Chapter 11

5 0 0
                                    

#Lies?

TED's pov
Ng matapos yung family gathering namin back to normal nanaman kami yung tipong bangayan to the max nanaman kami ni Jae.Kasama ko ngayon sina Kier,KJ,at Jaylou  pinaguusapan namin kung anong gagawin sa birthday ni Vince bukas gurang na yun..

"So anong plano?"tanong ni Jaylou
"Eh kung dalhan natin ng babae?"sambit ni kier
"Remember last year?Halos di na tayo kausapin ni Vince dahil sa lintek mong suggestion na dalhan ng babae"sambit ko
"Yeah right,muntik na tayong mag FO dahil dun"sambit naman ni KJ
"Edi ibahin natin,dalhin natin yung ex niya si Den"sambit ni Kier
"Pwede ba kier walang kwenta yang mga suggestion mo"sambit ni Jaylou

Sasakit na yung ulo ko sa kakaisip kung ano ba ang gagawin sa birthday ni Vince kaya napagdesisyonan namin na humanap na lang ng ibang way para dun...Sakto namang nakita ko sina Jae,Lily at Myel sa canteen hmmm mabwesit nga toh.

"Baby Jae!"sigaw ko

Lumingon ito pero matalim yung mga titig parang tigre na lalapa ng pagkain..Lumapit ako sakanila tsaka umupo sa tabi ni Jae.

"Anong ginagawa mo rito bugok?"tanong nito
"Namiss kita mapanaket"sagot ko habang pasimpleng kumukuha ng pagkain niya
"Pwede ba bumili ka ng pagkain mo,akin yan linawayan ko na yan"sambit nito sakin
"Mas gusto ko nga yun eh yung may laway mo kaya pala masarap"sabi ko sakanya tsaka ngumisi..
Imbes na makipag bangayan sakin tumahimik nalang siya ang weird ngayon ni Jae..

Tinanong ko sina Myel kong ano bang nangyayari kay Jae pero di na raw nila tinanong,nung pumasok siya ngayong umaga ganyan na talaga siya baka daw merong Mood Swings kaya ganyan..

"Jae"sambit ko ng umupo ako sa upuan na katabi niya

Liningon niya ako at tinignan
"Oh"tipid na sagot nito ewan pero hindi talaga okay si Jae parang may Mali

"Bat ka ganyan?"tanong ko
"Anong ganyan?"sambit nito
"I mean yung hindi namamansin,ni hindi nga tayo nag bangayan tsaka hindi ka napipikon or nagiging brutal"saad ko

"Bakit?hindi ba magiging kompleto yung araw mo ng wala ako sa picture,I mean bago naman tayo nagkakilala may kanya-kanya tayong mundo."saad nito

"Alam ko pero nasanay nako na andyan ka,yung tipong ikaw yung bumubuo ng araw ko"sambit ko sakanya ewan ko kung bat ko sinabi yun pero yun talaga yung nararamdaman ng puso ko

"Wag kang masanay,kasi hindi sa lahat ng oras nasa tabi moko at kung ano man yang nararamdaman mo, please lang sa iba mo nalang ituon wag sakin kasi masasaktan ka lang"sambit nito

Hindi ko alam pero nasasaktan ako sobra akong nasasaktan na parang bumiyak yung puso ko..

"Dahil ba may boyfriend kana?or dahil mahal mo parin si Jake?"tanong ko,gustong-gusto ko malaman kung bakit kahit alam kong masakit.

"Wala sa dalawa ang rason kasi mas gusto kong mag focus sa pagaaral at pangarap ko,at ikaw ted option kalang kaya please hanggang kaibigan lang talaga at wag ka ng mag expect na sumobra pa dun"sambit nito

Bigla nalang siyang umalis,bakit ang sakit?bakit?gusto ko pa naman sanang magtapat sakanya pero naunahan niya na ako.Letcheng pagibig kung kelan gustong magseryoso dun naman mawawasak yung puso ko!..

JAE's pov

Matapos kong iwan si Ted nakaramdam ako ng guilt dahil alam ko nakasakit ako ng damdamin ng tao,Alam ko sa sarili ko na gusto ko rin siya kaso mali.Ayoko na ulit masaktan,ayoko na ulit makita yung sarili kong nawawasak,ayoko na ulit sabihing "pagod nako mabuhay"ayoko na lahat maranasan.

Hindi nako pumasok sa isang subject ko,ayokong makita si ted kaya umuwi nalang ako sakto namang nakita ko si Tita Mi sa sala nanunuod ng TV hindi ko na napigilan at dali-dali akong pumunta sakanya at umiyak..

"Maureen bakit?"tanong nito

Pinahid ko muna yung mga luha ko bago tumingin sakanya

"Tita Mi ang sama-sama ko"sambit ko sakanya

"Bakit ano bang nangyari?"tanong nito

"Si Ted Tita Mi nagtapat siya sakin hindi naman literal na nagtapat pero yung salita niya alam kong may ibig sabihin yun pero sinabihan ko siya na wag nalang ako na iba nalang"sambit ko

"Kasi natatakot ka?Natatakot ka na maulit yung nangyari dati?"tanong nito

Yumuko ako tama si tita mi natatakot ako,natatakot akong ma troma ulit..

"Maureen,kung paiiralin mo yang takot mo,dadalhin mo yan hanggang sa susunod na buhay,yan ang pumipigil sayo para maging masaya hindi mo kailangan matakot maureen"sambit ni tita Mi

Ewan ko pero paninindigan ko nalang yung sinabi ko kay Ted tutal nasaktan ko nanaman siya tama na yun,sabihin na nating ang duwag ko pero hindi naman lahat ng matapang eh hindi na kayang matakot.

Ang duwag ni Jae diba?Pero masisi niyo ba siya eh nasaktan na siya dahil kay JAKE.

Jusko tara samahan niyo ko ilalampaso ko yung mukha ni Jake hahaha char lang bad yun remember kung ayaw mong gawin sayo edi wag mong gawin sa ibaaa😇

Good DistractionWhere stories live. Discover now