Chapter C

28 0 0
                                    

Good

Sa sumunod na araw ay naging tutok na kami sa aming mga hand outs, may natapos na akong requirements namin para sa midterms ngayong second sem, at kailangan ko pa siguro ng ilan pang araw na pagpupuyat para matapos yun lahat.  Si Herah yung lagi kong kasama kasi kami naman yung pareho ng kurso at major na kinuha, well pareho rin namang kurso nga kinuha ni Michelle pero Finance naman ang major nya kaya mas nagkakasundo kami ni Herah sa mga gawain. Si Rena naman na ang kursong Political Science, medyo tapos na sya sa mga requirements nya kaya tinutulungan nya kami kung wala syang ginagawa.

Pansin ko rin ang medyo chill lang na mga boys, well hindi ko naman ipagkakaila na they're smart, engineering ang kurso nina Kael, James at Josiah, civil sina Josiah at James habang Computer naman ang kay Kael, si Ken naman ay Computer Science at Logan na Financial Accounting. Nang nakita ko silang palapit at nagtatawanan lang, bumusangot agad ang mukha ko. Buti pa sila, parang wala ng mga problema, hindi gaya namin, nangingitim pa yung ilalim ng mga mata namin. Inayos ko ang buhok kong dumidikit na sa batok at leeg ko dahil sa pawis. Walang panama talaga ang aircon basta't stress ka na eh.

"Busy ah?" Ani Ken at umupo agad sa harap namin.

Hindi ako nagsalita at nagpatuloy lang sa ginagawang paggugupit ng construction paper para sa gagawin kong design para minor subject na nagfi-feeling major.

"Ba't kayo? Hindi ba?" Si Rena ang nagsalita.

Hindi ko na sila tiningnan at nagpatuloy nalang sa ginagawa. Si Herah nga sa gilid ko, kahit ang pag-upo ni Josiah sa harap namin, hindi nya na pinansin dahil busy rin sya sa kanyang ginagawa.

"We're done. Baka nakalimutan nyo, marami kaming allies." Winagayway ni James ang kamay nya. If I know, he's referring to their girls na luluhod sa harap nila para ibigay kung ano ang kailangan nila.

Pwede rin kayang ang mga babae ang ganoon? Yung may mga lalaking luluhod sa harap nila at ibibigay ang lahat ng kailangan naming mga babae? I think that it needs a very boastful confidence para doon.

"Heh!" Rinig kong singhal ni Michelle.

Tumawa lang ang boys. Nagtaas lang ako ng tingin nang pinasadahan ng kamay ni Josiah ang mga ginupit ko na design. Mabilis ko yung inagaw sa kanya at ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Nakakahiya, I'm not bad when it comes to project designs but I'm not good either!

Nakita kong tumawa syang tumingin sa mga mata ko. "What?"

Umirap ako at tinago nalang ang mga iyon sa libro ko.

Nagpatuloy ako sa ginagawa ko.

"Sa Business Law ba Rain, tapos ka na?" Tanong ni Herah habang nagsusulat.

"Ngayong gabi ko gagawin." Sagot ko.

Nilingon nya agad ako. "Send mo sa akin ha? Titingnan ko lang naman, hindi ko gagayahin." Aniya. Tumawa ako pero tumango na rin.

"Oo na!" Sagot ko. Sumilay agad ang malaki nyang ngisi.

"May maitutulong ba kami?" Tanong ni Kael, sa akin nakatingin. Nilingon ko ang mga busy kong kaibigan para sila na ang sumagot. Okay lang naman ako.

"Bili nyo nalang kami ng snacks, please." Ani Michelle.

"Sure." Tumayo agad sina Kael, James at Ken.

Mabilis akong kumuha ng pera sa loob ng bag ko at inabot sa kanila.

"Huwag na Rain, libre ko na. Nakakaawa kayong tingnan." Tumawa si Kael, nag pout nalang ako.

"Sige kayo na bahala sa snacks namin, basta walang hotdog sa akin ah!" Ani Rena. Hindi sya kumakain ng hotdog.

Tumango naman sila at tinapik ang balikat ni Josiah at Logan na tahimik lang sa gilid at tinitingnan ang ginagawa namin.

Wrong TimingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon