Prologue

7 0 0
                                    

Kumukulog na, hudyat ng paparating na ulan. Sabi ng mama ko kapag nauna daw ang kulog ibig sabihin hindi matutuloy ang ulan. Pero sa dilim ng kalangitan, parang kahit anong oras ay bubuhos na ito.

Ah shet. Wala akong payong.

'Di bale, konting lakad lang makakasakay na ako ng jeep. Pero takte naman! Naalala kong kulang na ang pamasahe ko kung sasakay ako ng tricycle papunta sa bahay namin.

Sana hindi tumuloy. Sana hindi tumuloy!

At parang dininig ng kalangitan ang dasal ko at pagtapos ng isang kulog ay saka bumuhos ang ulan. Tuloy-tuloy, walang patid, at sobrang lakas. Pakshet. Tumigil sa tapat ko ang isang jeep, may sign na SM Pala-Pala. Doon kaya muna ako? Pero anong gagawin ko don? Takteng buhay 'to, talaga naman!

Tinakbo ko na ang kaunting espasyo ko sa jeep at sumakay doon. Bahala na pero sana tumila na pagdating ko sa amin. Ayokong magsenti sa gitna ng kalsada dahil sa mga librong dala ko.

Matapos magbayad, sumandal muna ako sa hawakan sa eskribo at pumikit. Ah nakakapagod ang araw na 'to, buti na lang Friday na. Gusto ko na talagang matulog. Huminga muna ako ng malalim bago nilabas ang cellphone at earphones.

Ngayon ko yata gustong magsenti. Iiyak ba ako? Madadaanan ko 'yung University nila mamaya, nandon kaya siya? Hay nako. Bilin ni Sandra 'wag ko nang isipin. Okay, erase.

Pinatugtog ko ang Ben&Ben playlist ko saka sinubukang matulog. Tumutugtog 'yung bagong labas nilang single na Masyado Pang Maaga. Paano ba naman ako makakatulog kung ito ang napapakinggan ko? Parang gusto kong umiyak sa loob ng jeep e!

Kung iiyak ako, may makakapansin ba? Hindi naman ako maingay umiyak, sana hindi nila mapansin na may natulong luha sa mata ko dahil konti na lang talaga hindi ko na mapipigilan.

Parating na ang bridge ng kanta. Dito ako palaging inaatake e.

Masyado ba akong naniwala sa iyong pinangako?
Na minahal kita higit pa sa sarili ko

"Jusko. Ba't 'di kita malimot?" Mahinang pagsabay ko sa lyrics. Tuluyan na ngang pumatak ang mga butil ng luha. Tinakpan ko na lang ang mata ko para walang makapansin.

After ng ilang minuto, tumigil na rin ang jeep. Tumingin ako sa paligid, nandito kami sa loob ng University nila. Shet.

Shet?! Nag-aabang din siya. Shet. Sandali. Sandali lang ang pangit ng itsura ko putek! Nag-ayos muna ako ng mukha at buhok, takte naman!

Tinignan ko ang paligid niya, naka-airpods lang siya sa isang tainga at may kasamang dalawang tao habang tinuturo ang jeep na sinasakyan ko. Sobrang lapit niya. Parang gusto kong magkatinginan kami pero hindi. Ah takte, ano ba 'to?

"Ito SM, tara?" Rinig kong sabi niya. Sumang-ayon ang mga kasama niya.

Putek sasakay siya dito. Sa sobrang kaba nagsuot ako ng mask at salamin. Ayoko pang makita niya ako. Ayoko pa. Tumitig lang ako sa cellphone ko habang hinihintay silang makasakay pero naunahan na sila ng ibang mga college students hanggang sa napuno na ang jeep. Hindi sila nakasakay.

Tinignan ko siya habang papalayo ang jeep. Tumingin ka. Please, tumingin ka. Last sign Lord, kapag tumingin siya tapos na 'to.

Malayo na kami sa university. Ang bigat ng puso ko, hindi siya tumingin. Hindi niya 'ko nakita.

Agad akong tumawag kay Sandra. Sinagot niya ito sa unang ring pa lang.

"Hello?" Malumanay niyang sagot. "Bakit ka napatawag? Kalalabas ko lang school."

All The Sad MoviesWhere stories live. Discover now