Nov.21.2014(Friday)

48 0 0
                                    


Dear diary..

  Ako si sabina,ang babaeng walang magawa sa buhay hihi.. Actually may nagbigay lang nitong diary itatapon ko na nga sana,pero sabi kasi ng matanda sulatan ko daw dahil swerte ka daw ↖(^ω^)↗ weeh?di nga?haha..

Ito na nga ang nangyari sakin ngayong araw, kakauwe ko lang galing office para sana sa exit clearance ko endo na kasi ako,meaning ngangabells ngayong darating na pasko.

Kasama ko kanina yung friend kong si virginia pero di na siya virgin kasi may asawa na kaya i prefer to call her gie nalang hehe..  Galing nga kaming office kanina for clearance imagine gumising pa ako ng maaga for that well 10am maliligo nako diba ang aga?tapos pagdating namin doon wala pala doon yung clearance namin like 'what the fudge right?' Hindi makatarungan ㄟ(≧◇≦)ㄏ . So ayon tambay sa office ang peg namin kanina selfie at lamon lang pala ang pinunta namin doon di kami informed badtrip.

Niyayaya ko nalang si gie na bisita nalang kami sa dati naming company,sabi niya bakit daw ba pilit ako ng pilit,sino daw bang sisilayan ko. Syeteng malagkit diary namula talaga ako kaya tumalikod ako sa kanya,paano niya nalaman ●0● hihi malandi ako pero slight lang parang si pipay haha

Kaya sinabi ko nalang sige uwi nalang kami  after baka mabuking pa ako eh mahirap na..

Ikkwento ko narin pala sayo yung mga nangyari sakin this past few days..

Ito yung panahong may trabaho pa ako,actually it started on the locker habang nagmamake-up ako merong isang girl na tingin ng tingin sakin,i got curious kaya kinausap ko siya nagkwentuhan kami and nalaman ko ngang siya si girly. Tinanong niya agad yung age ko sabi ko i'm 19 alam mo reaction niya diary? 'Really?you don't look like one,you look 15 yrs old' siyempre inisip ko nalang na compliment yun,pandak kasi ako at maliit ang katawan heeep!pero baby face din ako thats why (*^﹏^*) haha busiiit. Tapos ayun nga tinatanong niya yung pangalan ko meron daw kasing lalaki sa department nila na interested sakin neo daw ang pangalan. Nginitian ko nalang si girly di ko na sinabi pangalan ko dahil hinahanap na daw ako sa office kaya umalis nako.

Then yun nga 2days after that incident pumasok ako ng super aga kaya naman tumambay nalang ako sa upuan. Merong tumabi saking guy,he smiled at me thats why i smiled back. Tapos may dumating ulit na isang girl tumabi siya sa isang tabi ko,she looks pale kasi wala pa siyang make-up. Then yung boy sa tabi ko suddenly whispered on my ear 'ang panget talaga ng mga babae pag walang make up' he says.  Nagpanting yung tenga ko sa narinig ko,syempre anong gusto niyang palabasin?laging make-up ang nagdala?. Tiningnan ko siya ng masama,he chuckled then peace sign. 'Joke lang di ka naman kasali sa sinabi ko,crush kaya kita' he said with a serious tone and that maked me laugh bakit kamo?geez eh sexy pa siyang maglakad sakin eh _(._.)_ 'wag ako iba nalang,di tayo talo. Alam mo di naman masamang magladlad, uso yan tyaka tanggap na ng lipunan'i said while smiling,he didn't answered back. See told you . Pero alam mo diary pinanghihinayangan ko rin siya dahil ang gwapo niya sayang <(ˍ ˍ*)>

Bukas ko na ikwento sa inyo yung ibang kaganapan sa buhay ko aa mag-ggm pa ako eh hihi


Lovelots..

Sabby ♡♥♡♥♡

Diary Ng Taong Walang Magawa Sa Buhay シTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon