Prologue

48 6 1
                                    

Papunta ako sa condo  ng boyfriend ko para sorpresahin sya dahil ngayon ang amin first anniversary kaya sobrang excited na ako dahil maibibigay ko na rin yung matagal na nyang hinihiling sakin, ang tagal kong pinag ipunan toh tiniis kong di mag lunch para lang maka ipon pambili ng regalo ko sakanya ngayon sana magustuhan nya ito

Pagdating ko sa kanyang condo ay kumatok agad ako, naka ilang ulit ako ng pagkatok ngunit walang nasagot kaya napag desisyonan ko na pumasok na sa loob, pagkabukas ko ng pinto ay kusa nalang tumulo ang mga luha ko. Makita ang boyfriend kong hubot hubad na nakapikit pa habang may impaktang nasa ibabaw nya ay mas nakaka sorpresa pala para sa first anniversary namin

Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko para lumapit sa kanila at hapitin ang buhok ng impaktang babae sa ibabaw ng boyfriend ko

"Walang hiya ka!!" Galit na sabi ko sakanya habang hila hila ko ang buhok nya pababa sa kama, ngunit nagulat nalang ako sa sinabi ng lalaking dapat magpaliwanag sakin sa lahat ng nakita ko

"France bitawan mo sya" malakas na sabi nya sakin at bigla nalang akong nginisian ng imapaktang babae na lalong nag pakulo ng dugo ko

Binitawan ko ang babae at agad naman itong nagsuot ng damit at umalis " may dapat ka bang sabihin sakin" naluhang sambit ko sakanya

" ayaw ko na, sawa na ako, itigil na natin to dahil wala na namang patutunguhan pa itong relasyon nating dalwa" naka tungong sabi nya sakin

"OK" yan lang muna ang kaya kung sabihin at lumakad na ako papalabas ng condo nya ng naalala ko yung regalo ko sa kanya ay agad ko itong binato sapul sa muka nya " sayo na yan gago"

Lakad ako ng lakad sa gilid ng kalsada habang lumuluha, gusto ko ng mamatay yan lang ang nasa isip ko habang nag lakad

Pumunta ako sa gitna ng kalsada at duon ko hinarang ang sarili ko sa paparating na sasakyan, pumikit ako at para bang sasaluhin ko ang sasakyan habang naka bukas ang making mga kamay

"France!!!!!!" May bigla nalang yumakap sakin at sabay kaming tumumba papuntang gilid ng kalsada. yakap yakap nya parin ako kaya inangat ko ang ulo ko para makilala kung sino ang kayakap ko ngayon

Pag angat ng aking ulo ay nakita ko ang muka ng isang anghel. Makinis na muka, matangos na ilong, kulay pulang mga labi, mahahabang pilik mata at kulay brown na mga mata, nagulat ako ng bigla syang kumindat sakin " for a very long time I GOT YOU NOW" bigla nalang lumabo ang aking paningin at nawalan ako ng malay.

I Got YouWhere stories live. Discover now