The Honeymooners

4 0 0
                                    

"Alam mo kung anong kinis ng mukha mo, siyang dumi ng utak mo! Minsan nga hindi ko alam kung ayaw mo ba or sinasuggest mo na galawin kita!" Pangiinsulto ni Marco.

"HOOOY! Hindi kita bet! At kahit kelan hindi kita mabebet! BELAT MO!" 

"Okay!" Napahinto ito at napasimangot. Sa isip lamang nito... "Ha? Hindi niya daw ako gusto pero kagabi hinalikan niya ako?" 

 "Wala kang natatandaan na kahit ano?" Tanong ni Marco. 

"Bakit? Anong dapat maalala?

"Wala talaga?" Napahinto ito, "Sige na matulog ka na! Maaga pa tayo bukas, Maris."

"Maris?"

"Bakit ayaw mo bang tinatawag kita sa pangalan mo?"

"Hindi naman ayos nga eh."

"Osige na, dun na ako sa sofa. Good night." Pagbati nito habang pinipilit nyang ngumiti.

"Osige, Good night din"

Habang natutulog si Maris tinititigan ito ni Marco habang siya'y nakahiga sa sofa iniisip niyang "OO, magasawa nga kame pero kahit kelan naman hindi ako magugustuhan ni Maris. Wala lang nga siguro yung halik niya kanina. Teka!!! Bakit ka naman iniisip to! Ano naman kung din nya ako magustuhan 363 days nalang at maghihiwalay din kame nito. MAKATULOG na nga!" 

*

**

***

"Mahal, tingin mo ba tama ang desisyon naten?" Tanong ni Rose sa kanyang asawa.

"Ang pagibig lang ata ang may kakayahang makapagpabago ng tao. Marahil sakim nga kung maituturing si Marco pero palagay ko, hindi rin magtatagal magkakagustuhan silang dalawa."

"Sana nga tama ka mahal."

"Noon palang napagkasunduan na namen ito ni Kumpare. At malakas ang paniniwala namen na sila talaga ang para sa isat isa."

"Sana nga tama ka sa iniisip mo."

*

**

***

KINABUKASAN.... 

 

"Nandito na nga talaga ako!" Napalakas ang boses ni Maris dahil sa sobrang excitement ng bigla niyang magising si Marco.

"Ano ba yan, ang aga pa." Nakapikit nitong pagrereklamo. "Umalis tayo ng Pilipinas ng 5pm, Dumating tayo dito ng lasing ka ng 1am. Mga 3 gumising ka para awayin ako. Tapos ngayon...." Tumingin ito sa kanyang relos "5:30 am palang! Magpatulog ka naman please?"Pagmamakaawa nito.

Marriage SchemeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon