Mine 1

1.4K 35 2
                                    

“Hindi mo na naman ba ulit ako sasamahan bukas?” Tanong ko kay Jared sa telepono. Gusto ko lang naman magpasama sa kanya sa mall.

“Ikaw na lang. Puro kaartehan lang naman ang bibilhin mo.” Sigaw niya pabalik sa akin at binaba ang telepono.

Noong isang araw pa kaming nag-aaway. Nakakahalata na ako. Ang cold na niya sa akin. Noong nakaraang buwan ay halos masampal niya ako dahil sa kakulitan ko.

“Yung nguso mo, pahaba nang pahaba.” Sambit ni Stell.

Tambayan na ni Stell at Chalil dito sa bahay, minsan kay Stell naman kami ni Chalil.

“Iwan mo na kase yan. Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin na may babae yan. Hindi ako namalik mata noon, siya mismo ang nakita ko sa park, may kaholding hands na babae.” Dagdag pa ni Chalil.

“E sayang yung pinagsamahan namin e.” Halos maiyak na ako.

“Sayang? Anong sayang doon kung niloloko ka rin naman niya. Paulit-ulit na siyang nambababae Angel, ano pa ba ang gusto mo? Na ikaw mismo ang makakita sa kanila? Para mas masaktan ka lalo?”

“Ang harsh mo naman Chalil.”

“I’m just telling you the truth.” Reklamo niya.

“Kailangan mo pa ba talagang ipamukha sa akin?” Sinigawan ko na si Chalil.

“Tumigil na nga kayo diyan.” Awat ni Stell. “Bukas ba yang pagpunta mo sa mall? Kase kung yun ang alam niyang labas mo, ngayon tayo lalabas.”

Kumunot lang ang noo ko.

“Ang ibig sabihin nun Angel, lalabas yang boyfriend mo ngayon kase ang alam niya wala kang pupuntahan ngayon.”

Hindi na ako nakipagtalo. Nagmall kami nina Stell at Chalil. Sila lang ang itinuturing kong kaibigan. Sila lang din ang pinagkakatiwalaan ko.

Sinusundan ko lang kung saan sila patungo. Kumain, bumili, nagsight seeing.

“Ano na? Pagod na ako sa kalalakad.” Reklamo ko. Pero hindi nila ako pinakinggan.

Hinila lang ulit ako ni Chalil at naglakad lang nang naglakad hanggang sa makarating kami sa park. Dito ko naramdaman ang sobrang pagod.

“Magpahinga muna tayo, pwede ba?” Hingal na hingal ako. Masyado kaseng sanay maglakad itong dalawa, ako naman hindi.

“Angel, tawagan mo nga si Jared. Tanungin mo kung nasaan. O kahit itext mo na. Kunwari tanungin mo kung may pupuntahan ba siya.

Sinunod ko ang sinabi ni Chalil. Tinext ko si Jared at tinanong kung nasaan siya. Sumagot naman ito ng mabilis at sinabi niyang nasa bahay lang daw siya at nakahiga.

Napansin kong kanina pa tumutunog ang phone ni Stell pero hindi niya ito sinasagot. Inagaw ko ang phone sa kanya.

“Sejun? Kaibigan mo?” Tanong ko. Akmang kukunin na ni Stell ang phone pero namatay na ang tawag.

Bigla naman akong kinalabit ni Chalil, may itinuro siya sa akin. Agad naman akong napatingin.

“Walanghiya!” Sigaw ko. Hindi na  ako nakapagpigil, tumakbo ako at sinugod si Jared.

“Gago ka. Nakahiga ka nga pero hindi sa bahay niyo kundi sa diyan sa babae mo.” Napatayo agad si Jared at sinampal ko. “Walanghiya ka talagang lalaki ka. Babaero.” Susugurin ko na rin sana ang babae pero hinila na ako ni Stell.

“Sino ka ba?” Sigaw sa akin nang babaeng kasama ni Jared.

“Sino ako? Sino nga ba ako sa’yo Jared? Ikaw nga ang sumagot sa tanong niya.” Sigaw ko kay Jared.

“Angel. Please! Huwag dito.” Pagkataranta niya.

“Huwag dito? Putang ina Jared. Buong buhay ko, pinaniwala mo akong ako lang. Ni hindi ako naniwala kay Chalil nung sinabi niyang may kaholding hands ka dito sa park na ito, maraming beses na nila akong sinasabihan. Pero ngayon? Napatunayan ko na. Ang tanga ko dahil ikaw ang pinaniniwalaan ko, pero to see is to believe nga naman talaga. Break na tayo.”

Harap-harapan kong sinigawan si Jared. Wala na akong pakialam kung nag-eeskandalo na ako dito. Basta ba mailabas ko ang hinanakit ko.

“At ikaw naman babae ka?” Turo ko sa babae ni Jared. “Sana lang, huwag mangyari sa’yo ang nangyari sa akin ngayon.”

Hinila ko na palayo si Stell at Chalil. Hindi ko kayang pigilan ang luha ko.  Napaupo na lang ako kung saan kami tumigil.

Nung medyo umayos na ang pakiramdam ko ay tumayo ako agad, sinenyasan ko sila na huwag muna akong sundan at mabilis na naglakad palayo sa dalawa, siguro ay maiintindihan nila ako dahil gusto kong mapag-isa kahit ngayon lang.

Dahil sa kamamadali ko ay may nasagi akong lalaki. Natapon pa yung drinks niya.

“Sorry, nagmamadali lang ako.” Sambit ko.

Hindi ko makita ang pagmumukha niya dahil nakamask ito.

Imbes na magsalita siya ay inabot niya sa akin ang kanyang panyo, doon ko napagtanto na hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak. Tinanggap ko naman. Magpapasalamat na sana ako ngunit biglang siyang nawala sa harap ko.


Dalawang linggo na ang nakalipas pero masakit pa rin. Malalampasan ko naman siguro to. Buti na lang hindi ako pinabayaan nina Stell at Chalil.

“Huwag ka na munang lalabas Angel. Bibisitahin ka na lang namin ni Chalil.” Sabi ni Stell. Tumango lang ako.

“Hayaan mo munang maghilom ang puso mo bago ka maghanap ng iba.” Sabi naman ni Chalil. “Pakilala kita sa mga kaibigan ni Stell. Malay mo naman  baka may magustuhan ka.”

“Cha. Yan ka na naman.” Napakamot na lang sa ulo si Stell.

“Ipakilala mo ako pero dapat yung walang sabit or kay Sejun na lang.” Sambit ko.

“Di mo pa nga nakita mga kaibigan ko, nakapili ka na agad.” Sagot ni Stell.

“May tiwala ako sa’yo Stell.”

_____
Ang hirap mag-isip pero sisikapin ko pong mabigyan kayo ng update.

Love,
zeannnnn

MAKE YOU MINE | SB19 FANFIC (SEJUN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon