THE PEACEFUL PROVINCE
"Ma'am, nandito na po tayo sa bahay ng lola niyo po," napamulat naman ako ng aking mata nang gisingin ako ni Manong Bert. Napahikab ako habang nakatakip ang aking bibig gamit ang isang kamay at tiningnan ang labas.
Mansyon din siya at tahimik rin ang paligid na siyang naging creepy. Kulay puti ang mansion na iyon at puro mga halaman at puro bulaklak ang nasa gilid ng daanan, maganda naman ang paligid dahil malinis at mga huni lang ng ibon ang maririnig mo. Pagkalabas ko ng kotse ay biglang tumambad sa akin ang sariwang hangin kaya napapikit ako. First time ko dito sa probinsya dahil laging bumisita sa amin sina Lola at ayoko rin dito.
Mukhang unti-unti ko ng nagustuhan na ngayon ang probinsya. Akala ko puro puno lang ang mga nandito. Base kasi sa mga nababasa ko ay marami daw mga iba't-ibang elemento ang mga nandito. Mayroong kapreng tumatambay sa matataas na puno, naninigarilyo ng malaking tabako at iba pa..
Ang tahimik ng paligid at masikat rin ang araw. Walang mga polusyon ang mga nandito, 'di kagaya ng nasa city. Maingay, puro mga ugong ng sasakyan ang maririnig mo, puro usok ang naamoy mo at bilang lang ang puno na nandoon. Dito ay maraming puno at kulay berde ang mga ito, walang masyadong polusyon at sariwa ang hangin.
Napatingin ako sa gate biglang bumukas iyon at nakita ko si Lola na nangiting nakatingin sa akin. Napangiti naman ako at yumakap sa kanya. Hindi kasi magkakasya ang kotse namin sa loob bagkus ay mayroong dalawang sasakyan ang nakaparada sa loob nila kaya bawal na.
"Kamusta na, iha?" Tanong niya sa akin. Kumalas kami sa pagkakayakap at ngumiti rin sa kanya. Matagal tagal na 'ring hindi ko nakikita si Lola dahil nagkakasakit na siya.
"Okay lang po ako, Lola, titira daw po ako dito," Nakabusangot kong sabi sa kanya. Napatawa naman siya sa inasal ko.
"Oo nga, kasi naman ay napakatigas ng ulo mo," saad nito kaya mas lalo akong ngumuso na siyang dahilan ng pagtawa niya ulit.
Pinapasok na ako ni Lola habang ang mga kasambahay at guard ay tumutulong sa bagahe ko na laman ay mga damit, make up, at iba pa. Pagpasok ko ay unang nakita ko si Lolo na naka-wheelchair. Napangiti naman ako at niyakap siya, sinuklian naman niya ako ng yakap pabalik.
"Apo ko, kamusta ka na?" Tanong nito. Kumulas kami mula sa pagkakayakap sa isa't-isa.
"Okay lang po ako, kayo po? Kamusta na po kayo? Kayo naman kasi, Lolo! Ang tigas tigas kasi ng ulo niyo! Bawal nga sabing masobrahan sa matatamis dahil makaka-diabetes ka niyan! 'Yan tuloy!" Saad ko dito habang nakanguso. Napatawa naman silang dalawa ni Lola.
"Hay, ikaw talagang bata ka! Mabait na nga, maalaga pa! Kaso ang balita ng Daddy mo sa akin ay may pinagsabay ka daw na dalawang lalaki?" Mas lalo akong napanguso sa sinabi niya.
"Sinungaling si Daddy, Lolo! Wala akong pinagsabay, sadyang obsess lang sa akin ang naging ex ko! Naniwala naman si Daddy sa pinagsasabi no'n!" napatawa ulit silang dalawa sa inasal ko dahil tumadyak ako habang nag iinarte.
"Ikaw talaga na bata ka! Sige na! Magpahinga ka na at alam kong pagod ka sa biyahe," nakangiting sabi ni Lola. Napangiti naman ako sa kanya at tumango.
"Okay! I'll leave myself in your care, Lola!"
