Chapter 25

1.1K 42 7
                                    

Third POV

Habang nasa elevator sila ion, Vhong at Jhong, si Vice naman ay na corner ni Calvin.

"Anong ginagawa mo dito??" tanong ni vice kay Calvin.

"Aren't you happy to see me?" Ani ni Calvin.

"No, and I'll never be" matapang na sagot ni vice.

Naiinis naman si Calvin sa naging sagot ni vice sakanya kaya hinawakan nya ang kwelyo ng damit nya at itinaas ito.

"Calvin, you're hurting me!" pigil ni vice habang hinahampas ang kamay ni Calvin na nakahawak sa damit nya ngunit hindi natinag si Calvin at akmang sasampalin si vice nang marinig nila ang tunog ng elevator na tumigil sa floor nila.

Narinig naman nilang pareho na may mga taong parating sa pwesto nila kaya bibitawan ni Calvin ang damit nito vice at umakting na naguusap lamang sila.

Ang mga taong parating ay sila ion,Vhong at Jhong.

Narinig ni vice ang ingay nang kwentuhan nila kaya agad syang kumalas sa bisig ni Calvin at tumakbo papunta sakanila.

"Ion!" sigaw ni vice ng Makita nya ang mga ito, wala syang pake sa kung sino ang makakita, tumakbo sya papunta kay ion at niyakap Ito.

Nagtataka namang nagsi-tinginan sila Jhong at Vhong.

Nagsimula nang umiyak si vice habang nakayakap kay ion.

"Oh bakit??" nagaalalang tanong ni ion.

"Thank you for coming" naiyak na sagot ni vice.

Sa kabilang Banda naman nagtago si Calvin at dumaan sa fire exit upang di sya makita nila ion.

"Ehem!" kunwaring ubo ni Jhong.

Nagkalas sa yakapan ang dalawa at humarap sa kambal.

"Sorry, cutiepie anong ginagawa mo dito?, Pati ikaw Vhong?" tanong ni vice sa kambal.

"Pinilit namin si ion na isama kami, akala namin kase magiinom eh" diretsong sagot ni Vhong, siniko naman sya ni Jhong ng bahagya at pinanlakihan ng mata.

"Isa na rin yon sa dahilan pero sumama kami kasi sabi ni ion baka gusto mo daw ng kasama diba?, The more the merrier!" sagot naman ni Jhong.

"Haha loko, alam nyo magiging mas merrier pa ang pagpunta nyo kung nagiinom tayo, don tayo sa condo ko" nakangiting aya ni vice.

Di na nagdalawang isip ang kamabla at nangunang maglakad.

Si ion naman ay sinabayang maglakd si vice at ihinawak ang kamay sa bewang nito.

"Ano ba talaga ang nangyari?" bulong ni ion.

"Mamaya, malaman mo rin malay mo sabihin ko kapag nalasing ako" pabulong rin na sagot ni vice.

Nang nakarating sila sa condo ay agad nilang inayos ang gagamiting nilang lamesa at mga kubyertos.

"Shet puro gold ang gamit ni ma'am vice" bulong ni Vhong sa kapatid.

Napailing naman si Jhong sa inasta ng kapatid, masyado kasi itong namangha sa mga gamit ni vice.

Gabi na ngayon, inorder ng pizza at chicken si vice, nilabas rin nya ang iilang wines na mamahalin.

Habang nanonood ng movie sa Netflix ay nagiinom sila, kanya-kanyang baso kaya walang antayan.

Si Jhong ay bagsak na, si Vhong naman ay kausap si vice, pareho silang lasing na kaya kung mag-usap sila ay parang matagal na silang magkakilala.

I'm Into You (version 2.0)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon