The Newly Weds

4 0 0
                                    

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!! Umalis ka nga!" Sigaw ni Maris ng makitang naka boxer lang si Marco.

"Sira ka ba? Iisa lang ang kama dito! San ako matutulog?!"

"Ewan ko! Yiiiieeee kadiri! Lalo akong nahihilo sayo eh!" Bakas sa mukha ni Maris ang malakas niyang tawa sa dame ng nainum nyang alak.

"Sobra ka na ah!" Sa pikon ni Marco nailapit niya ang mukha niya kay Maris na maraming nainum na wine sa kasal nila.

Namula lalo si Maris nang makita nya ang mukha ni Marco na nakalapit sa mukha niya. Sa isip lamang nito "Bakit ang lakas ng tibog ng puso ko? Bakit ako sobrang pinagpapawisan?" Yun lang ang unang panahon na naranasan yun ni Maris, na para syang aatakihin sa bilis ng tibok ng puso nya.

"Bakit kase nakaganyan ka?!" Malakas na tanong ni Maris sabay tulak kay Marco.

"Ang OA mo ah! Virgin lang?" Pangungutya ni Marco na namumula at pinagpapawisan din.

"Oo! Virgin na virgin ako! NBSB nga diba?! May NBSB bang hindi na virgin?!"

"Oh, you gotta be kiddin' me!"

"Kiddin' kiddin mo mukha mo! Umalis ka nga dyan! MAGBIHIS KA!!!! Ang lamig lamig yan lang suot mo! Ano ka pogi?"

"364!" Sigaw ni Marco! Habang nagsusuot ng pajjama. 

"Anong 364 ka dyan?!" Sigaw ni Maris habang nakapikit ang mga mata niya.

"364 days na lang maghihiwalay din tayong babae ka!"

"Salitan na lang tayo sa kama? Ay alam ko na bunong braso na lang." Pagyayaya ni Maris.

"Ayoko!  Matatalo ka lang eh."

"Wala pang nakakatalo saken sa punong braso. Tsaka gaya nga ng sabi mo 364 days na lang naman eh. Pagkatapos nun sana maging magkaibigan tayo."

"Oo ba! Basta wag kang magkakagusto saken ah! Hindi kita type!" Patawang sabi ni Marco. "Babyahe pa tayo bukas kaya matulog ka na. Don't worry dun muna ako sa sala." Sa gulat ni Maris napatitig ito kay Marco. "UY! Anyare sayo?"

"Ah.. Wala. Wala. Salamat nga pala."

"Sige na!"

*

**

***

Umaga na pala? Wow! Ano yung amoy na yun? Parang masarap ah. Kaso pakiramdam ko masyado pang umaga. Pipikit na muna ako. Baka panaginip lang lahat ng to.

"HOY MACOY! Gising na! Naghanda ako ng breakfast. Pasensya ka na ah kase aalis ako ngayon pupuntahan ko muna si Tatay bago tayo umalis mamaya. Kaen ka na dyan.

Hindi pala panaginip ang lahat. May asawa na nga talaga ako. Ang awkward ng pakiramdam. 

Marriage SchemeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon