As if
Hindi ko alam kung bakit kami naging magkaibigan lahat at naging mas close pa sa paglipas ng ilang taon. We're just stangers, turned into classmates, then namalayan nalang namin na sabay-sabay na kaming gumagala at magdesisyon kung saang paaralan kami papasok. Kung ibang tao ako ngayon, hindi ko maiisip kung paano kami naging close gayong iba-iba ang mga hilig at gusto namin sa buhay. But here we are now, there's bond in us, kahit ilang taon man ang lumipas, 7 years, I guess, nandito pa rin kami, embracing each other's differences. Maraming nabuo at nagbago sa loob ng pagkakaibigan namin, including Herah's feelings and showing each other's real traits. Hindi ko alam kung ano ang mga naghihintay sa amin, we're still young though, pero sana ganito pa rin.
"Rain." Ani Josiah sa gilid ko kaya hinarap ko sya. Gusto ko na sanang umirap dahil sa kanina pero hindi naman siguro sya masisisi kung ganito talaga at kung talagang hindi nya lang talaga gusto si Herah.
"Why?" Tanong ko. Pansin ko na ang usap-usapan ng iba. Si Herah ay namumula pa ring nakayuko, hindi makatingin sa mga kaibigan namin. Ganyan yan palagi.
"Can you hand me over some cookies?" Aniya sabay turo sa nakalatag na cookies sa harapan namin. Hindi ko na inisip na abot-kamay nya namang cookies sa harap pero nang-uutos pa.
"Oh?" Inabot ko sa kanya ang malaking bowl na may lamang cookies. Kumuha naman sya ng isang piraso at ngumiti. "Thanks!"
Hindi na ako sumagot at binalik nalang ang bowl sa harap para makakuha rin ang iba.
Sa aming circle of friends, alam ko at alam rin syempre ng lahat na may mga bagay kaming hindi ini-open sa lahat. I understand that it's for privacy, I guess. What's keeping us this friendship is, we understand and accept each other.
Sa aming lahat, si Herah ang pinaka close ko, and Josiah is the least na masasabing close ko. Ewan ko, siguro kasi may ugali syang napepreskuhan ako and I don't understand why girls like him. Oo na, gwapo sya at mayaman, pero marami akong ayaw sa ugali nya.
I don't even know kung magkaibigan nga ba talaga kami, o magkaibigan lang kami dahil we're on the same circle of friends? Hindi naman sa hindi ko sya gusto, sadyang ganoon lang talaga.
"Paabot." Rinig kong ani nya ulit. Inabot ko ulit sa kanya yung bowl at hinintay syang kumuha nalang doon nang hindi sya tinitingnan pero pansin kong hindi naman sya kumuha roon. Kunot-noo ko syang binalingan.
Ngumisi sya sa akin. "The juice." Aniya. Umusok naman ang ilong ko sa sinabi nya. Kung kanina ay nilingon ko lang sya, ngayon ay hinarap ko na talaga sya.
"Abot mo naman yang juice ah! Ano ka sinuswerte?" Inirapan ko sya at binalik nalang ang bowl ng cookies sa lamesa.
"But you handed over the cookies to me, what difference does it make?" Aniya at ngumisi.
"Alam mo-"
Hindi ko na natapos ang balang sasabihin ko sa kanya nang tumayo sya at humalakhak nang nakita ang ekspresyon ko. Kumuha sya ng juice at lumapit kina Ken na hindi na ako tinapunan ng tingin! Urgh! Asshole talaga!
"Gago!" Umirap ako at binalik ang tingin sa TV.
Lumapit si Kael sa akin at may binulong. "Patayin ko muna ang TV ha? Usap muna tayo."
Kailangan talagang bumulong? Tumango nalang ako at hinayaan na muna syang patayin ang TV.
Pagkapatay ng maingay na TV ay mas dinig ko na ang ingay ng mga kaibigan ko sa kung ano-ano man ang pinag-uusapan nila.
Dahil Martes ngayon, pareho kaming naka uniporme. Yun nga lang, nakaputi nalang ng pang-itaas ang mga boys at nagkalat na ang kani-kanilang mga polo sa kung saan mang bahagi ng sala.
BINABASA MO ANG
Wrong Timing
Genel KurguPerfect Timing? Everyone's wishing for that. In my case, I believe, I may not have mine before, today, maybe, I'll have it tomorrow? The next day? Next, next day? And the following days? But why does it feel like, the more I wanted to make this tim...