Sa mainit na sinag ng araw, lakad-takbo na ang ginawa namin ng kaibigan kong si Herah. Paano ba naman kasi, sinusundan na naman namin ang gustong-gusto niyang si Josiah. Napairap pa ako nang hinila nya ako bigla-bigla sa may gilid ng abandonadong computer shop na muntik pa akong matalisod dahil sa dilim dahil huminto sina Josiah kasama ang mga kaklase nito sa may labas ng movie house.
"Alam mo Herah, magkikita rin naman kayo mamaya ni Josiah eh, hindi mo na sya kailangang sundan." Sabi ko sa kaibigan habang inaayos ang nagusot kong uniform dahil sa kakahila nya sa akin.
"Gaya ng sabi ko kanina, may girlfriend na talaga yang si Josiah eh! Kaya nga natin sinusundan dahil for sure, susunduin nya ang girlfriend nya ngayon. Baka nga diyan sa movie house nya susunduin eh!" Aniya nang nakasilip sa nagtatawanang sina Josiah.
Umirap ako at humilig nalang sa pader ng computer shop. Hindi ko lubos maisip na nagiging paranoid na itong kaibigan ko na parang boyfriend nya si Josiah dahil umabot pa talaga sya sa puntong susundan na nya ito. Nakakatakot naman kung magkakagusto ka sa isang tao na aabot ka pa talaga sa puntong gagawin mo na ang mga ganito. Umiling ako dahil tumaas yung mga balahibo ko. Hindi ko maisip kung ano ang iisipin ni Josiah kapag malaman nyang sinusundan sya ni Herah.
"Tingnan mo! Tingnan mo!" Ani Herah sa akin sabay turo kay Josiah na tinutulak ng kanyang mga kaibigan sa kakalabas lang na babae sa movie house.
"Sabi ko na nga ba eh! May girlfriend sya eh!" Di ko nga rin alam kung girlfriend ba talaga yan ni Josiah o flavor of the month, or week?
"Para ka namang just now Herah, parang di mo kilala si Josiah. He may be hitting that girl, but that's just for now. For sure, iba na naman ang babaeng susunduin nyan next week." Nagkibit-balikat ako at iniwas ang tingin sa babaeng inaakbayan na ngayon ni Josiah.
"Umalis na nga lang tayo dito. Hinihintay na siguro tayo nina Rena ngayon." Sabi ko at nauna nang tumalikod. Nang naramdaman kong hindi sumunod si Hera sa akin ay nilingon ko ito para sana tawagin na.
Nanlaki nalang yung mga mata ko nang mapansin ang pagpunas niya ng panyo sa kanyang mukha.
"Herah!" Saway ko sa kaibigan. Hindi ko talaga aakalaing sobra-sobra na ang pagkakahumaling nya sa walang hiyang Josiah na yun. Ano bang nagustuhan nya sa jerk na yun!
"Tara na." Ani Herah sa parang nanlulumong mga mata. Umiling ako at hinila na ang kaibigan. Nilingon ko pa sina Josiah at ang mga kaibigan nyang nakatalikod na habang panay pa rin ang mga tawanan. Inirapan ko nalang ang mga likod nila.
Nagtaxi kami papuntang bahay nina Kael dahil may usapan ang barkada na magkikita raw kami ngayon at habang nasa taxi palang kami ay di ko maiwasan ang mapatitig kay Herah and think about so many things. Looking at her, na parang malalim ang iniisip nang dahil sa nakita nya kanina, nakakatawang isipin na nakakatakot. Didn't know na ganito ang magagawa ng feelings sa atin. I've liked boys before, even now, pero hindi ko naranasan ang umabot sa ganito, like what Herah did.
Nakakatawa dahil bakit natin ipipilit ang mga sarili natin sa taong alam naman nating hindi kailanman masusuklian kung ano man ang pagtingin natin sa kanila? Pero nakakatakot. Nakakatakot na dahil sa hindi natin matanggap na wala talaga tayong pag-asa ay darating sa puntong, pinipilit na talaga natin ang ating mga sarili at nakakatakot, dahil wala ka nang kontrol sa sarili mo, puso mo nalang ang pinapairal mo lagi. Hindi ko alam dahil wala naman talaga akong karanasan kung paano ba talaga ma inlove dahil wala pa naman akong naging boyfriend pero kung darating man ang araw na yun, sana naman, sana makokontrol pa ng utak ko ang aking sarili, bago pa ako malamon ng puso ko.
"Are you okay?" Tanong ko sa kaibigan pagkababa namin ng taxi. Ngumiti naman sya sa akin na parang wala lang yung nangyari at naramdaman nya kanina, siguro dahil sa sanay na sya?
BINABASA MO ANG
Wrong Timing
General FictionPerfect Timing? Everyone's wishing for that. In my case, I believe, I may not have mine before, today, maybe, I'll have it tomorrow? The next day? Next, next day? And the following days? But why does it feel like, the more I wanted to make this tim...