The Wedding

7 0 0
                                    

"Isang linggo na ang nakakaraan ng biglang pumutok ang tsimis na ang bente tres anyos na anak ng isa sa pinakamayamang pilipino ngayon na si Don Miguel Ybardolaza ay ikakaal sa isang commoner. At hindi po mali ang inyong mga nabalitaan si Maria Marissa Malabanan ay magiging Mrs. Marco Antonio Ybardolaza na pagkatapos ng araw na ito. Tila nga daw isang Ciderella story ang naganap kay Marissa at ang kanyang prince charming ay walang iba kungdi si Marco." 

*

**

***

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Lahat naman talaga gagawin ko para kay tatay at isa na to sa mga desisyon ko na para sa kanya. Maganda naman ang gown na suot ko. Mukha akong prinsesa ngayong araw pero... Pakiramdam ko mali pa rin ang gagawin ko. Hindi ko mahal ang lalaking papakasalan ko. Sana balang araw makilala ko pa rin ang lalaking para saakin. 

*

**

***

Isang babae na naman ang nasasaktan ko. But this time, nakakasakit ako dahil papakasalan ko siya hindi dahil iniwan at pinaglaruan ko siya. Kaya ko kayang magpakatino kahit manlang isang taon lang? Sana makayanan naming dalawa. Anyway isang taon lang naman.

"Bro, congratulations! Eto na oh! Bukas hindi ka na bata! Atlast, magpapakatino ka na!" Pangaasar ni Louie

"Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba to. Ang hirap."

"Alam sa totoo lang swerte ka sa mapapangasawa mo. Maganda, matalino, mabait."

"Maganda, matalino, mabait? San banda?"

"Naku, Marco wala ng atrasan to kaya umayos ka dyan and ACT IN LOVE!" Sarcastic si Louie

"Tado ka talaga Louie!"

*

**

***

"Tay, pagkatapos po ng araw na to mababago na ang buhay nateng dalawa. Malilipat na kita sa maganda ospital. Makakapag aral na ko. Makakabilis na ang pagtatapos ko at ang pagrerecover niyo." Paiyak na sabi ni Maris sa tatay niyang nakaupo sa wheelchair.

"A-nak, sen-sya. Sa-kit Ta-tay." Pautal na pagsabi ng na-stroke na si Marlon.

"Tay, ano ka ba okay naman po si Marco eh. Mabait po, gwapo at maginoo." Kahit pa ang nasa isip niya'y kabaliktaran ng sinabe niya sa tatay niya ay pinilit niya ngumiti para lang mapagaan ang loob ng tatay niya. "Tsaka po tatay mabait saakin si Tita Rose lalo na si Tito Miguel! Diba sabe ko po sainyo kung magaasawa lang ako gusto ko kasundo ko ang magulang niya?" Nakangiting sabi ni Maris. "Tatay araw araw ko pa rin po kayo pupuntahan sa ospital. Aalagaan ko pa rin po kayo kahit anong mangyari. Mahal kita tay." Paluhang sabe ni Maris habang yakap niya ang kanyang ama.

*

**

***

Eto na talaga to, naglalakad na ako sa aisle. Naiiyak ako hindi tulad  ng ibang bride na dahil masaya sila, naiiyak ako dahil grabe isang taon akong magtitiis para sa mapapangasawa kong bastos na, mayabang pa at pinanganak na tarantado. Nakakaiyak, Paalam pagiging dalaga. Hindi man lang ako nagkaboyfriend na mahal ko. Hindi ko man lang naenjoy pagiging dalaga ko.

*

**

***

Eto na talaga to, nakakaiyak. Naiiyak ako hindi tulad ng ibang groom na masaya sila at isang magandang babae ang papakasalan nila kungdi atlast mapapaaga ang kuha ko sa mana ko! Matatamasa ko na din ang kalayaan na hinihintay ko! 

Habang nagiiyakan ang dalawa. Ang mga tao naman sa paligid nila'y natatouch dahil sapagaakala nilang "Prince Charming at Cinderella Story". Ang hindi nila alam para kay Maris BEAUTY and THE BEAST sila ni Marco at para naman kay Marco isang malaking PESO SIGN lang si Maris na tutupad sa mga pantasya nyang habang buhay mamuhay ng marangya at walang kahirap hirap.

Namangha ang lahat sa kasal nila. Napaka grande ng simbahan, gold and royal blue ang motif, sunflower at tulips ang mga bulaklak sa paligid at mga prominenteng tao ang makikita sa paligid. Hinangaan ng mga tao ang Ybardolaza family sa pagaayos ng isang napakaengrandeng kasal sa loob ng isang lingo. 

Nang sinabe ng pari ang makasaysayang "YOU MAY NOW KISS THE BRIDE." tila nanigas ang dalawa.

Tinitigan ng matalim ni Maris si Marco at ng nilapit nito ang kanyang mukha kay Maris binulungan niya ito ng "Tumagilid ka!" At hinalikan niya si Maris sa gilud ng bibig. 

Mula simbahan, hanggang hotel hindi pa rin makapaniwala ang dalawa na kasal na sila. Sa inis ni Maris naparami ang inum nito ng wine sa reception. 

"Kanina pa ako ngiti ng ngiti dito. Pero hindi alam ng mga tao diring diri ako sa lalakeng to. Nakakainis kung anong kinabait ng tatay, nanay at bestfriend niya siyang sama naman ng ugali niya. Ano na nga bang gagawin mo Maris." Pabulong na sabe nito sa kanyang sarili.

"Hoy Babae! Umayos ka nga!" Inis na sinabe nito kay Maris.

"Anak! Congratulations sa inyo ni Maris. Maris, iha?" Pagbati ni Miguel habang niyayakap ang dalawa. "Iha, gawin mo ang lahat para mapatino ang anak ko ah. Bilang regalo ko sainyong dalawa." Sabay abot ng ticket.

"Ma, Pa, ano to?"

"Naisipan kasi namen ng Papa mo na regaluhan kayong dalawa ng trip to Korea. Nabalitaan ko kase Maris na gustong gusto mo daw pumunta dyan." Nakangiting pageexplain ni Rose.

"Talaga po? Pero si tatay..."

"Wag mo na muna isipin si Marlon, kame na ang bahala sa kanya." Pangako ni Rose.

"SALAMAT PO TITO, TITA!" Naluluhang pasasalamat ni Maris.

"Limang araw lang yan. Pasukan niyo na din kase sa susunod na linggo." Paalala ni Rose.

"Tsaka wag mo na kaming tatawaging TITO at TITA! Mama at Papa na lang!" Pakiusap ni Miguel.

"Hindi pa po kasi ako sanay." Sagot ni Maris habang nakatingin sa nakasimangot na mukha ni Marco.

"Anak, smile its your wedding day. Oh.. Susi yan ng bago niyong unit. Mas malaki yan at mas bagay sa magasawa makikita niyo na din mamaya pag uwi niyo. Sana maenjoy nyo ang unang gabi niyo bilang magasawa." Pangaasar ng kanyang ama, 

*

**

***

Isa ngang tila napaka habang araw nun para kay Maris at Marco. Grabe man ang pagod nila, namangha pa rin sila ng sobra sa mga regalo nila Miguel at Rose, may unit, bahay at mga kotse pa. Sa isip lamang ni Maris nangyayari ang ganun, yung posibilidad na pwede din palang umunlad ang buhay niya. Pero magkahalong tuwa ang lungkot ang nararamdaman niya dahil natatamasa nya ang karangyaan sa isang taong ni hindi naman niya gusto lalong hindi niya mahal.

Marriage SchemeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon