Part 2 - Jilted Groom

261 10 0
                                    

SONG FOR THIS CHAPTER: Fine On the Outside by Priscilla Ahn

You can click the video and listen to the song while reading :-)

******************************************************************************************"

"PWEDE bang umalis muna kayo rito? Hindi hotel 'tong hospital room ko," saway ni Lola Paula sa mga kamag-anak na nagsiksikan sa isang hospital room. "Aatakihin ako sa rami niyo at sa amoy ng halo-halong perfume niyo."

"Mommy La naman, andito kami para kay Kuya Saimon," mahinang sabi ng apong si Romeo.

"Ang sabihin niyo gusto niyong makipag-tsismisan. Asan si Lia?" Hanap nito sa granddaughter-in-law.

"Mommy La, andon po sa ibaba sa Ob-gyne clinic kasama si Henry," sagot ni Carlota habang pinauupo ang matanda sa isang sofa.

"Bakit, may nangyari ba?" Napatayo ang matanda. "Baka na stress. Hala puntahan niyo na." Nag-aalala ang siya dahil apat na buwang buntis si Lia pero mas concerned siya sa apong si Saimon sa ngayon.

"Mommy La..." Umupo si Romeo sa tabi ni Lola Paula at parang nagsusumamong hindi sila palabasin.

"Tsismoso ka talaga Romeo!" Kinurot ito ng matanda sa tagiliran. "Umalis muna kayo rito at kakausapin ko si Saimon."

Biglang natahimik ang lahat ng lumabas si Saimion galing banyo. Akala siguro ng mga ito na hindi niya naririnig ang pag-uusap nila.

"Guys, I'm okay," bungad niya. Nakikita niya sa mga expression ng mga ito na hindi ito naniwala sa kaniya. Kaya lumapit siya sa pinsang si Carlota at inakbayan ito. "Pwede bang kami muna ni Mommy La rito?"

"Kuya Sai, tumawag ka lang ha." Hinalikan siya ni Carlota sa pisngi bago ito umalis. Sumunod ang ibang kamag-anak at naiwan silang dalawa ng abuela sa silid.

Tahimik na napaupo siya at napatingin sa kawalan.

Tumabi ang matanda sa kanya. "Sai, umiyak ka kung gusto mo."

Nagpakawala siya ng isang tipid na ngiti.

Napahampas si Lola Paula sa braso niya. "Nagsisisi ako kung bakit sinuportahan ko ang relasyon niyo ni Ruby. Pagsasabihan ko 'yang si Mareng Evelyn kung bakit ganoon ang anak niya. Imagine, sa araw pa ng kasal niyo?"

Hindi lang siya umimik at inisip ang tela nobelang mga eksenang nangyari kanina sa simbahan. Ang groom na naghihintay at ang bride na hindi dumating. Ang ina lang nito ang umiiyak na naglalakad sa aisle dala ang isang sulat.

Sa panahon ng internet at cellphone, isang old fashioned way ang ginawa ng babae. At ang nakalagay lang sa sulat ay: 'Sorry Saimon, I can't do this.'

Sabi ng marami, matalino raw siya kaya naging successful siya sa mga business ventures niya. Pero mas matalino pa pala si Ruby kasi hindi niya inakala na gagawin ito ng babae. Walang hints, walang mga pagdududa, walang malaking events na nangyari sa isang taong relasyon nila kaya hindi niya alam na ayaw pala nitong makasal sa kaniya.

Practical siyang tao. Bakit niya ipipilit kung ayaw naman? Pero akala ba nila na wala siyang nararamdaman dahil stoic siya by nature?

He cared for her. He envisioned her to be his wife!

Itinago niya lang ang tila kutsilyong nakabaon sa puso niya nang kinuha niya ang mikropono at nagpahayag, "Good afternoon everyone. Thank you for coming here and I'm sorry to say that the wedding is canceled. But let's honor the efforts of the people who made this day perfect – supposedly. Let's proceed to the reception area to have our dinner. Thank you once again and I'm very sorry."

Lalong hindi alam ni Ruby kung gaano niya gustong kainin ng lupa habang nakikipag-usap, nagiging civil sa mga tao sa reception area. Siya pa ang nagbibigay konswelo sa pamilya ng bride habang halos lumuhod ang mga ito na patawarin ang ginawa ni Ruby.

