Tatlong araw ang lumipas. Nawala na ang pagkaguilty ko. Nakarecover na ako sa nangyari. Kinausap ko at niyakap ang asawa ko. Panahon na para makausap ko siya. Aayusin ko ang problema ko sa kaniya. Hindi pwedeng ganito kami habang buhay kaya ako na ang gagawa ng paraan.
Bago kami matulog ay niyakap, hinalikan ko siya at kinausap.
"May problema ka ba?" tanong ko.
"Wala, naalala ko lang 'yung kaso na hinahawakan ko."
"Anong kaso?"
"Rape ang kaso."
"Gawin mo ang lahat para makulong ang rapist na 'yun."
"Hindi pwede dahil ako ang abugado nung rapist."
"What?! Pumayag ka?"
"Trabaho ko 'yun."
"Guilty ba?"
"Hindi pa pero pwede siyang mapawalang sala kahit totoo naman na nirape niya ang babae."
"Bakit?"
"Dahil sa kakulangan sa ebidensya. Hindi naman pwede na ipatalo ko ang kaso, baka mahalata ako or mawalan ako ng trabaho. Nakukunsensya ako."
"That was terrible! Bakit kasi ikaw pa? Marami namang abogado diyan."
"Marami na kasi akong naipanalo at naibaliktad na kaso. Malaki ang bayad kaya wala naman akong magagawa. Malalagay pa sa alanganin ang buhay ko."
"Why?"
"My client is very powerful."
"Nakakaawa naman 'yung girl."
"Wala tayong magagawa."
Lalo akong nalungkot dahil malaki din pala ang problema ng asawa ko. Ito na ang pagkakataon. Kailangan kong pagaangin ang loob niya. Minasahe ko siya and then after that, we made sex after a long while ay nagawa uli namin.
Pagtapos nun, parang kulang pa. Bakit bigla kong naalala si Jade? Hindi pwede 'to, tapos na kami. Bakit ako na naman ang ginugulo niya?
Kinabukasan ay ayaw akong patahimikin ng isip ko kaya dumaan ako sa library. Wala si Jade, imbes makahinga ako ng maluwag ay parang dismayado pa ako. Bakit gusto ko siyang makita? Habang pumipili ako ng books ay naramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko. Sa kabilang side nakita ko si Jade. Ngumiti siya sa'kin. Tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero bakit nasabik bigla ako? Bakit sumaya ako ng makita ko siya?
"Napunta ka parin dito?" tanong ko.
"Nakita ko kasi 'yung kotse mo dito."
"Sana hindi kana pumunta? Stalker ba kita?"
"Sabihin na nating oo!"
"Wag kang maingay diyan."
"Nagtatanong ka eh." Dahan dahan siyang naglakad. Hindi ako makagalaw. Para akong may paa na bumaon sa lupa.
Lumapit siya sa'kin at kunyari ay pumipili ng books. Actually wala akong mood magbasa. Nagbaka sakali lang akong makita ko siya.
"Dating gawi?" sabi niya.
Hindi ako nagsasalita. Pero nagulat na lang ako dahil para akong sunod sunuran sa kaniya. Inuwi ko ang kotse at nakipagkita sa kaniya. Bakit akala ko tapos na kami? Hindi pa pala. Hanggang kailan kaya 'to? Hindi ko na tuloy sure kung last na 'to dahil nangako pa naman ako sa sarili ko kaso hindi natupad. Ayoko nang mangako.
Masakit pala pag napahiya ka sa sarili mo.