Ayoko!
"Ayoko na!Tama na!"
"Tigil na!Pagod ka na!"
Ayokong magpakatanga!
Ayaw ko na sa mundong mapanghusga!Siya,siya lamang ang nandiyan,
Siya lamang na tinanggap ka ng lubusan,
Siya na minahal ka,
Kahit na ano man ang harapin,
Ikaw at ikaw pa rin,
Mahirap na baka di niya totohanin,Mga katagang kaniyang sinambit,
Tinatanong ang sarili kung,
"Ano nga ba ang dala mong pag ibig?
Pag ibig nga kaya o paghihinagpis?"
Maniniwala kaya sa dala mong pag ibig?
Lumipas nga ang buwan at di ko inaasahan,
Ako'y nahulog ng di inaasahan,
Nagpasiya na magtapat ng nadarama, Ngunit sa paglipas ng buwan ika'y nagpaalam na," "Paseniya na,ako'y sana iyong patawarin,patawad dahil di na kita maantay pa.Patawad kung ako'y naduwag.Patawad dahil ako'y nahulog sa iyo.Patawad kung sumuko ako ng ganito.Di na ako muling pa sa Pilipinas dahil ako na'y patuloy na mamumuhay rito sa ibang bansa."
Iyan ang mga salitang iyong iniwan,
Na hanggang ngayon ay di na mabubura,
Na sa tingin ko'y tatlong taon na ang nakalilipas,
Ngunit ikaw pa rin ang mahal,Kahit pa nasasaktan at nasusugatan na,
Di ko alam kung bakit hanggang ngayon,
Ikaw pa rin ang mahal
Dapat nga'y matagal na kitang kinalimutan,
Ngunit walang magawa ang puso,
Ikaw pa rin ang isinisigaw,Ngalan mo pa rin ang itinitibok nito,
Kung nasan ka man,
Naalala mo pa kaya ako?
Siguro'y hindi na,
Siguro'y may bago ka,
Siguro'y payapa ka na't maligaya,
Mga katagang aking sinambit?
"Ayoko na!Tama na!Tigil na!Pagod ka na!"
Oo alam kong tanga ako!
At oo ikaw pa rin ang itinitibok ng aking puso,
Mahal ko pa rin yung taong,Di ko alam kung mahal pa ako?
O may minamahal na siyang iba?
Sabi ko dati sa aking sarili
Di ako makakarating sa puntong ganito!Yung magpapakatanga?
Nang dahil lamang sa pag ibig?
Yung aking mga sinambit na,
Ako'y di magmamahal,
Sa kadahilanang akoyong masaktan,Ngunit wala na,
Nangyari na!
Kahit na sabihin kong ayoko na?
Masakit pa rin talaga,
Ayoko ng mahalin ka!A/N:
Pagpasensiyahan niyo na po sana iyong pangalawa kong update sakadahilanang himdi ko po na edit I'll going to make sure to find time and edit
Hope you like the second update
Please don't forget to vote and comment down below
YOU ARE READING
Mga Tula ni Venomie
Poetry#70 tula #35 spoken word Ang mga piyesa o mga tulang inyong mababasa ay orihinal na ginawa at isinulat ng inyong tagapasulat na si VenomieDemon(Rhea Angelene Consolacion)Ang Tula ay nakasulat sa wikang tagalog Nawa'y maibigan niyo ito