Umakyat na ako patungong taas ng nadatnan ko ang isang pintuan na kulay brown. Malaki ito kaya nagtataka ako. Ano kaya ang nasa loob nito? Dahil sa out of curiosity ko ay lumapit ako. Pagkaharap ko sa pintuan nito ay hinawakan ko ang doorknob, aakmang bubuksan ng may isang boses ang narinig ko na siyang dahilan ng pag-talon ko sa gulat.
"Anong ginagawa mo diyan?" Napalaki ang mata ko ng makita ko si Lola na seryosong nakatingin sa akin. Napalunok ako at umayos ng tayo.
"Ano kasi, Lola. Curious lang--"
"Halika na at ihahatid kita sa kwarto mo," Bumalik ulit ang normal na Lola ang nasa harapan ko. Napakunot naman ako ng noo dahil sa inasal niya. Bipolar siya?
Napakagat labi ako at tumango. Tumingin muna ako sa pintuan iyon bago ko sinundan si Lola.
Ano kaya ang pintuan na iyon?....
Pabagsak akong humiga ang aking katawan sa aking kama pagkatapos kong maligo dahil na rin sa lagkit ng pawis dahil sa biyahe. Natulala ako sa kisame habang iniisip ang nangyari kanina.
Ano kaya ang nasa likuran ng pintura na iyon? Ano kaya ang tinatago ni Lola doon?
Napabuntong hininga ako napalingon sa orasan. 10 o'clock na! Napanguso naman ako at bumalik sa pagtingin sa kisame habang malalim ang aking iniisip. Nanginig ako nang biglang humangin ng malakas.
Napatingin naman ako sa terrace ng aking kwarto. Napaupo naman ako sa kama habang pinagmamasdan ang paggalaw ng kulay yellow na kurtina. Favorite color ko ang yellow at green kaya nasisiyahan ako sa mga nakikita ko sa paligid.
Dinala ng aking mata sa kabuuan ng aking kwarto. Kulay yellow ito at ang mga green na gamit kaya napangiti ako at napahiga ulit. Kulay yellow ang sapin at kumot ng kama ko habang ang dalawang unan naman ay kulay green. Talagang alam na alam nila Lola ang favorite ko!
This is heaven!
Biglang may tumawag sa aking cellphone na siyang pinag-taka ko. Napatingin naman ako sa mini table at nakita ko ang phone kong umiilaw dahil may tumatawag. Kinuha ko ito at tiningnan ang caller ID. Nakikipag-video call sa akin ang mga kaibigan ko!
Sinagot ko ito at unang tumambad sa akin ang mukha ng mga kaibigan ko na matatalim ang tingin na nakatingin sa akin. Napairap naman ako sa kanila.
"Paano ang friend hoping natin?" Mataray na tanong ni Eljoy habang nakataas ang isa niyang kilay.
"I'm sorry, guys. But this is my Dad's plan because of what I did!" Paliwanag ko sa kanila. Nagkatinginan naman sila at nagtatawanan. Napairap ulit ako sa dahil sa reaksyon nila.
"Wait! I heard the news na nasa province ka daw. 'Di ba, ang may mga creepy creatures diyan?" Maarte na sabi ni Dephney na siyang itinataas ng kilay ko. Umiiling lang ako at ngumiti.
"No, mali ako! Well, tahimik nga pero ang ganda ng paligid. Sariwang hangin!" Nakataas na kilay na sabi ko sa kanila. Napairap naman sila sa akin.
Nag usap pa kami ng nag-usap ng hindi namin namamalayan ang oras. Kung hindi lang ako tinawagan ng isang kasambahay na nandito ay hindi pa kami tapos sa pag uusap. Nagpaalam na ako sa kanila at lumabas na ng kwarto. Pero bago ako bumaba sa hagdanan ay nahagip ko ang pintuan kanina. Malaking kuryusidad sa akin ang pintuang iyan. Baka may tinatagong yaman diyan o kaya iba?
Napa-buntong hininga ako. Kung hindi ko alam, eh 'di aalamin ko.
Ganoon kalikot ang bulate sa utak ko...
---
To be continued...
BINABASA MO ANG
Enchanta Trilogy 1: La Enchanta
FantasyLa Enchanta was known as a magical green place full of inhabitant Enchanters, the epitome of peace and kind world. This world has become a peace and standard place to live but as the two sisters fought because of a man, Aklia wants the La Enchanta w...