Sa pagdaan ng panahon
Di parin ako maka ahon
Ng ikaw ay nawala sa aking laon
Malamang ikaw na ay lumayo sa iyong pagkakataon
Pinagtagpo ngunit di tinadhana
Yan ang ating tinadhana
Di ko mawari kung bakit ako'y nagwawala
Sana itong damdamin na ito'y gusto nang kumawala
Nangangarap na sana ito ay mangyayari
Pero pawang hindi mo ito siguro mawari
Na ito ay mangyayari
Baka sakali matupad ang pangako niyang napako niyang napatiwarik
Gusto ko man kami ay magkabalik
Kahit ako ay sabik na sabik
Kahit na nais kong makayakap sa iyong bisig
Wala naman akong magagawa kundi umalis
Masakit
Iyan ang aking damdamin
Ano pa ang aking gagawin?
Wala naman akong magawa kundi maamin
Ano pa ang aking aanihin
Kung di ka naman akin
Mahirap
Lagi ko na lang siyang hinahanap
Ano pa ang aking ganap?
Kung hindi naman ako ang kanyang hanap
Masakit man at mahirap isipin
Ayoko lang na umiyak sa aking isip
Kapag tumulo ang aking luha
Tiyak ako'y mawawala
Sa mundong kong nais kumawala
Pic. Ctto
YOU ARE READING
Written By Me
PoetryHindi po ito story, puro po mga tula ito at sarili ko pong gawa ito. ps. kung panget free lang po ang panlalait 😂
