Chapter 4

1.7K 81 7
                                    

Chapter 4 -  Roleplay

Bakit ba ang daming malandi sa mundo?! Isa na yang Adhay na yan. Naku! Pigilan nyo ko! At baka mahampas ko ng baseball bat yan!

"Uy, Anyare?" Tanong ni Shaira katabi ko

"Wala naman."

"Eh bakit parang gusto mong butasin yang upuan mo gamit yang ballpen?" Sabi nya

"Ha?" Napatingin naman ako sa desk ko. Shit! Yung ballpen ko! Favorite ko to e!

"Chill ka lang girl, Mahal ka nun."nagbibirong sabi nya

"Alam ko."

"Taray! Confident! MALAKING SANAOL!"

"HAHAHAHAHA baliw"

Hindi na kami nakapagusap ng dumating si Sir.

"Good Morning everyone"

"Good Morning Sir Nick!"bati namin. Sya naman ang Research teacher namin. Akala ko sobrang hirap gumawa ng research pero hindi naman masyado. Yung feeling na mas mauuna pa akong matapos kesa sa sem na 'to.

Naglesson na agad sya may pinagawang group activity. 7 members each group. Binigyan nya kami ng time para mapagplanuhan yung activity. Isang 'play' lang naman. Kami ng bahala kung ano ang gawin namin

"So? Ano ang gagawin natin?" Tanong ni Daphne

"Anong bang maganda?" Tanong naman ni Zyrah

"Si Alex maganda." Singit ni Zeus

"YOWN!"

"BANGIS PRE!"

"TAPANG MO 'TOL"

"Sabi ko 'ano' hindi sino. Wag kang ngang malandi" sabi ni Zyrah

"HAHAHAHHAHHA"

"Wala ka pala e"sabi ni Liam

"Duling ka ba? Nandito ako sa harap mo" sagot ni Zeus. seryoso ba sya dyan?

"Joke yun 'tol?" Tanong naman ni Jericho

"HAHAHAHAHHA" sabay sabay na tawa nila

"So ano na nga?" Ako na yung nagtanong baka masayang yung oras na binigay samin

"Anong theme?" Tanong naman ni Samantha

"Syempre yung makakarelate ang lahat!" Sabi ni Zyrah

"Oo tsaka dapat yung nakakaexcite." Sabi ni Liam

"Tama! Dapat may twist!" Sabi naman ni Daphne

"Pero huwag yung masyadong mahaba." Sagot ko. Syempre pagmahaba ang play. Matagal ang practice.

"I agree!" Sagot naman ni Samantha

"So? Ano na nga?" Tanong ulit ni Jericho

"Any suggestions?" Tanong ni Daphne

Isa isa nagbigay ng suggestion ang lahat. Maganda naman yung mga binibigay nila. Pero hindi ako ganun ka agree kase may part na masyadong OA. Natapos na sila at ako nalang ang natitira.

"Para sakin, mas maganda kung Romcom. Karamihan satin mahilig sa Romance, comedy and action. May naisip akong story na about sa isang girl na nainlove sa kanyang bestfriend. Pero yung bestfriend nya inlove sa friend ni girl. Pero hindi papayag si bestfriend kase hindi nya mahal si girl. Kaya si girl umalis at hindi na nagpakita. After that babalik sya with a change." Sabi ko. Suggestion lang naman diba? Okay na yan

"Very well said. Ms. Alexandra Park Shion" sabi ni Zeus habang nag slow clap

"True, I agree." Sabi naman ni Zyrah

"San mo nakuha yan? Ang gandang story." Sabi naman ni Samantha. Sa wattpad girl. Wattpad

"Oo nga ang ganda nakakainspired"sabi naman ni Daphne

"Syempre nandito kami. Maiinspired ka talaga." Sabi ni Liam. Ay potek.

"So, lets vote?" Tanong ni Jericho

"Sino gusto kay Alex?" Tanong Jericho

"Ako!"

"Ako rin"

"Dream on dude sakin sya."

Nagulat ako sa mga classmate ko na nakisagot samin. Ang lakas naman ng mga radar nito. Pero enpernes, eng gende ke telege.

"So, majority." Sabi naman ni Zeus

"Isip na tayo characters tsaka arrange na rin natin." sabi ni Daphne

Sila na nag ayos kung kanino ilalagay yung role. Sinabi ko lang na yung important role is yung girl and the bestfriend.

"So ito na nga. Wala ng aangal." Sabi ni Samantha

"Si Jericho as the friend 1"

"Si Samatha as girlfriend ni Jericho."

"Si Zyrah as the friend 2"

"Si Liam as manliligaw ni Zyrah"

"Ako is yung friend nun bida."

"Ikaw naman Alex si Girl at si Zeus naman yung bestfriend mo". Kalamadong sabi ni Daphne. Pero wait.. ako si Girl?! At si Zeus ang bestfriend ko?!

--------------

VOMMENT EVERYONE
-sheannyy

Mister TeacherWhere stories live. Discover now