Inay isang salita,
Inay apat na letra,
Inay sa akin ay mahalaga,
Ayaw kong lumisan ka,
Ayaw kong lumuha,Dahil sa tuwing maalala kita,
Luha'y bumubuhos nalang bigla,
Gusto kitang makasama,
Ayokong mawalay ka,
Tinatanong sa sarili "bat lumisan ka?"Mga alaalang naiwan nalang bigla,
Mga yakap na ayaw ko sanang mawala,
Ikaw ang tanging babaeng sakin ay nagpasaya,
Mga alaalang hindi na mabubura,Nang malaman kong ika'y wala na,
Ang mundo ko'y bigla nalang nagiba,
Mga tuhod na nanghina sa lupa ay natumba,
Mugto ang mga mata,
Dahil lumuha ng lumuha,Ika'y nakita bangkay ay malamig na,
Na ayoko sanang makita,
Ako'y lumuha ng lumuha,
Dahil sa hindi pa rin makapaniwala,Siyam na araw sa higaan niya,
Ako'y nagbihis para sa burol niya,
Lumuha dahil sa hindi pa rin makapaniwala,
Nais ko sanang makita muli ang mga ligaya niya,Ngunit ito'y aking hindi na makikita,
Inay sana ikaw na ay maligaya,
Sa lugar na wala ng problema,
Inay,sana tayo'y muling magkita,
Inay paalam naA/N:
Kamusta ang unang pagbabasa ng unang piyesa?Ito ang unang unang tulang aking nagawa pa sa aking mahal na ina noong ako'y labing apat na taong gulang palamang.
Inaasahan kong sana inyo itong nagustuhan.
Wag kakalimutang bumoto at magiwan nang iyong pahayag at nadarama sa koment seksyion sa ibaba.-Venomiedemon
YOU ARE READING
Mga Tula ni Venomie
Poesía#70 tula #35 spoken word Ang mga piyesa o mga tulang inyong mababasa ay orihinal na ginawa at isinulat ng inyong tagapasulat na si VenomieDemon(Rhea Angelene Consolacion)Ang Tula ay nakasulat sa wikang tagalog Nawa'y maibigan niyo ito