Chapter 9

411 19 0
                                    


Ayumi's POV

Kasalukuyan ako ngayong nakasakay ng jeep papuntang Starship. Biyernes ngayon at half day lang ako kahapon dahil wala 'yong amo kong antipatiko, hindi siya pumasok. Sina Yuen, Gian at Aiden lang ang nadatnan ko. Tatanungin ko nga sana sila kung nasaan 'yong kasama nilang tsokalate pero hindi ko na itinuloy at baka isipin nilang wala akong alam at hindi ko inaalam kung saan nagsusuot ang isang 'yon.

E, sa hindi ko naman kasi talaga alam kung nasaan ang antipatikong 'yon. Matapos niya akong papuntahin sa Starship nang sobrang aga para iabot lang ang 'napaka-generous' niyang reward, bigla siyang naglahong parang bula kinaumagahan.

Hindi kaya kinarma 'yon?

"Good morning!"

"Ay kabayo!" Mabilis akong napatalon sa gulat nang bigla nalang may nagsalita sa gilid ko.

"G-Good morning din po." Nakakagulat naman 'tong si Guard Elvis. Buti nalang wala akong sakit sa puso.

Ngumiti siya sa'kin, pero 'yong ngiting napipilitan. Iyong nakangiti 'yong bibig pero parang nangiinis 'yong mga mata.

"Ba't kaya lagi siyang nandito?" Narinig kong bulong ng isa sa mga staff na nakatambay malapit sa lobby desk.

"Sino?" Pasimple akong sumulyap sa kanila habang kunyaring inaayos ko ang bag ko.

"Iyon oh!" sabay senyas sa'kin ng isa.
Ah, ako pala talaga ang pinag-uusapan nila.

"Ah, baka new staff lang, 'di ba?"

"Malabong new staff 'yan. Wala sa uniform code."

"Balita ko PA 'yan."

"Ha? N-Nino?"

"Hindi ko rin alam, e."

Tumikhim ako. Kita sa mga mukha nila ang gulat nang makita nila akong nakatingin. Kinawayan at nginitian ko sila. Gumanti naman ng ngiti ang dalawa, maliban sa isang babae na deadma lang at inirapan pa ako.

Napansin ko ang simpleng pagsuway ng dalawa sa kanya nang makita nila ang pagirap nito sa'kin bago sila bumalik sa kanya-kanya nilang mga ginagawa.

Nagkibit-balikat nalang ako at pumasok na sa elevator. Mabuti nalang at binigyan ako ng spare key ni Ma'am Shiela kaya maaga akong makapaghanda ng pagkain. Pipindutin ko na sana ang button papuntang 5th floor nang biglang may sumigaw.

"Wait!"

Mabilis akong dumestansya nang bigla nalang siyang pumasok at habol-hiningang napahawak sa mga tuhod niya.

"T-That was pretty close!" Pinigilan ko ang pagtaasan siya ng kilay nang dumapo ang tingin niya sa'kin.

"Papunta ka na ro'n?" Napakurap ako nang magsalita siya. Liningon ko ang likuran ko at baka may kausap siyang hindi ko nakikita.

"Yes, I'm talking to you." Matawa-tawa niyang ani habang naghahabol ng hangin kaya parang tanga ko namang tinuro ang sarili ko para makompirma kung ako ba talaga ang kausap niya.

Narinig ko ang matunog at namamaos niyang tawa dahil siguro sa ginawa ko. "Oo. Ikaw ang kausap ko, Ayumi."

Halos umalsa ang mga kilay ko nang banggitin niya ang pangalan ko. Tatanungin ko sana siya kung bakit niya ako kilala nang bigla niyang inalis ang suot niyang salamin at sumbrero dahilan para agad akong mapasinghap nang tuluyan ko na siyang mamukhaan.

ANG P. A KONG ASTIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon