

Hindi na ako nagulat kanina ng lumapit ito. Inaasahan ko na iyon dahil lagi niyang ginagawa ang ganoong bagay, pero nagulat ako sa rason niya. He knows I've been receiving death threats since I entered the business world.

"We are not gonna talk about that, Valentina. We are going home."

"No way, we are not going home." I said. If this is his way to avoid a certain admirer then no.

"Yes way, we are going home."

"Bakit nga kasi—" naputol ang dapat nasasabihin ko ng mga nadinig kaming pagsabog sa labas.

"Shit!" Nagkagulo ang mga tao dahil sa lakas ng pagsabog. Ang iba ay napayuko at ang iba naman ay nagsisitakbo.

Hinila ako ni Zephyrus papunta sa isang daan na sa tingin ko ay papunta ng back door ng bahay na ito.

"You knew?" I asked as we run towards the backdoor.

"Francine called, may aatake raw ngayon sa lugar na ito. Ang target ay isang businessman, na malaki ang utang nito sa sindikato na aatake. Francine said the syndicate saw this an opportunity to attact kasi nagkakasiyahan raw ang tao."

"Nasa labas ba si Agent?"

"Oo, kaya inaaya na kita umuwi dahil hindi maganda ang mangyayari dito. At saka nasa bakasiyon tayo, may ibang tao para sa misyon na 'to."

"Pero kailangan kong tumulong." Sabi ko at bawi sa kamay.

"Yes, we will. But please. Please. Change your clothes."

Pagkarating namin sa labas ay nandoon na si Agent Lustrous. Nakabukas na din ang van at hinihintay na lang kaming sumakay.

As soon as we're in Agent Lustrous quickly handed me an off-the-shoulder short black dress and black stiletto heels. Kumuha rin ito ng cotton pad at binuhusan iyon ng make-up remover.

Tinanggal ko ang wig ko ganon din ang pagkakatali ng buhok ko. Si Agent Tart naman ay naga-assemble na ng sniper niya. I took my clothes off, not minding the presence of my two companions. Tinulungan ako ni Agent Lustrous sa pagtanggal ng make-up habang nagpapalit ako ng damit at ikinabit niya na rin ang earpiece sa akin.

"The order is shoot to kill, and I've already deleted the CCTV footages that you two have seen. Maliban na lang nung nagsisimula pa lang ang party," numiti ito ng nakakaloko. "You can call me, Sapphire. Huh?" She said in a mocking tone.

"Shut up, Agent." I took my contact lenses off, revealing my blue eyes.

Pagkatapos namin sa ginagawa ay agad kaming lumabas ng van. Lumingon ako kay Lustrous. "Deleted the footeges that needed to. And position, Agents."

"Copy, Agent Entice."

"Tu y yo haremas el mundo pacifico." We all said in unison.

Muli ay pumasok ako sa loob ng bahay. Ngunit hindi na para magsaya kung hindi para sa ibang dahilan.

Cries of both women and men greet me, not unlike earlier.

"Asan si Sapphire Morgan?!"

Napailing ako. Looks like Zephyrus got a fake news. Sumandal ako sa pasimano ng pinto at pinag-krus ang braso. Everyone attention is on the syndicates.

Lima silang narito. Dalawa ang naglilibot at tatlo ay nandito sa harap ko at nanakot ng tao.

Ano kaya ang problema nito sa akin?

EIRINEFTÍS I: AGENT ENTICEWhere stories live. Discover now