Chapter 1

20 3 0
                                    

GINO

Isa na namang malupet na school year. Grade 12 na ako ngayong school year na to pero pakiramdam ko nasa junior high pa rin ako.

Huminga ako ng malalim bago humarap sa salamin para kausapin ang sarili ko. "Good morning, handsome! Panibagong araw para magpasabog ng saya!" Nakangiti kong sabi at nag posing-posing pa.

Pagbaba ko, naabutan ko sila mommy na nasa hapag kainan na. Muli akong huminga ng malalim bago sila batiin. "Good morning everyone!" Energetic kong sabi.

As usual ngumiti lang si daddy ng tipid at si mommy naman tumayo pa para yakapin at halikan ako sa pisngi samantalang inirapan lang ako ng nakababata kong kapatid na si Gian.

Habang nagbre-breakfast tinanong kaming dalawa ni Gian kung kumusta ang pag-aaral. Halos mabulunan nga ako kanina nung tinanong kung may girlfriend na ba ako o nililigawan.

"Mommy, di mo ba alam? Gino is gay." Maarteng sabi ni Gian.

"Gian, call him kuya." Pag-correct ni daddy sa sinabi niya. Kita sa kanyang mukha na natakot siya kaya tumahimik siya kaya nagkaroon naman ako ng tyansang makabawi kaya binelatan ko siya.

"Anak, after your class sunduin mo na ang kapatid mo, okay?" Sabi ni mommy sakin. Ngumiti naman ako at tumango bago humarap sa nakabusangot kong kapatid.

Pagkatapos naming magbreakfast nagpaalam na agad kami. Nakipag-unahan pa ako kay Gian kung sino ang uupo sa front seat at sa wakas ako naman ang nagwagi!

Habang nasa byahe hindi ko napigilang hindi i-stalk yung crush ko. Yung SSG President namin. Kung yung facebook ang laman ay puro memes ang facebook niya naman puro jokes pero yung jokes pang-matalino kaya iniscroll scroll ko nalang hanggang sa mapadpad ako sa photo album niya. Mula bata achiever na talaga si crush myghad.

Mukha akong tangang nakangiti habang nakatingin sa phone ko nang biglang prumeno si manong. "Aray!" Daing ko nang mauntog ako, una pa mukha.

Pakshet! Ang shaket!

"Hala seeer! Pasensya na ho kayo. May tumawid ho kasing aso!" Paghingi niya ng paumanhin.

Pilit naman akong ngumiti, "Okay lang po hehe." Kahit na masakit talaga. Nilingon ko naman si Gian at nakita kong nagpipigil siya ng tawa kaya sinimaan ko ng tingin.

Pagdating sa school nasa pisngi pa rin ang kaliwang kamay ko dahil sa nangyaring insidente kanina. Cool na cool akong naglalakad sa hallway nang mapansin kong mag-isa lang ako. Napatingin ako sa relo ko tsaka ko napagtanto na 30 minutes late na ako sa first sub.

Unang klase, late agad ako. Masisira nito image ko eh. Nagmamadali akong umakyat sa third floor at hinanap ang room number namin. Pagpasok sa room, huminto si miss sa pagsasalita at tumingin sakin.

"Mr. Alvarez, first day na first day you're late." Nakangiting sabi ni miss.

Kahit na nakangiti siya alam kong naiinis na siya dahil junior high palang ako na target ni miss. "I'm sorry, miss. Traffic po kasi." Nakangiti kong paliwanag.

"I don't know what to do with you, Gino." Sabi niya at sumingkit ang mga mata. "Kung hindi lang kita pamangkin.." Naiinis na panimula niya ngunit huminto rin agad. "You may take your seat."

Napa-yes nalang ako ng paupuin agad ako ni tita Victoria. Tita ko siya sa labas pero pagdating sa school sa paningin ko isa siyang terror teacher na ako lagi ang target.

"Pre, kakaiba ka talaga." Sabi ng kaibigan kong si Gabriel.

"Oo nga eh. Biruin mo yun unang araw ng klase late!" Natatawang sang-ayon ni Ericson, kaibigan ko rin.

"Mga kupal." Natatawa kong sagot at ibinaling ang paningin ko sa harap nang mahagip ng paningin ko ang baby ko. Si Chantal.

"Gago." Sambit ko.

Kaklase ko si Chantal. Wow. Kaklase ko siya. Kaklase ko yung taong gusto ko.

"What the fuck?!" Bulaslas ko sa kalagitnaan ng pagmu-muni muni ko.

Nalintikan na naisigaw ko yung iniisip ko. Lumingon si miss sakin pati na rin lahat ng kaklase ko.

"MR. ALVAREZ! GET OUT!" Malakas na sigaw ni miss.

"Tita, I'm sorry!" Wika ko bago dali daling lumabas ng room.

Paktay. Pagagalitan na nga ako bawas pogi points pa kay crush.

Hinintay kong matapos ang klase ni tita V since ilang minutes nalang naman na before magbell. Paglabas ni tita V parang gusto kong magpalamon sa lupa dahil sa sama ng tingin niya.

"Gino," Panimula niya. "This isn't the first time na ma-late ka at maging ganon sa klase. I'm handling you grade 12 St. John Chrysostom sa buong school year na to. Ayokong ma-ulit ang pangyayaring iyon naintindihan mo?" Maotoridad na sabi niya.

Napatango nalang ako sabay peace sign. "Graduating ka na, hijo. Please don't disappoint me." Dagdag niya bago umalis.

Wala akong nagawa kundi mapabuntong hininga. Simula pagkabata ko sinasabi na sakin ni tita na don't disappoint me hindi dahil sa guro rin siya sa paaralang ito bagkus sa tinuring niya na akong parang sarili niyang anak.

Papasok na sana ako sa room nang makasalubong ko si Chantal.

"Hi, Pres." Nakangiti kong bati.

Tinapunan niya lamang ako ng tingin bago tuluyang lumabas. Napakamot nalang ako ng ulo at umupo na sa tabi nila Gabriel na patawa-tawa.

"Hindi ka lang sa messages ini-inignore ni Chantal pati sa totoong buhay, pre." Tawang-tawa na sabi ni Ericson at nakipag-apir pa kay Gabriel.

Mga demonyo talaga. Balang araw kakainin niyo rin mga sinasabi niyo sakin.

Make You MineWhere stories live. Discover now