"Ms. Perez?" Napapitlag ako nang tawagin na ang apelyido ko.Umangat ang tingin ko sa babaeng nakasuot ng unipormeng pang-opisina at may hawak na mga papel.
"Kayo na po ang susunod."
Mabigat akong bumuga ng hangin at inayos muna ang sarili bago tumayo. "T-Tara na po."
Habang naglalakad kami tungo sa opisina ni Ms. Adrelana ay hindi ko maiwasan ang mapalunok nang mariin. Ramdam ko rin ang pamamawis at panlalamig ng mga kamay ko. I can even feel my heart pounding.
Wala sa sariling napabuntong-hininga ako.
I couldn't help but to feel nervous. First time ko lang kasi 'tong gagawin.
"H'wag kang kabahan, hija. Mabait si Ms. Adrelana." Nginitian niya ako bago niya binuksan ang pinto kaya agad kong nalanghap ang air-con mula sa opisina niya.
Huminga muna ako nang malalim bago ako pumasok sa loob.
"Good luck." Napalingon ako saglit sa pinto nang marinig ko ang pagsara nito.
I cleared my throat first, then turned my gaze to the lady sitting at her desk, scanning some papers.
"G-Good afternoon po." Paunang pagbati ko dahilan para mapalingon siya sa'kin.
"Hi, good afternoon! Have a seat please." Nakangiti niyang iwinestra ang upuang nasa harap niya kaya roon ako umupo.
"Nako! Pasensya ka na hija, ha? Ang gulo ng desk ko, pasensya na talaga." Nahihiya niyang ani habang aligaga siya sa pagaayos ng mga papel na nagkalat sa kanyang mesa.
Habang abala siya sa pagliligpit ay hindi ko napigilan na mapatingin sa mukha niya.
Mukhang bata pa naman si Ms. Adrelana. Sa tantya ko ay nasa mid-20s palang siya.
Matapos niyang ilagay lahat ng mga papel sa iisang shelf ay napahawak siya sa kanyang batok at pabagsak na sumandal sa swivel chair.
"Ah! Kapagod!" She groaned, it seemed like she had a tiring day.
"Bakit pa kasi kailangan ng PA ng isang 'yon? Paniguradong isusumpa niya nito ang ina niya, e." She sighed and rubbed her head as if she was having a headache.
Nang mapatingin siya sa'kin ay bigla siyang umalis mula sa pagkakasandal at mabilis na umayos ng upo na para bang natauhan.
"I nearly forgot. Where are we again–ah! Yes! Can I see your papers?"
Makailang beses akong napakurap bago ko nagawang iabot sa kanya ang dala kong application form na agad naman niyang sinuri.
Nilibot ko nalang muna ang paningin ko sa kabuuan ng opisina habang abala siya sa pagaasikaso ng mga papeles ko.
Malawak; kulay puti ang dingding; mga libro na maayos na nakasalansan sa malaking bookshelf sa kanan; at isang maliit na sala sa kaliwa na sa tingin ko ay para sa mga bisita.
Masasabi kong napakapresko ang dating ng opisina ni Ms. Adrelana. Idagdag mo pa ang mga vase at paintings na sa unang tingin palang ay alam mo nang imported at mamahalin.
Pero maliban sa mga mamahaling mga gamit, ang talagang aagaw din sa pansin ng sinumang papasok dito ay ang pader na nakapalibot sa opisina ni Ms. Adrelana. Gawa lang naman ang pader sa purong salamin kaya naman tanaw na tanaw ang matatayog na mga gusali at mga gumagalaw na sasakyan sa baba.
BINABASA MO ANG
ANG P. A KONG ASTIG
Teen FictionP.A (Personal Assistant) si Girl while si boy naman is, let's say, a quite famous. "You stupid! Do you know me? Do you know who you are talking to?! Do you know who I am?!" ━ They happened to meet by chance. "Kanina ka pa 'you' nang 'you', e! Hindi...