Aking Mahal

16 5 1
                                    


Bakit nga ba kita mahal?
Dahil ba sa ugali mong mala anghel?
O dahil sa mukha mong napaka amo?
Mahal na nga yata kita

Sa una palang na ika'y nakita,
Natamaan na nga akong talaga,
Ewan ko ba kung bakit ikaw pa?
Basta't alam ko lang ay mahal kita,

Nahihiya't tumitiklop pa nandyan ka na,
Di makapagsali kapag malapit ka,
Napapatitig sa taglay mong kakisigan,
Napapangiti sa ngiti mong nakakahawa,

Ano nga bang meron sayo?
Na sa iba'y di ko nakita?
Ewan ko nga ba kay Kupido?
Kung sayo pa ako nahulog nang ganto?

Sana nga'y ako'y mapansin,
Sa tinatago kong pagtingin,
Pagmamahal na saiyo lamang,
Pagmamahal ko'y saiyo lamang

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mga Tula ni VenomieWhere stories live. Discover now