1

9 0 0
                                    


"Tagal naman, di pa ba nya time?" bagot na napatingin sa relo ko. Punyeta 'to sobra na sya ng 5mins gutom na 'ko!

Lahat ata kami dito sa loob ng room, hindi na interesado sa mga sinasabi ng nasaharapan namin. Paano ba naman paulit ulit recap daw eh nung 1st quarter pa yan eh!

"Okay, Class dismissed." sa lahat ng sinabi nya sa unahan dyan lang ako natuwa.

Dali dali kong dinala ang bag ko para umuwi dahil 3hrs vacant ko nasa main school daw yung mga teachers.

"Hoy chanel! Intayin mo'ko!" iniwan ko na si Ysabella dahil baka hilain nanaman ako nun kung saan saan.

3hrs nga vacant namin pero di kami pwedeng lumabas?! Nakakaburyo dito kaya tatakas ako. Sa likod ng building ng Senior may bakod dun na di ganoon kataas kaya, kaya kung akyatin yun.

Dumaan ako sa di mataong lugar. Sakto gantong oras walang mga senior na makakakita saakin galing sa bintana kaya , chance ko na 'to maka alis.

Una kong hinulog yung bag ko, umakyat ako sa mababang parte ng puno, kumapit ako dun sa sanga na matibay tibay. Binilisan ko ang aking pag akyat dahil baka may makakita saakin ng senior at mapadala ako sa office ng SSG iyon pa naman ang iniiwasan ko ngayon!

"Woooh success!" pinulot ko ang bag ko at pag kaharap ko

"Saan ka pupunta?" bigla akong napaharap, nanghina ang tuhod ko sa nakikita ko ngayon sa harapan ko.

Putris! Napaka swerte ko talaga 'no?

Nasa harap ko lang naman ang presidente ng SSG

"D-dyan lang s-sa..." di ko na matuloy ang sasabihin ko punyeta nangangapa ako ng sasabihin, Nasaan na yung pagiging magaling ako sa alibi? Pag tumatakas ako sa bahay ang dami kong alibi. Nasan na lahat ng alibi ko? Utak ano na? cooperation naman dyan oh!

Hinawakan nya ang pulsohan at hinili ako. Pabalik sa Main gate para maka pasok ng school.

Nagpatianod nalang ako at hindi pumalag. Shoti naman oh, anong parusa 'tong matatanggap ko.

Nakarating na kami sa loob ng University. Pinag titinginan kami dahil nagtataka sila kung bakit hawak ni Kaleb Zehariah ang kamay ko, ang pinaka mamahal na presidente nila.

Nakapasok na kami ng Office nya. Oo may office sya dito ganto sya kamahal ng school. Sa loob ng Office nya, aundun syempre ang lamesa nya, at may mahabang lamesa na para siguro pag nag memeeting sila ng mga kapwa officer nya.

Binitawan nya nag kamay ko pag pasok ng office dahil andito ang mga kapwa nyang SSG.

"Wazzup boss kaleb, may dala ka atang chicks ha. Bagong paparusahan ba yan?" mapang asar na asar ni Izi sa pagkaka alam ko ito yung hapon na vice pres dito.

Hindi pinansin ni Kaleb si Izi at tuloy tuloy na dumeritso si kaleb sa kanyang lamesa na nay naka ukit na pangalan nya

Nagdaldalan parin ang mga officers at di pinansin ang presensya kong nakatayo sa gilid ng pinto. Pinansin ko ng paligid maganda at simple lamang may mga trophy at certificate na galing sa panalo ng University

Napatingin ako kay kaleb na kanina pa pala nakatingin saakin dahil busy ako sa pagmasid ng silid.

Tinitigan nya kong parang pinapalapit nya ako sa harap nya. Di na ako nag atubili na lumapit.

Nang makalapit ako di muna ako umupo sa upuan sa harap ng mesa nya. Duh may manners ako. Uupo lang kao pag sinabi nya

"Maupo ka" agad akong napaupo.

Una mong mapapasin dito ang pangalan nyang naka ukit sa ibabaw ng mesa nya

Kaleb Zehariah Alcaraz

Gwapo






Nang pangalan.

"Explain" nakatingin na sabi nya saakin habang pinaglalaro ang ballpen na nasa daliri nya.

Parang gusto ko nalang maging ballpen. Charot

"H-ha?" tangina bat ako nauutal?!

"Bingi kaba? Sabi ko explain" parang naiinis na sa sya na kung ano mang oras ay pwede nya akong ihagis palavas ng SSG office

"Anong ginagawa mo at umakyat ka sa bakod?" dugtong na tanong nito saakin na naka tingin parin

Ano ba? Stop Staring at me!

"Anong ginagawa mo sa likod ng bakod na yun?" balik na tanong ko sakanya.

Napansin kong napalingon saakin ang mga officers na kanina lang busy sa kanilang mga pinag uusapan, nang marinig nila ang pabalik na tanong ko sa presidente ay parang gusto nila akong ipagdasal para sa ikabubuti ko.

sarkastiko itong tumawa, nakaka bwesit na tawa para saakin.

"I asked you first" seryosong tugon nito saakin

"Pake ko?" matapang na sagot ko dito. Punyeta epekto 'to ng gutom.

Nakikita ko sa mukha nya na naiinis na sya saakin na parang sasakalin nya na 'ko

Oh! Choke me haha jk

"Sige, Mag linis ka ng hallway ng building na 'to ng isang linggo. Tumulong ka sa Cafeteria tuwing recess." nabigla ako sa sinabi nya, okay lang sana yung oaghuhugas ng pinggan sa cafeteria! Pro ako dyan! Kahit mag training kapa kalabanin moko sa pag huhugas ng pinggan! charot.

Pero punyemas ang laki ng building na 'to at nakakahiya dumaan sa mga classroom ng mga nakalandian ko!
Mygash boba ko kasi eh!

At mukhang disido na talaga sya sa ipapagawa nya saakin kaya wala na kong choice kung hindi gawin nag pinapagawa ng pinaka MAMAHAL NA PRESIDENTE NILA.

"Okay" labas sa ilong na sabi ko. Pero bago ako tumayo sa kinauupuan ko.

Tinarayan ko sya at dali dali lumabas ng office dahil baka dagdagan nya pa ang mga ipapagawa nya saakin! Bwesit ka Kaleb ang gusto ko lang naman ay umuwi at kumain ng tapsi!








Thankyou, have a nice day!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Always (Play With Me Series #1)Where stories live. Discover now