SONG FOR THIS CHAPTER: Tulips by Christopher
You can click the video and listen to the song while reading :-)
******************************************************************************************
"TINAWAG ka ni ma'am Jane." Tinapik siya ng katabi niyang cubicle, si Shelly.
"Bakit daw?" Biglang nanlamig siyang isipin na baka pagagalitan na naman siya nito. Higit sampung beses ang mga palpak niya sa tatlong buwan niyang pagtatrabaho bilang isang recruitment staff.
"'Diba mali 'yong manpower input mo sa Calinan branch last time?" Umismid ang babae.
Napakagat labi siyang tumango. Tahimik siyang tumayo mula sa kinauupuan at dali-daling pumunta sa office ng human resource officer.
"Carla, anong ginawa mo?" galit na tanong nito pagkakita sa kaniya. "Paano natin maaayos 'to?"
"Ang alin po?" Mabuti naman at hindi masyadong halata ang panginginig ng kaniyang boses.
"Mali ang natawagan mong natanggap sa position ng store operations manager ng Panacan branch." Maluha-luha na talaga ang boss niya.
"Mali po ba? Sabi ni Shelly na tawagan ko 'yong nakapatong na resume sa table niyo," reasoned out niya.
"Hindi ka nakinig siguro sa akin, Car. I told you na 'yong papel sa right side table ni ma'am ang tawagan mo," biglang singit ni Shelly.
Teka, bakit sumunod ito sa kaniya? 'Diba siya lang ang ipinatawag?
'Tsismosang mahadera ka talaga, Shelly! Nakakahalata na ako sa'yo ha,' gusto niyang isigaw dito. Alam niya at naalala niya ang utos ng babae. "Pero itinuro mo pa nga sa akin ang papel..."
"Huwag na kayong magsisihan," bara ni Ma'am Jane. "Mag-isip tayo ng solusyon para sa problemang 'to. Bumalik kayo sa cubicles niyo at walang uuwi kung walang makaisip ng kahit katiting na solusyon."
"Nadamay pa ako sa kapalpakan mo, Carla." Inirapan siya ni Shelly nang umupo ito.
"Dapat lang." She smirked. "Ikaw 'tong confident na tontang mensahera."
Kahit pa nahila niya si Shelly sa katarantaduhan nito, malungkot pa rin siyang bumalik sa upuan niya. Gusto niyang umiyak pero OA na masyado kung magpapadala siya sa emosyon. Marami pa siyang aasikasuhin.
'At ayokong bigyan ng satisfaction si Shelly kapag nakita niyang umiyak ako rito.' Ito ang tanging konswelo de bobo niya sa sarili.
Malaki ang kompanyang pinagtatrabahuan niya kaya wala rin siyang oras para mag emote. Ang Josefa Retails Group ay may two big malls, five big supermarkets at fifteen grocery stores sa iba't-ibang bahagi ng Davao City. May mga branches din ito sa ibang parte ng Pilipinas pero concentrated talaga ito sa Davao region at General Santos.
Naka-assign si Carla sa recruitment processing sa lahat ng departamento sa dalawang malls sa Davao City kaya expected talaga na hindi niya ma perfect lahat-lahat ng gawain.
Medyo naramdaman niya ang pulso sa ulo niya at napapikit nalang para mawala ang sakit. Napasandal siya sa upuan at napatingin sa kisame. Ayaw niyang gawin ang last resort na 'to pero wala talaga siyang alam na paraan. Bumuntong-hininga siya at kinuha ang cellphone upang i-text ang asawa.
Carla: Sai, nagkamali ako
Alam niyang busy ito kaya hindi siya nag expect sa bilis ng reply nito.
Sai: What?
Carla: May dalawang na final interview kahapon para operations manager sa Panacan: si Roger at si Filmore. Si Filmore ang nakapasa sa interview pero mali 'yong natawagan kong natanggap sa company. I don't know what to do huhuhu.
BINABASA MO ANG
Kasal Tayo pero Shhh...! (COMPLETED)
RomanceIniwan si Carla ni Aron isang araw bago ang kanilang kasal para sumama kay Ruby. Iniawan naman si Saimon ni Ruby sa mismong araw ng kasal nila para sumama kay Aron. Dalawang taong nasaktan... Dalawang taong magtatagpo ang landas sa hindi inaasahan...