Chapter One

5 0 0
                                    

"Anong ginagawa mo?"

Napabalikwas ako sa gulat sabay sara ng laptop.

"Bakit ka nanggugulat?!" Singhal ko kay Carlene. She's been living here for a week now, hindi ko alam kung bakit ayaw niyang umuwi sa bahay nila but it's nice to have her around naman kesa mabulok ako dito by myself.

"Seryosong seryoso ka dyan e," Sabi niya at umupo sa kama. "Ano ba 'yan?"

"May inii-stalk lang ako." Sambit ko at umayos ng upo. Pinakita sa ko sa kanya ang profile ng lalaking nakita ko kahapon no'ng birthday ni Sebastian.

"Pogi sis! Chat mo, i-chat mo, dali!" Hinatak niya ang laptop papunta sa kanya at mabilis na nagtype ng sasabihin.

"Hoy ano ba! Ayoko nga." Hinatak ko pabalik ang laptop, dahan-dahan lang at baka may mapindot ako na ewan. Sobrang paranoid na.

Inirapan ako ni Carlene at tumayo. "Akala ko ba nagm-move on ka na?"

"Oo nga pero 'wag mo 'ko itulad sa'yo, 'no." Pabiro kong sabi at tumawa.

"So anong sinasabi mo?"

"Na ginamit mo si George para maka-move on ka kay Chito?"

Inis niyang hinampas ang braso ko. "Hoy ang kapal ng mukha mo! Pinanindigan ko naman si George before!"

"Kapal din ng mukha mo, it doesn't change the fact na ginamit mo pa rin." Sabi ko habang hinihimas ang brasong hinampas niya.

"Edi oo na. Ginamit na." Inis niyang kinuha ang libro at umakyat sa kama niya. "Pero mahal ko si George, FYI."

"Sinabi ko bang hindi?"

"I-chat mo na lang 'yan, baka mahanap mo na rin ang George ng buhay mo."

"Para ano? Makunsumi araw-araw?" Tumawa ako. "No thank you."

Nagulat na lang ako sa lumipad na libro sa ulo ko. Galing iyon sa taas na kama kung nasaan siya, bwisit talaga. Sasabihan ko si mama na ipatanggal na 'yang kama niya hmp!

"Aray! Punyemas ka!"

"Kontrabida ka kasi!"

I just laughed at her at bumaba na, stalking makes me thirsty sa totoo lang. Naabutan ko si kuya sa sala nanunuod ng TV, tumango lang siya at binalik na ang atensyon sa panunuod. We're not actually close, actually hindi ko rin alam kung close ba kami or not kasi minsan I feel his brotherly love and concern, minsan naman it's like we're complete strangers sa bahay na 'to.

Umakyat na ulit ako ako only to find Carlene na kakatayo lang galing sa kama ko. Pa-inosente siyang pumasok sa CR and at that instant I knew something is wrong.

Mabilis akong lumapit sa laptop and shit be with Carlene. Nagsend siya ng friend request! What the heck! And did he just accepted?!

"Fuck you, Carlene! In-accept na ako, bwisit ka talaga!" I shouted. Agad naman siyang lumabas na halata pa ang kilig.

"I-chat mo na!"

"No way!"

"Yes way!" Kinuha niya ang laptop at agad akong tinulak palayo para makapagtype. Putanginaaaa!

She sent hi! And brO! Ang bilis niya magseen what the actual fuck is happening?

"Fix that." Seryoso kong sabi kay Carlene. Nagreply na si Ivan! He said hello! Shit! Shit! This is crazy! "Fucking fix that, Carlene or papalayasin kita dito."

She snorted and typed a reply. As much as I don't want to know, I can't help but to look. Kailangan niyang ayusin itong kalat niya holy cheesecake!

All The Sad MoviesWhere stories live. Discover now