SONG FOR THIS CHAPTER: Wicked Game by Chris Isaak
You can click the video and listen to the song while reading :-)
******************************************************************************************
NAIINIS na kumawala siya pero mas hinigpitan ni Saimon ang pagkakahawak sa bewang niya. "Saan ka pupunta?"
Inirapan niya ang lalaki. "Magbibihis. 'Di ba matutulog ka na?"
"Matutulog ako mamaya." He squeezed her hips gently but firmly. "May sinabi ba akong hindi ko tinatanggap ang offer mo?"
"Hmpf..." Aalis ulit siya ngunit ngunit niyapos ng lalaki ang bewang niya. "Ano ba, Sai?"
Tinitigan siya ni Saimon at muntik ng mahulog si Carla sa kislap ng mga mata nito. He's definitely a very handsome man.
"Sai?" bulong niya. "Itutuloy ba natin ang sex o matutulog na tayo?"
He leaned up and kissed her slightly on the lips. "What do you think?"
Smack lang ang ginawa ng lalaki pero hindi alam ni Carla kung bakit may kakaibang kiliti ang dumaloy sa kaniyang buong katawan.
"Ano na?" Malagkit pa sa kalamay ang boses niya.
Umangat ang lalaki at akmang hahalikan siya ulit ngunit umiwas na siya. Tumaas ang kilay nito ngunit nginitian lang niya. Ilang mga segundo rin ang ganitong klaseng laro ang ginagawa niya sa tuwing magtatangka ang lalaking hulihin ang kaniyang mga labi.
"Do you want it or not?" Mas mababa pa sa normal ang boses ni Saimon at halatang naiinis na sa ginagawa niyang pag-iwas.
Carla just smirked and licked her lower lip.
At hindi nakapagtimpi si Saimon.
He rolled them over until she was on her back. Natabunan ang mukha niya sa basa niyang buhok at inayos ito ni Saimon bago siya tinitigan ulit. "You're not my type," mahinang bigkas nito.
"You're not mine either," nakangiting sagot niya.
Hindi niya alam kung bakit hindi siya nainsulto o na turn-off sa sinabi ng lalaki sa mga sandaling 'yon. Instead, she wrapped her hands around his neck and pulled him towards her.
"Are you sure you want this?" tanong ni Saimon habang hinahaplos ang mukha niya.
Napaisip tuloy siya bigla na si Aron sana ang makakaniig niya ngayon at si Ruby sana ang kasama ni Saimon. Pero mapaglaro ang tadhana at mas nangingibabaw ang kabilawan nilang dalawa ni Saimon dahil sumabak sila sa isang relasyong hindi nila nasubukan noon.
"I'm not a virgin," biglang naisaliwalat niya.
Tiningnan siya nito nang maigi.
Kumabog ang damdamin ni Carla nang hindi umimik ang lalaki. Did he want to have a virgin wife? What if traditional and conservative pala ang gusto ni Saimon sa isang asawa? Hindi pa ba nag sex si Saimon at si Ruby noon?
"Does it matter?" mahinang tanong nito.
Hindi inaasahan ni Carla ang sagot ni Saimon. Napariin ang pagkakakapit niya sa batok ng lalaki. "It does if it matters to you."
"I'm not a virgin either." He leaned down and kissed her hard.
She gasped in surprise kasi akala niya soft kisses lang muna ang ibibigay ng lalaki lalo na't estranghero pa sila sa isa't-isa. Akala niya na malamig ang mga halik nito kung ibabase sa stoic at mala rebultong personalidad ng lalaki. She actually never expected that this cold man could give fiery kisses.
BINABASA MO ANG
Kasal Tayo pero Shhh...! (COMPLETED)
RomanceIniwan si Carla ni Aron isang araw bago ang kanilang kasal para sumama kay Ruby. Iniawan naman si Saimon ni Ruby sa mismong araw ng kasal nila para sumama kay Aron. Dalawang taong nasaktan... Dalawang taong magtatagpo ang landas sa hindi inaasahan...