Chapter7

11 2 0
                                    

France's POV

Tapos na ako mag linis ng bahay, naka pag luto narin ako ng almusal namin ni calix at nauna narin akong kumain sa kanya para makapag ayos na ako dahil sisimba pa ako ngayon

8:00am na pala kaya pumunta na ako sa banyo para maligo upang di mahuli sa misa

Pagkatapos kong maligo ay naghanap ako ng aking isusuot sa aking damitan

Pantalon at simpleng kulay asul na damit lang ang napili ko para isuot pang simba. Mas kumportable ako sa gantong mga damit kesa sa mga dress katulad nung ibang mga babae, lumabas na ako ng kwarto ko para mag paalam kay calix na sisimba lang ako

Pag pasok ko sa kwarto nya ay nakita ko syang naka higa parin kaya lumapit ako sa kanya at inug ug sya para magising

"Calix! May pupuntahan ka ba ngayon?...." tanong ko sa kanya.

"Wala naman bakit?..." Sagot nya saakin habang papikit pikit ang kanyang mga mata

"Buti naman, ssimba kasi ako ngayon akala ko may pupuntahan  ka bibilinan sana kita na i lock mo itong bahay pag aalis ka, alis na ako, byee......" sabi ko sa kanya

"Ingat ka...."sabi nya saakin at bumalik ulit sa pag kakahiga sa kama napaka tamad talaga kahit kailan

Pag labas ko ng bahay ay saktong may tricycle na papunta sa direksyon ko pinara ko yon at sinabi kung saan ako papunta

"Manong simbahan lang po....." sabi ko kay manong at pinatakbo na ni manong ang kanyang tricycle

habang naandar ang sasakyan ay kinuha ko yung selpon ko para mag fb

Una kong tinignan ang message ko at karamihan sa nag chachat ay puro gc lang namin sa school kaya di ko na binuksan yun dahil asaran at gayahan lang naman ang mababasa ko. kasunod ko naman tinignan ay yung notification ko at di ako makapaniwala sa nakita ko

Andrei Perez accepted your friend request

Tapos may bigla nalang may nag chat sakin

Andrei Perez:

-Hi!

-Nasan ka ngayon?

Shit chinat nya ako kaya agad ko itong nireplyan

Me:

-hi! Din, papunta ako ngayong simbahan

Reply ko sa kanya

Andrei:

-sang simbahan?

Me:
-sa bayan

Andrei:
-ahh sige intayin mo ako sa labas otw na ako

At nag off na sya

Wait wait wait wait sasama ba sya sakin pag simba? Omy dapat pala nag ayos ako ngayon

Tumingin ako sa oras at may 15 minutes pa naman bago mag simula. Di ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng simbahan bumaba ako sa tricycle at nag abot ng bayad

Habang nag iintay ako sa labas ay naalala ko yung pinag usapan namin ka gabi ni andrei

Ito na ba yung simula nung panliligaw nya? Sa isip isip ko

Maya maya pa ay dumating na si andrei napatingin ako sa kanya tsaka ko sya nginitian at tinitigan

simpleng black tshirt tapos pantalon ang suot nya na nag pa gwapo lalo sa kanya. Mas gusto ko simple lang pero may dating kesa sa mga kung mag suot ng kung ano ano ay parang party lagi ang pupuntahan tinignan nya ako sabay kamot sa kanyang ulo

I Got YouWhere stories live. Discover now