Beautiful
Matapos ang naturang dinner sa bahay, hindi na muling bumisita ang mag-tiyahin sa mansion ni Lolo Felson Esteves. Pero, hindi naman ito napipirmi sa bahay. Maraming lakad at kung umuwi'y pasado alas dyes na.
Akala siguro ng matandang iyon na teenager pa siya! Tsk!
"Ma'am Claire, nakahanda na po ang lunch ninyo"
"Sige, Peter... Susunod ako"
Tumango ang binata at pumanhik na sa loob nang restaurant. Doon pala nakahain ang aking lunch at hindi sa mansion ni Felson Esteves.
I twitched my lips at that thought, mansion ni Felson Esteves.
Na sa susunod ay magiging den na ng babae niya! Hindi talaga ako makapaniwala kay Lolo! Akala ko ba mahal niya si Lola at hinding-hindi niya ito ipagpapalit kahit kanino?
Masisira nang tuluyan ang araw ko kung patuloy kung iisipin ang lovelife nang Lolo. I was enlightened when I arrived at the restaurant and I saw my favorite food, nakahain malapit sa railings nang bulwagan at tanaw ang buong dagat. May mga mangilan-ngilan nang mag naliligo doon kahit medyo mainit na sa balat ang sikat ng araw.
"Ma'am Claire, nag-aalala po si Inang sa inyo kaya ay parating na po siya" sabi ni Peter mula sa gilid.
"Tawagan mo na lang sa bahay Peter, kako okey lang ako at nandito ako at kumakain para hindi na pumarito si Inang.. Baka maglakad na naman iyon nang mag-isa mula sa bahay papunta rito... Baka mapaano.. Tumawag ka na kaagad doon."
"Opo, Ma'am"
Sa gitna nang kain ko ay bumalik si Peter dala dala ang wireless telephone.
"Paumanhin po Ma'am, si Inang po"
Tinanggap ko na lamang ang telepono habang sumimsim nang juice mula sa baso.
"Inang? Okey na po, nandito ako kumakain na po"
"Aba'y saan kaba galing Clara?! Ilang oras kang pinaghahanap sa buong hotel at sa restaurant ah, pati rito sa bahay, hindi ka makita.. Aba't ang batang ire ay hindi nagpapaalam!" Litanya nito. Kararating lang nito mula sa kabilang probinsya dahil sa seminar na dinaluhan umano nito. Nagtatrabaho ito sa munisipyo, sa accounting department.
Okey, medyo galit si Inang.
Si Inang ang bunsong kapatid ni Lolo Felson. Isa itong matandang dalaga na kasa-kasama ko simula noong ako ay bata pa, medyo mahirap siyang paluguran at mahirap aluin kung kaya ay minsa'y naging isang rason kung bakit ako umalis at nagpunta sa Maynila.
"Inang, I am fine. I am currently eating my brunch and so I would like to drop the call. Let's talk when I get home. I'm staying at my hotel room and mamayang hapon na ako uuwi"
"O sige! Sa susunod ha, hindi aalis nang walang paalam. I almost torn the house upside down looking for you! "
That's exaggerating, really!
"Alright. Tumawag ka sa cellphone ko kung may kailangan ka nang sa ganoon ay hindi na bobother ang mga empleyado rito"
"O sige. Ibababa ko na ireng telepono dahil nandito na ang mga politiko sa bahay, titingnan nila ang kabilang lote sa mansion kung balak ba talaga ni Felson ibenta iyon sa gobyerno!"
"Sige Inang! Ingat kayo po. Huwag pong magsusuplada sa mga bisita ha.. Alam nio namang bet kayo ni Mayor Rafael!" at hindi ako natigilan sa halakhak ko. I am sure Inang is blushing right now!
YOU ARE READING
"Sunset, Me and You"
Ficción General"Let us believe and hope that someone somewhere is destined for us."