Ayumi's POVMaaga akong nagising, maaga akong nagluto, maaga akong kumain, maaga akong naligo, at maaga akong aalis. Napaaga ang kilos ko ngayon. Sa sobrang aga e inunahan ko na 'yong tandang manok sa pagtilaok, bwesit! Pero bakit nga ba ako ganito kaaga? Simple lang—dahil sa isang antipátikong tao!
FLASHBACK
Alas-singko na ng hapon nang matapos 'yong praktis nila, 'kuno'. Hindi ko alam kung ano ang iniinsayo ng lima basta ang ginawa ko lang maghapon ay magluto, mag-hugas, at ang maglinis.
"Ipagluto mo ulit kami bukas, ha?"
Naagaw ni Gian ang atensyon ko nang magsalita siya. Nandito na kami ngayon sa labas ng Starship at kasalukuyang pinagtitinginan 'tong apat na kasama ko.
"Ayaw mo ba talaga na ihatid kita?" Tanong ni Tisoy, na kahit anong pilit ko, hindi ko talaga maalala ang tunay na pangalan. Hanggang ngayon, Tisoy pa rin ang tawag ko sa kanya dahil... well, dahil Tisoy siya. Simple logic, 'di ba?
"Hindi na, s-salamat nalang."
"Hoy! Hoy! Anong hatid-hatid pinagsasabi mo? Gusto mo bang makita na naman 'yang mukha mo sa balita?" singit ni Gian at mahinang siniko ang tagiliran niya.
Nagtaka ako dahil sa sinabi niya. Anong kinalaman 'yong paghatid ni Tisoy sa balita?
"Pasensya na. Kakambal kasi 'to ng isyu," turo ni Gian kay Tisoy na nahihiyang napakamot nalang ng ulo. Kahit hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin ay tumango nalang ako.
"At saka, nand'yan naman si Kuys Shin. Ihahatid naman niya 'yong PA niya," dugtong pa ni Gian na halos ikaismid ko.
Ayan ang hinding-hindi gagawin ni Chocolate.
Sa hindi sinasadya ay napatingin ako sa direksyon ni Chinito at ganoon nalang ang pagtataka ko nang makitang seryoso siyang nakatitig sa'kin. Ngingitian ko sana siya nang may kamay na biglang umakbay sa balikat ko.
"Ako nalang maghahatid-aray naman!" daing ni Blonde nang sabay siyang hilahin nina Gian at Tisoy.
"Delikado 'yang hatid-hatid mong 'yan," pagsasalita ni Tisoy na tinanguan naman nina Chinito at Gian dahilan para ngiwian sila ni Blonde. Mabilis niyang hinarap 'yong tatlo at saka pinatong ang kanan niyang kamay sa kaliwa niyang dibdib at nagakto na para bang nasaktan.
BINABASA MO ANG
ANG P. A KONG ASTIG
Teen FictionP.A (Personal Assistant) si Girl while si boy naman is, let's say, a quite famous. "You stupid! Do you know me? Do you know who you are talking to?! Do you know who I am?!" ━ They happened to meet by chance. "Kanina ka pa 'you' nang 'you', e! Hindi...