"Isinusumpa ko ang babaeng 'yan!" Nanggigil na bulas ni Lola Paula.

Naputol ang pagmuni-muni niya ng makita niyang namumula si Mommy La sa galit. Ayaw niyang ma stress ito dahil sa kaniya kaya inakbayan niya ang abuela at mahinang sinabihan, "Mommy La, huwag po kayong susumpa. Babalik 'yan sa 'yo. Baka 'di ka aabot ng one hundred years old niyan."

Bigla itong napatigil at may binulong na orasyon. Napangiti siya sa ginawa nito.

Napanganga ang matanda ng masilayan ang bihirang ngiti ng apo. "Ayan, ngumiti ka rin sa wakas, iho. Alam mo namang ikaw ang paboritong apo ni Mommy La."

"Sinabi niyo rin po 'yan nung andito si Henry months ago," walang tonong sagot niya.

"Ow?" Napa-isip ang matanda. "Pero ikaw ang andito so ikaw ang paborito ko. As of now."

Napailing siya sa katwiran ng Lola pero hindi pa rin ito sumusuko. Hinawakan nito ang pisngi niya. "Hindi ibig sabihin na kapag lalaki ay hindi pwedeng magpakita ng emosyon."

"Ganito na po ako noon pa," aniya.

"Anim na buwan nagkulong si Carlota nung ma broken hearted. Puro ka OA-han din ginawa ni Henry. At ngayon, ikaw naman..." Hinaplos nito ang buhok niya. "Hmm... ikaw na ang pinaka seryosong apo na nakilala ko. At nababahala ako kasi hindi ko alam kung paano ka amuin."

"Mommy La, huwag na po kayong mag-alala ha, this is just a phase in life," aniya.

Napaluha ito. "Alam ko. Ganyan rin ang motto ko noon..."

Alam niya ang ibig sabihin nito pero hindi niya kayang isiwalat. Alam niyang sinasaktan ang abuela ni Lolo Faustino noong nabubuhay pa ito. Alam niyang false representation lahat ang pinag gagawa ng lolo niya. Gago 'yon pero akala ng nakakarami ay santo ang padre de pamilya ng mga Halcon. Na confront niya ito minsan at na-hospital sa sobrang galit sa kanya ang abuelo. Pero nag lie-low ito nang nagkasakit ng cancer at namatay.

"Sa susunod na magpapakasal ako, hindi na ako magsasabi kahit kanino," seryosong sabi niya.

"Huwag kang magbiro ng ganiyan, magtatampo talaga ako," ani ng matanda. Napatingin ito sa taas. "Lord, ano ba 'tong mga apo ko? Halos sila lahat ang iniiwan. Pwede bang sila naman ang mang-iwan?"

Napatawa siya sa dasal nito.

"Sai, punta ka muna sa Davao City," seryosong sabi ng matanda. "Asikasuhin mo muna ang JRG doon especially may plano tayong mag expand sa Misamis at Lanao region."

"Pumupunta naman ako roon monthly para i-check ang mga bagay-bagay. Ayoko rin namang iwan ka rito," sagot niya.

Napatingin ang matanda sa mga kamay nito. "Ehh... huwag mo na akong alalahanin kasi andito rin naman si Henry at Lia. Excited ako sa pagbubuntis ni Lia so hindi ako mabo-bored kung wala ka."

Alam niya kung bakit pinapupunta siya ng Davao City at ito ay upang malayo muna siya sa Monte Abante. Tama naman ang Mommy La baka hindi niya kayanin if makikita niya ang ano pang bagay na may koneksyon kay Ruby.

"Tutal na-relinquish mo na ang presidency sa hospital sa Tito Paulo mo," pahayag ng matanda.

Hinaplos niya ang buhok ni Lola Paula at binigyan ng isang matamis na ngiti. "Okay Mommy La, aalis siguro ako in a week's time. May mga gagawin pa kasi akong mga paper works especially na cancel ang kasal. Ayoko namang magtago sa ilalim ng bato dahil dito."

Hinalikan siya ng matanda sa noo. "Diyan ako bilib sayo Sai. Kalmado ka sa lahat ng bagay..."

Sana nga...sana nga...

Kasal Tayo pero Shhh...! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon