Chapter 9

1.6K 74 28
                                    

Chapter 9 - EX

Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto at alam kong si Vin yun.

"Alam kong hindi mo naiintindihan ang mga nangyayare. Pero alam kong matutuwa ka sa gagawin ko. I love you baby ko." Sabi nya at mabilis akong hinalikan sa labi.

-----------------

Nandito na ako sa room. Maaga akong gumising para hindi ko makasabay si Vin. Ayoko muna syang makausap. Kahit na may parang surprise chuchu syang gagawin.

"Aga natin Alex ha?" Bungad ni Zeus

"Hindi naman." Tipid na sagot ko

"Namiss mo yata ang pagmumukha ko kaya ka pumasok ng maaga." Confident na sabi nya

"Naramdaman mo ba yun?"

"Ang alin? Yung pagmamahal ko sayo?"

"Hindi. Bigla kaseng lumakas yung hangin. Zeus kapit ka ng mabuti baka matangay ka ng sarili mong hangin." Sabi ko. Ano ba yan kaya nga ako pumasok para tahimik! Malay ko bang maaga rin to pumapasok.

"Nga pala Alex may naisip ka na bang names para sa 'play' natin?"

"Oo sasabihin ko mamaya kapag nandit-----" naputol ang sasabihin ko ng mag ring cellphone ko

'bAbY daMuLaG calling' psh. Pinundot ko ang answer button.

"Where are you?"

"San sa tingin mo?"

"Alex, I'm talking to you nicely."

"Ganun?"

"...Nasan ka nga?" Medyo may pagkairita sa boses nya

"Campus po. Bakit po? Wala po ba kayong makain dyan po? Gusto nyo po umuwi po ako dyan po?" Sobrang galang na tanong ko

"..."

"Kung wala naman po kayo po kailangan po wag nyo na po akong tawagan po. Malapit na po ang klase namin po. Baka lang po, naiisip nyo po kung anong oras na po. At maligo ka na dyan wag mo nakong tawagan at kumain ka ng maayos?!" Naguumpisa na naman akong mairita. Psh bakit ba palagi nalang akong ganito?

"Pfft okay." Sabi nya at inend call

"Wooahh, nakakatakot ka pala magalit. Pero ang cute mo tignan HAHAHAHA" sabi ni Zeus

"Gusto mo ba sayo ko ibuhos lahat ng nararamdaman kong inis, galit at pagkakutya?!"

"Wooahh easy girl. Ito na nga mananahimik na." Sabi nya. Madadaan naman pala to sa maayos na usapan e---

"Pero bakit ba galit na galit ka--- oy Alex masama yan --- oy matamaan ako ---" sabi nya pinagbabato ko sya ng kahit anong mahawakan ko. Hindi ba pwede manihimik nalang sya dyan?! At makiramdam?!

Hindi na ulit sya umimik. Siguro nakaramdaman na. Unti unti na rin nagsisidatingan ang mga classmate namin kaya naging maingay na naman dito sa loob ng room.

Mabilis na natapos ang klase namin kaya lumipat na ako sa History class namin

---------------

Ano ba yan! Nakakagutom! Paano ba naman kase hindi manlang nagpa break! Buset

"Oh? Bakit nakabusangot ka dyan?" Natatawang sabi ni Nathan

"Wag mo kong guluhin nagugutom ako."

Nandito sya sa loob ng room katabi ko. Wala daw silang klase kaya sakin sya pumunta. Masyado rin kaseng malawak kada room kaya hindi din mapapansin kung may mag sit in.

"Alam kong sasabihin mo yan. Kaya nagdala na ako nito." Sabi nya sabay labas ng mga pagkain. WAAAAAAHH

"DORAEMON IKAW BA YAN?!"

"Pfft kumain ka na nga lang"

Masaya akong tumango sa kanya. Kumain lang kami ng tahimik. Kailangan kong maging praktikal. Alam kong dapat ko syang iwasan pero may dala syang pagkain. Nakakatukso masyadoo

___________

Buti naman at natapos na rin! History class namin yun grabee sobrang strict nya sa oras.

Isipin mo 3hours kami sa loob ng room tas puro nakaraan pinagusapan. Eh ayoko na nga pagusapan yung bwesit na nakaraan na yan!

Hindi ako bitter! Nakakainis lang! Naalala ko na naman si Jayden na yan---

Opps.

"ALEXANDRA!" Biglang sigaw ni Nathan

"AY JAYDEN!" Sabi ko at mabilis na tinakpan ang bibig ko

"Jayden? Sino yun?" Tanong ni Nathan

"A-ah e-eh.."

"Ih oh uh? So sino nga?" Diretsong tanong nya

"A-ah kaibigan ko. Bakit nga pala nagtatanong ka dyan?" Taas kilay na sabi ko

"Wala naman" sagot nya naman

Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko.
Si Vin ulit. Hinanap ko sya sa buong paligid ako nakita ko sya sa labas ng restroom at galit na umalis. Eh? Di ba ako yung galit? Tinignan ko ang text nya at--

'So, you're thinking about your ex?'

-sheannyy

Mister TeacherWhere stories live. Discover now