“Angel, tara!”
Halos hilahin na ako ni Stell dahil parang ayokong malaman kung sino talaga ang may ari nung number na yun.
“Sejun! Siya nga pala si Angel. Angel, si Sejun.” Pakilala ni Stell sa aming dalawa.
Ngumiti lang kami sa isa’t-isa at nakipagkamayan.
“May tatanungin pala si Angel sa’yo.” Sambit ni Stell.
“Ba’t ako? Ikaw kaya.”
“Ano ba yun?” Tanong ni Sejun.
“Di’ba cellphone number mo ‘to, 09102600904?” Tanong naman ni Stell.
“Oo, akin nga.” Sagot ni Sejun.
Halos mapangiti ako sa sinabi niya.
“Pero nasa pinsan ko yung phone ko, halos magdadalawang buwan na yun. Hindi pa niya binabalik e. Kaya baka bibili na lang ako ng bago.” Dagdag niya.
“Ah! Yung kasama natin nun na isa? Nung nakita ko si Angel. Siya ba?” Tanong naman ni Stell.
“Oo siya nga yun.” Sagot ni Sejun.
“Bakit pa kailangang magtagal sa kanya yun?”
“Di naman lagi nandito yun, tsaka minsan lang din ako umuwi sa Ilocos kaya hayaan mo na.”
Nanlumo ako. Akala ko siya na talaga yun.
“Meryenda muna tayo.” Anyaya ni Sejun.
“Ah, hindi na. Aalis na ako. May pupuntahan pa kase ako e, diba Stell?”
“May pupuntahan ka ba? Wala naman kayong lakad ni Chalil a.” Pagtataka ni Stell
“Hindi si Chalil ang kasama ko mamaya. Basta. Alis na ako a. Salamat na lang.”
Nagpaalam ako sa dalawa. Pipigilan pa sana ako ni Stell pero parang nabasa na niya sa mukha ko kung anong gusto kong mangyari. Ang mapag-isa.
Kase umasa talaga akong si Sejun yun. Bakit ba kase si Sejun lagi ang laman ng isip ko. Tapos si Stell sasabihin pa na number ni Sejun yun. Akala ko pa naman siya talaga.
Dere-deretso lang ako sa paglakad. Pinili kong bumaba gamit ang hagdan. Gusto ko lang maiyak pero pinipigilan ko.
“Huwag ka kaseng umasa self.” Sabi ko sa sarili ko.
Hindi ko namalayang nakarating na ako sa building ng unit namin. Nag-stay lang muna ako sa lobby area. Nag-isip-isip. Nagmuni-muni.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nag-stay dito sa baba hanggang sa narinig ko na may naghahanap sa akin. Malapit lang kase ako sa Front Desk kaya dinig na dinig ko yung pangalan ko.
“I’m sorry Sir, wala pa daw po sa unit si Miss Angel.” Sabi nung receptionist.
“Sejun?” Tanong ko.
“Angel, nandiyan ka lang pala.”
“Bakit? Anong ginagawa mo dito?”
“Pinacheck ka lang ni Stell kung nakauwi ka na ba.” Tugon niya.
“Naku, nag-abala ka pa. May phone naman siya, pwede naman niya akong tawagan.” Kaswal kong sagot.
“Hindi ka daw kase sumasagot e maggagabi na kaya nag-aalala siya.”
“Huh?” Napasulyap ako sa phone ko. May misscalls nga. “Hindi ko siguro napansin. Pasensya na. Pwede ka nang umuwi.”
“Hatid na lang muna kita sa unit niyo. Sinabihan ako ni Stell na huwag akong babalik kung hindi ka pa nakakapasok sa inyo.” Sabi niya.
Tumayo ako at nagsimulang maglakad.
“Nagpa-uto ka naman.” Sambit ko.
Ngumiti lang siya at sinundan ako.
“Okay na ako dito, sige na, umuwi ka na. Inabala ka pa ni Stell.” Sabi ko sa kanya habang nasa harap kami ng unit.
“Pasok ka na muna bago ako umalis.”
“Walang mangyayaring masama sa akin dito kung yan ang sinabi ni Stell sa’yo. Hindi ako gagawa ng kalokohan.”
“Sige basta huwag ka na daw lalabas. Aalis na rin ako.”
“Go na.”
“Pero bago ako umalis, may sasabihin pala ako.”
Bigla akong kinabahan.
“Ano naman yun?” Tanong ko.
“Eh, ano kase. Huwag kung anu-ano iniisip mo.”
“Hindi naman a.”
“Alam kong hindi ako yung nagtetext sa’yo pero sa akin galing yung teddy bear. Sana nagustuhan mo. Alis na ako.”
Umalis siya kaagad. Hindi man lang ako nakapagpasalamat.
“Hoy Angel, pasok na.”
“Ma, nakita mo yun?” Tanong ko kay Mama.
“Siya yung lalaking nagbigay nung teddy bear, kitang-kita ko sa monitor. Kilala mo naman pala e. Manliligaw mo ba yun?”
“Maaaa, sana nga manligaw.” Sagot ko sa kanya at dire-diretso akong pumasok sa kwarto ko at nagsisisigaw dahil sa kilig.
BINABASA MO ANG
MAKE YOU MINE | SB19 FANFIC (SEJUN)
Hayran Kurgu"The moment I saw you crying over a guy, I told myself to make you mine." - John Paulo "Sejun" Nase Started: October 22, 2019