Alam mo bang ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa buong buhay ko, ikaw ang unang lalaking minahal ko ng ganito, mahirap iexplain pero iba yung naramdaman ko sayo compare sa ibang nakarelasyon ko.
Minahal kita kahit alam kong magulo ang estado mo, minahal kita kahit alam kong kasal ka pa sa iba, minahal kita kahit mas malaki ang agwat ng edad natin sa isat isa, minahal kita agad kahit di pa kita lubusang kilala. Kaya siguro ganito kinahinatnan ko ngayon.
Bakit nga ba kita minahal? Hindi ko alam!
Basta ang alam ko. Magaan agad loob ko noong una ng beses pa lang kitang nakasama, masaya ako pag kasama kita, pakiramdam ko ligtas ako pag nasa tabi kita. Masaya ako pag nakikita kitang nakangiti at masaya.
Christopher mahal na mahal kita.
BINABASA MO ANG
how i think
Romancemga nilalaman ng isip ko na nais ko sanang bigkasin pero hindi ko masabi