SWEETNESS
Sinipa ko ang isang Olka na siyang dahilan ng pagkaatras niya ng kaunti sabay ikot ko sa ere at sinipa ang kanyang mukha na siyang dahilan ng pagbagsak niya sa lupa. Bigla kong itinapat sa leeg niya ang dulo ng patulis ng espada.
Napangiti ako nang marinig ko ang nga palakpakan ng mga nandito. Napatingin naman ako sa kanila. Nakangisi sila at ang iba naman ay nakangiti, mukhang masaya sila na nasanay na talaga ako dito sa pag eensayo.
Isang araw na lang ang natitira at bukas na magsisimula ang digmaan. Medyo Kinakabahan ako dahil iniisip ko ang mangyayari sa akin--o sa amin bukas. Pero dinadalangin ko na lang na sana ay magtagumpay kami laban sa digmaang iyon.
At para makauwi na ako.
Napatingin naman ako kay Kashton na nakangiting nakatingin sa akin. Nakaramdam ako ng kirot habang pinagmamasdan siya. Paano kapag dumating ang araw na uuwi na ako? Ano na ang nangyayari dito? Ano na ang mangyayari kay Kashton pagkatapos?
Oo, kung mananatili ako dito, mag aalala sina Lola lalo na si Daddy. Kapag gusto kong manatili dito ay dapat dito ako hanggang sa mamatay ako. At kung mabubuhay man ako at manalo kami sa digmaan ay kahit sa ayaw o gusto ko, uuwi ako... Magkakahiwalay na kami ni Kashton at hindi na ako pwedeng bumalik dito dahil wala akong kapangyarihan.
Pinahiram lang sa akin ng mahiwagang puno ng Algates ang mahika nito para iligtas ang buong La Enchanta laban sa hukbo ni Aklia. Hindi sinasadya na ako ang magiging tagapagligtas ng lahat ng nandito, kaya nakasisiguro kong lahat ng buong La Enchanta ay sa akin nakasalalay ang buhay nila at buhay ng mundong ito.
Napabuntong hininga ako at ngumiti kay Kashton na ngayon ay naglalakad palapit sa akin. Inilahad niya ang kanyang kamay sa harapan ko kaya nagtataka ako.
"May surpresa akong inihanda sa iyo," hindi ko mapigilan ang ngiti ko na kanina pa gusto makawala. Walang araw na hindi sweet si Kashton sa akin. Kulang na lang ay lalanggamin na ako sa tamis, eh.
Lahat gagawin niya para mapasaya lang ako. Oo, napatawad ko na siya sa pagtatraydor niya sa amin dahil sinabi naman niya ang dahilan at naiintindihan ko naman iyon.
Marupok kasi ako.
Napakagat labi ako at pinisil ang kanyang ilong na dahilan ng pagka simangot niya na naman. Kinuha niya ang aking kamay na pilit na pinipisil ang kanyang ilong at bigla akong hinila kung saan.
Napahinto kami sa loob ng kwarto naming dalawa. Nagtataka naman akong napatingin sa kanya. Humarap siya sa akin na seryoso ang mukha.
"B-bakit?" Pinipilit kong wag mautal pero failed ako. Ngumisi siya at dahan dahang lumapit sa akin. Kinakabahan naman ako sa kanya dahil iba ang pahiwatig ng kanyang mukha. Luh? Anong gagawin niya?
Napakagat labi ako at umiwas ng tingin nang makalapit siya. He's too closed kaya bumibigat ang aking hininga pati rin sa kanya.
"Pwede bang kumain na tayo?" Malambing na may pinaghalong husky ang kanyang boses. Napalunok naman ako. Luh? Anong kakainin---
What the fuck?!
"A-ano?" Gulat kong tanong sa kanya. Kakainin?! Yung birhen ko?!
"Kakain na tayo dito sa kama," mas lalo akong napalunok at nararamdaman kong pinagpapawisan na ako.
Aba, ang tarantado, mukhang sinusubukan ako.
Tinulak ko siya pero hindi sapat iyon dahil mas matigas ang katawan niya habang ang kamay ko ay nanlalambot na. Nakakaramdam ako ng init, pinagpapawisan na ako at mas nakakapaso ang paraan ng tingin niya sa akin.
"O-oy, pinagsasabi mong animal ka—"
"Gutom na ako. Pakainin mo naman ako," biglang nagsitayuan ang balahibo ko sa sinabi niya. Ramdam ko rin ang buga ng hininga niya sa aking mukha na siyang dahilan ng mas pagkainit na dala nito sa paligid.
Napalunok nalang ako habang siya naman ay nakatingin sa aking labi. I-ibig niya bang sabihin?---oh fuck!
Pero siguro ito na ba ang tamang panahon para ibigay ko na sa kanya? Sabagay malapit na rin akong umalis dito kaya bago pa ako umalis ay ibibigay ko na sa kanya.
"G-gusto mong may mangyari sa atin---" napahinto ako sa aking sasabihin ng bigla siyang natawa. Kaya nakakunot kaagad ang noo ko. Bakit?
"Ano ba ang nasa isip mo, Mahal ko?" Natatawa ngunit malambing saad niya. Ano ba iniisip ko?
Mas lalo siyang tumawa saka pinisil ang ilong ko habang nagtatanong ang mata kong nakatingin sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka na tanong ko sa kanya. Napangiti naman siya at napailing.
"Ano ang naiisip mo, Mahal ko? Ang ibig kong sabihin, dito na tayo kakain, dito tayo kakain sa kama.. Naghanda na ako ng pagkain natin.." biglang uminit ang mukha ko sa sinabi niya. Napatingin naman ako sa kama at tama nga siya, may nakalagay na pagkain doon. Nanlaki ang mata dahil hindi ako makapaniwala na iyon ang iniisip ko habang ang tinutukoy ng animal na 'to ay ang pagkain na nasa kama.
Nakita ko ang panloloko na ngiti niya, "Kung iyan ang nasa isip mo.. Pwede naman nating gawin--"
"Siraulo!" Malakas na angas ko dito at kaagad tumungo sa banyo at malakas kong sinarado ang pintuan dahil sa kahihiyan na naramdaman ko. Kahit nasa loob pa rin ako ng banyo ay rinig ko parin ang kanyang pagtawa na siyang dahilan ng mas lalong pag iinit ng aking mukha.
Gusto kong kutusan ang sarili ko kasi kahit anong pumapasok sa isipan ko?! Akala ko kung ano na! Putspa!
—
To be continued.......
BINABASA MO ANG
Enchanta Trilogy 1: La Enchanta
FantasyLa Enchanta was known as a magical green place full of inhabitant Enchanters, the epitome of peace and kind world. This world has become a peace and standard place to live but as the two sisters fought because of a man, Aklia wants the La Enchanta w...