Kabanata 7

8.5K 183 9
                                    

Kabanata 7

Weeks had passed like a wind, ni hindi ko na namalayan na isang buwan na pala, magda-dalawa na, actually. Malapit na akong maging eighteen at malapit ko nang makita si Kuya Rick. Kahit na ba miss na miss ko na siya, wala pa rin akong magawa kung hindi ang umasa na lang sa mga tawag at texts niya. Buti na lang at nagagawa akong libangin nina Charlotte at Janine. Nakapunta na ako sa mga bahay nila kasi minsan doon kami gumagawa ng mga minor projects sa school at sila rin, nakapunta na rin sa bahay. Hindi sila makapaniwala na kilala ko si Federick Dominante- or maybe, they are still suspecting it. Ewan ko ba sa mga 'yan, ayaw pang maniwala kahit na andaming litrato ni Federick sa sala at maging sa kwarto niya.

"Grabe, stalker ka, 'te?" Manghang tanong ni Janine habang pinagmamasdan ang malaking painting ni Federick na nakasabit sala. Sinimangutan ko siya.

"Baka die-hard fan, Janine, grabe ka naman. Ang ganda naman ni Penpen para maging stalker," Sagot pa ni Charlotte.

Yes, that was their honest reaction. Hindi talaga sila naniniwala pero bahala sila, basta sinabi ko. Napangisi ako. They are both invited naman sa debut ko e, and Federick will be there kaya malalaman din nila na hindi ako nang-iimbento lang. That I'm no stalker or what!

Though napag-usapan na namin ni Federick na hindi engrande ang debut ko, may party naman na mangyayari. Hindi ko rin naman gusto nang malaking party, basta ba kasama ko si Federick sa birthday ko, iyon na ang magiging pinakamasaya. Kahit na ba siya naman palagi ang kasama ko tuwing may birthday ako...at si Mama.

"Penpen!" Kumaway si Charlotte na nakaupo na sa nahanap nilang table. Nakasimangot akong lumapit sa kanila.

"Wala nang bakante, sis. Huwag nang maarte," Tawa ni Janine at sinalpakan ako ng fries sa bunganga. Inirapan ko siya at magrereklamo pa pero hindi ko na ginawa dahil busy na ako kakanguya ng fries na sinubo niya.

Naasiwa ako sa mga tingin ng mga tao sa table namin. Kaya ayaw kong narito kami sa gitna e, hindi ako sanay na ganito at maraming tao ang napapalingon sa amin dahil nga nasa center kami. At isa pa...may mga lalaki.

"Ang gwapo ng nasa three o'clock ni Penpen," Ani Charlotte na hindi ko pinansin. I kept myself busy with the food.

The last time I complimented a guy, nakabasag si Federick ng mamahaling vase. He always got worked out everytime I mention someone kaya tinigil ko na. Natatakot ako na baka tuluyan niya na akong masaktan kapag nagpatuloy pa ako e, kaya hangga't maaari, ako na ang umiiwas sa mga lalaki. Nang tumuntong ako ng seventeen, hindi niya na ako napapalo ng sinturon niya, buti na lang at nadadaan ko siya sa mga luha ko. Pero minsan, naiisip ko pa rin na baka hatawin niya ako kaya ayaw ko nang mag-take ng risk. Pero matagal na iyon at talagang bantay-sarado na ako sa kaniya ngayon. Ni wala na akong nakikitang lalaki na lumalapit pa sa akin, even our drivers are old enough o kaya naman ay babae. Minsan nga naiisip ko na baka mga babae niya 'yon?

"Penpen, ang ilap mo talaga sa mga lalaki." Nag-angat ako ng tingin kay Charlotte. "Ni ayaw mong sumama sa amin sa bar. Hindi ka ba nagsasawa na nasa loob ka lang ng school na puros babae? Ako, personally, nakakairita. Ayaw ko talagang mapatapon do'n, pero thankful naman ako kasi nakilala ko kayo. Yiee, kilig." Sinundot pa nito ang bewang namin ni Janine kaya natatawa kaming umiling.

Well, parehas kaming tatlo na napilitan lang na pumasok sa isang girl school. Ako, napilitan man, at least gusto ko naman talaga kasi iyon ang gusto ni Federick. I want to follow him dahil aside sa nakakatakot siya, gusto ko ring napi-please siya sa mga ginagawa ko. And I actually want the old Federick to be back. Sadya nga talagang mahalay ako, but I really miss him so much. Napanguso ako dahil naaalala ko na naman siya and he's too far away from me.

Heartless Billionaire's Possession (Dominante #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon