Hindi ako tinantanan ni Mama, sunud-sunod ang mga tanong niya. Napakamot na lang ako sa ulo at nagpunta sa kwarto ko.
“Angel, sagutin mo ako.” Sigaw ni mama sa may pintuan.
“Ma, tropa yun ni Stell. Hindi ko pa masyadong kilala pero crush na crush ko siya ma.” Sigaw ko pabalik
“Ewan ko sa’yong babae ka. Tatawagan ko mamaya si Stell.” Hindi pa ako nakakapagsalita ay narinig ko na ang yabag ni mama papalayo sa kwarto ko.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay nagtext sa akin si Stell.
Don't tell me tinawagan talaga siya ni mama. Nakakahiya! Pero pusang gala. Nagmura si Stell. Hahahah!
Akala ko ba pinasundan ako?
Sakit na ulo ko. Waaaah! Help!