// 16. Lesson

16K 142 4
                                    

Jade's POV

Nagising ako sa ospital. Teka bakit andito ako? Oo nga pala, Sarina's husband shot me. Hindi ko na alam ang nangyari.

"Gising ka na pala!" Sabi ng kapatid ko.

"Nahihilo pa ako."

"Buti na lang at nalaman ko na may bumaril sa'yo dahil kilala ka ng staff sa hotel. Sino may gawa niyan sa'yo?"

"Hayaan mo na kuya. Mahalaga ligtas ako."

"Hindi pwedeng hindi natin ipapakulong 'yang gumawa sa'yo niyan? Sino ba? Boyfriend ng dinala mo sa hotel or asawa?"

"Oo asawa!"

"How could you do that? Pwede ka namang pumatol sa dalaga. Sa may asawa pa."

"Ewan ko kuya. Basta hayaan na lang natin."

"Hindi pwede Jade! Pwede natin siyang ipakulong para malaman nila na hindi basta basta ang pamilya natin."

"Abogado ang makakalaban natin kuya."

"Oh my god, Jade! Hindi mo ba inalam muna ang lahat bago ka gumawa ng kalokohan?"

"Alam ko na. Hindi ko naman alam na mabubuking kami agad."

"Hindi pwedeng hindi kayo mabubuking, Jade. Hindi tanga ang mga abogado. Hindi mo naisip 'yun?"

"Sorry."

"Nabuking na kayo?! Ano ngayon? Buti na lang at hindi ka namatay. Mag isip isip ka nga kasi. Buti na lang hindi ko agad sinabi sa girlfriend mo 'to. Kinutuban kasi ako na kalokohan na mabaril ka sa hotel."

"Keep it secret, kuya. Hindi na ako magpapakita sa kaniya."

"Paniguradong papatayin ka nun kaya magtago ka na. Sa abogado pa! Hindi ka nag iisip."

Inuwi na ako ni kuya dahil nag aalala siya. Baka patayin ako ng asawa ni Sarina. I think mali ako. Masyado akong nachallenge kay Sarina. Maganda siya at may tiwala ako sa sarili ko na makukuha ko siya. Ano na kaya ang nangyari sa kaniya? Dahil sa'kin baka makulong siya. Hindi kami pwedeng magdemanda dahil kami ang may kasalanan. Kasal si Sarina at mababaliktad ang sitwasyon.

Nag sisisi na ako sa nagawa ko. Buti na lang buhay pa ako. Ayoko nang maulit ito.

"Wag ka nang umalis ng isang buwan. Dito ka na lang hanggang makaalis ka papuntang Canada. Pagdasal mo na hindi ka harangin sa airport."

Napahawak ako sa mukha ko. "Pwede kang idemanda ng abogado na 'yun pag nalaman niya kung sino ka. Kaya pagdasal mo na hindi ka ituro ng babae mo."

"Hindi niya sana gawin 'yun. Kaso baka makulong siya."

"Talagang makukulong siya. Kasal siya eh. Tapos abogado pa ang asawa niya. Sa tingin mo, papayag 'yun ng ganun ganun lang? Pagdasal mo na lang talaga na walang magdemanda sa'yo kung hindi, tapos ang maliligayang araw mo."

Ngayon alam ko na ang katumbas ng ginawa ko. Kahit kasi alam kong mali ay basta sumaya lang ako ay sumige parin ako. Magsisilbing aral na sa akin 'to.

Unfaithful Wife [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon