Chapter 5

14 1 0
                                    

#WildCARD

JAE's pov
Bwesit na Bugok imbes na maaga akong makauwi mukhang mapapagabi pa yata ako.

"Huy jae tara na naguumpisa na yata yung game"sambit ni Luan
Dali dali naman akong lumabas ng CR peste naman oh yung pinasuot niya sakin may apelyido pa niya sa likod kulang nalang ilagay niya yung bwesit niyang mukha sa damit.

"Paki remind nga ulit ako kung bat ko toh sinuot?sabi ko kay Myel

"Kasi sinisingil ka ni Ted dahil binuhusan mo siya ng PERFUME habang tulog"sagot naman ni Luan
Abaa maswerte nga siya Perfume pa yung binuhos ko tss naging mabango pa yung BUGOK NA DURIAN.
"Tara na nga naalibad-baran ako sa suot ko parang magkakaroon ako ng allergy"sambit ko

Natawa naman sina Myel at Luan, papasok palang kami ng GYM ang ingay na ng mga tao yung mga babae aba grabe makasigaw mga haliparot ayaw yatang maka graduate akalain mo sumisigaw ng..

"Kierr Buntisin moko"
"Waaaaahhh Vinceeee akin ka nalang handa akong magpaalipin"
"Ted kahit 1 night stand lang"
"Letsss go PHILIPPINE UNIVERSITY OF MONTICELLO"
"Walaaaa yung honey bunchie KJ kooooo"

Seryoso talaga sila jan?hindi manlang nahiya?wala na talagang tinawag na DILEKADESA yung panahon ngayon?aissh

Naghanap na lang kami ng mauupuan nina Myel at Luan kaso may naka reserve na pala samin malapit pa sa bench ng Basketball team.

"Jae wag na tayo jan umupo hanap nalang tayo ng iba"sambit ni luan
"Bakit naman eh may pangalan naman natin yung upuan so ibig sabihin para satin"sagot ko naman
Teka may problema ba sila?kanina pa sila di mapakali eh

"Anong problema luan bakit ayaw mo dun umupo?"tanong ko
Imposible naman yatang trip nalang nilang hindi umupo tsaka san pa kami uupo eh puno na yung gym.

"Kasi Jae nakikita mo yung tatlong babaeng nakaupo dun?"tanong ni myel

Nakita ko naman yung tinutukoy niya tatlong babae na mukhang hindi nadadapuan ng lamok at hindi nauusukan dahil sa makinis nilang mga kutis at mukhang mayaman
"Bakit anong meron sa kanila?"tanong ko

"Sila ang Wild Card,sikat din sila sa campus ang una sakanila si Lili Santiago siya yung nambuhos sayo ng tubig ex girlfriend ni Ted"sambit naman ni Luan

Nakita ko nga tsss pakialam ko kung dun siya nakaupo kung gusto niya ng Gera edi bibigyan ko siya ng WORLD WAR 3

" Yung katabi ni Lili si Psyrah Masangkay also known as Sy girlfriend ni KJ Paraonda mabait siya Medicine Student"sambit naman ni Myel

"At yung panghuli si Elgie Flores nililigawan ni Jaylou at team captain ng volleyball sila lang yata ni Psyrah yung hindi sinapian ng kademonyuhan ni Lili"sambit ni Luan
Natawa naman kami pareho ni Myel yung dalawang Banal hindi natapunan ng Kademonyuhan hays..

"Tara na akong bahala"sabi ko kena myel
Sumunod naman sila umupo na ako at halatang nagulat si Lili

"What are you doing here b*tch?tanong nito sakin

"Nakita mo to?"sabay kuha ng pangalan ko sa upuan"JAE MAUREEN so ibig sabihin ako yun"sarcastic kong sagot sakanya

"Wala ka talagang hiya sa katawan ang kapal mo hindi ka pa yata natauhan sa ginawa ko oh well mas pahihirapan kita"sabay ngisi sakin
Tsss akala niya naman matatakot ako

"Okay galingan mo ako na mismo yung magche-cheer sayo"sabay ngiti sakanya
Magsasalita na sana siya ng lapitan ako ni Bugok tss dahil sakanya kaya nakatabi ko yung bruha

"Jae bat ngayon ka lang!!!"sigaw niya bwesit kailangan talaga sumigaw?anong tingin niya sakin bingi?

"Huy!"sinigawan ko din siya
"wag mokong sisigawan buti nga pumunta pako rito kesa umuwi ng maaga letche wala manlang "Jae salamat dumating ka!!"tinarayan ko lang sabay tayo..

Makaalis na ngaaa iniwan ko sina Myel at Luna umalis akong mag isa uuwi nako kesa manuod ng letcheng basketball.

Gabi nako nakauwi sa bahay ni Tita Mommy agad ko namang niligpit yung gamit ko at umupo sa kama arghh nakaka pagod at nakaka stress tong araw na toh tatayo na sana ako ng biglang tumunog yung cellphone ko tinignan ko ito at isang text ang nakita ko tss..

From: Unknown
"Ted here sorry nga pala sa kanina hindi ko sinasadyang sigawan ka"

Ibang klaseng palusot parang panahon pa ng mga ninuno tss..

To:Unknown
"Okay lang  bugok congrats nga pala" tss HINDI YUN OKAY well ang plastik ko

Tumunog ulit ito ngunit di ko na tinignan nag linis nalang ako ng katawan at deretso tulog...

Nagising ako ng dahil kay Tita Mommy na panay gising sakin

"Maureen gising na mag bisita ka sa baba"sabi ni Tita Mi

Sino namang bwesit na kay aga-aga bumisita

"Teka tita mi,magaayos lang ako tas baba ako kaagad"sabi ko nalang kay tita mi tsaka pumuntang banyo

Tapos nako sa pagaayos pababa palang ako ng hagdan dinig ko agad yung boses ni tita mommy pero may kausap ito dali dali akong bumaba para tignan kung sino.

"Tita mi a---"natigilan ako ng makita ko kung sino yung kausap ni Tita Mi
Lintek bat andito toh sa bahay?pano niya nalaman kung san ako nakatira bwesit
"Anong ginagawa mo dito bugok"tanong ko sakanya umagang umaga bwesit agad yung bumunga.

Imbis na siya ang sumagot si Tita Mommy

"Alam mo ba Maureen nakita ko siya kanina sa loob ng kotse niya habang nagjojoging ako tinanong ko siya kung bat siya nasa tapat ng bahay natin sabi niya boyfriend mo daw siya at nakatulog kakahintay sayo kagabi kagaya pinapasok ko nalang kawawa naman eh"sambit ni Tita Mi

Tsss sobrang galing talaga magsinungaling eh..

"May LQ po kasi kami tita"sambit niya habang nakangisi sakin
Abaa may LQ pang nalalaman bwesit na bugok ang galing umarte pang FAMAS

Kasabay namin siyang kumain ni Tita Mi panay sila kwento dalawa habang ako tahimik lang pagkatapos nun nag paalam nakami kay Tita Mi kasi late na kami sa first sub..

"Pinaghintay moko kagabi sa labas wala manlang reply sa text ko"sambit niya
Aba bakit sinabihan ko ba siya na mag hintay sa labas ng bahay namin parang tanga lang maghihintay tas magrereklamo tss

"Sorry ha pagod kasi ako imbes kasi umuwi ng maaga nanuod pako ng basketball game mo!tsaka wag ka ngang magsinungaling kay Tita Mi WALANG TAYO at HINDI MOKO GIRLFRIEND !"sagot ko ssakanya sabay alis.

Nauna nako sa kanya pumara kaagad ako ng taxi mas mabuti na yun ayoko ko siyang makasabay sa pagpasok baka hindi ko siya matansiya at ano pang magawa ko...

----------------------------------------------------------
"The more you hate,The more you love" kaya chill kalang Jae

Spread positivity and let go of the negativity...Anjaaaaaa!

Thankyou Psyrah Bea Masangkay for letting me use your name as well as kay Elgie Floresss lavyah both💋

Good DistractionWhere stories live. Discover now