THE LOVE LEFT BEHIND LA ENCHANTA
"Ms. Mallari, this is the paper for the new construct and this is the paper for your agreement to do for the upcoming budget for the new ZLK construct. Pirmahan niyo po daw," Saad ng aking sikretarya na babae habang ako ay busy sa pagla laptop para gawan ng report for new product na magiging business ng bagong construct na ipinag-deal ng ZLK sa amin.
Napabuntong hininga ako at tumango sabay turo sa isang lamesa ko. "Paki lagay na lang doon," Kita ko ang pag tango niya at nilagay niya doon ang mga papeles hanggang sa makaalis siya ay hindi ako nag taas ng tingin.
I'm now a businesswoman. In the past five years and now I'm successful businesswoman. Hindi ko na natuloy ang pagiging nursing ko bagkus ay gusto kong tulungan si Dad lalo na at tumatanda na siya at saakin na nakasalalay kung ihihinto na ba itong kumpanya o hindi.
Pero sa huli ay pinili ko ang tagapagmana ng kumpanyang ito.
Napabuntong hininga ako at napatingin sa papeles na nakatambak sa isang lamesa. Marami iyon, at kailangan ko pang basahin iyon bago pirmahan. Napa buntong hininga ako. Mukhang hindi ako makakauwi ng maaga at makapagpahinga.
Ilang linggo na akong ganito ang nangyayari kaya nagkaroon na ng eye bug ang ilalim ng mata ko dahil sa puyat pero umiinom naman ako ng vitamins para hindi naman ako maging sabog pagpasok ng opisina. Kailangan ko na talaga magpahinga!
Napalingon naman ako sa nagbukas ng pintuan at napangiti ako ng makita ko si John na ngayon ay fresh na fresh.
"Ano? Anong kailangan mo sa akin?" Natatawa kong tanong sa kanya ng makita ko ang mukha niyang parang binagsakan ng langit at lupa.
Magkaibigan nalang kami ni John. And then, May asawa na siya, hindi katulad sa akin. Lagpas na ako sa kalendaryo. Matagal tagal rin ako na wala noon dito sa manila at nagulat nalang ako pagkauwi ko mula sa probinsya, nabalitaan ko nalang na ikakasal na si John.
Natatawa ako sa reaksyon niya. May problema na naman yata ito.
"Anong problema ha?" Tanong ko dito habang busy ako sa laptop. Alam kong umupo na si John sa visitor chair kung nasaan nasa harapan iyon ng lamesa ko.
Rinig kong napabuntong hininga siya. Mukhang problemado nga talaga.
Natatawa ako habang sa laptop parin nakatuon ang aking tingin. Kailangan ko na talagang i-pasa ito kay Dad. Since, CEO na ako sa kumpanyang ito ay si Daddy parin ang namamahala dito at na sa kanya pa rin ang desisyon kung naaprubahan ba o hindi.
Well, napag meetingan na namin ang tungkol doon pero hindi ang CEO ng ZKL ang pumunta dahil daw nasa America daw yun nun kaya hindi nakapunta kaya ang sekretarya nalang ng CEO ang pumunta.
And speaking of Dad. Well, nahinto na ang paghahanap kay Mom dahil sinabi kong hindi na namin siya makikita. Naawa ako kay Daddy noon habang umiiyak siya, iyak siya ng iyak habang niyayakap niya ang maliit na picture sa kanyang wallet at nagulat pa ako nun dahil meron siyang picture na iyon at isa pa kumpleto pa kaming tatlo doon. Naawa talaga ako kay Daddy habang pinapanood ko siya sa na umiiyak. Sadyang mahal na mahal niya talaga si Mommy at dahil doon, hindi na siya nag asawa ulit at sabi niya sa akin na nasa puso niya si Mommy at hinding hindi daw niya papalitan si Mommy.
Napabuntong hininga ako napataas ng tingin kay John na ngayon ay salubong ang kilay habang nakanguso. Napailing nalang ako.
"Nag away kami ni Sirena," panimula niya at napa sabunot sa kanyang sariling buhok dahil sa frustration, "Well, nakita ko na naman siya kasama ang Jarem na yan" iritado niyang saad. Natawa naman ako. Palagi niyang pinagseselosan ang Jarem na iyon kaya madalas silang mag away.
BINABASA MO ANG
Enchanta Trilogy 1: La Enchanta
FantasyLa Enchanta was known as a magical green place full of inhabitant Enchanters, the epitome of peace and kind world. This world has become a peace and standard place to live but as the two sisters fought because of a man, Aklia wants the La Enchanta w...