bakit ganito, ang hirap talagang kontrolin ang puso.. lagi na lng nagtatalo isip at puso ko. Kailangan ko na talaga malaman kung mahal mo pa rin ba ako o hindi na.. Kailangan ko ng closure..
Ang gulo gulo ng isip ko.. Minsan gusto ko na lng magkaroon ng Amnesia para makalimutan na kita. Tinanong kita kung dapat na ba talaga kitang kalimutan, sagot mo mag-usap na lang tayo pag uwi mo. sinusubukan mo lang ba talaga ako o hindi mo na talaga ako mahal.
Hindi mo na nga ako alam kamustahin, kung hindi lang sa online game na nilalaro natin hndi mo na talaga ako papansinin pero bakit ganito pa rin nararamdaman ko, umaasa pa rin ako na magkakaayos tayo. Pagod na ako, pagod na akong mag-isip kung mahal mo pa ba ako o hindi na. Kasi kung ang pagbabasehan ko eh yung pinapakita mo sa akin, 100% hindi mo na ako mahal. Pero eto pa rin ako, umaasa.. naghihintay..
Pagsubok lang ba talaga to sa akin, o sadyang hindi lang ako magising sa katotohanan na wala ka na talagang nararamdaman para sa akin.
Sabi nga nila, hintayin ko na lang ang pwedeng mangyari at huwag pangunahan ang hinaharap. Magtitiwala na lang ako sa plano ng Diyos. Naniniwala ako pagsubok lang sa akin to, at dadating ang araw na sasaya din ako, kung hindi man sa piling mo maaaring sa iba na mas nararapat at itinakda ng diyos sa akin.
Hihintaying ko na lang yung last sign na hinihingi ko kay God..
BINABASA MO ANG
how i think
Romancemga nilalaman ng isip ko na nais ko sanang bigkasin pero hindi ko masabi