Chapter - 1
"Hey fcking diary, Today, June 10, 2020, 10:00 A.M. I'm fcking sick. Mamamatay na rin ako next week, next month or next year o baka bukas. No one cares as if may pake rin ako sa sarili ko. Weird but I'm not into this na magsusulat e tamad naman ako magsulat o kahit pumasok sa klase. Ah basta, ngayong araw, yun yong sinabi ng doctor! Woaaa."
Kanino kayang diary to? Naiwan yata. Ibibigay ko na lang sa Student Council baka sakaling may maghanap atleast nandon. Nandito ako sa isang bench malapit sa covered court na kung saan, nakita ko yung diary. 6:00 P.M at dumidilim na ang paligid. Nag try out sa basketball kasi gusto kong sumali dito sa new school na pinapasukan ko. New student ako dito at wala pa akong kaibigan kaya mag isa akong naka upo sa bench habang nagpapalipas oras.
Aalis na sana ako para ihatid yung diary nang biglang may sumuntok sa mukha ko.
Sht. Nagulat ako sa nangyari. Di ko alam ba't ako sinuntok nitong lalaking kaharap ko ngayon.
Mas matangkad siya sa'kin. Magulo ang uniform, pati ang buhok. Ang kanyang mga mata ay tila nanglilisik sa galit. Di ako makagalaw kasi di pa nagsi-sink in sa utak ko ang ginawa niya. Hingal na hingal siya na parang tumakbo papalit sa'kin.
"Akin na yan!"
Hinila niya bigla ang hawak kong diary at inilagay sa bag niya. Sobrang sakit ng labi ko dahil sa suntok. Naiinis ako sa kanya at balak ko sana siyang gantihan.
"Ba't ka ba nanununtok?! Ano ba kasalanan ko sa'yo. Gago ka ba---" Muli niya akong sinuntok dahilan ng pagkatumba ko sa lupa. Ilang suntok at sapak ang natamo ko hanggang sa may umawat samin. Di ako makagalaw at medyo nahihilo ako sa lakas ng sapak at bugbog at bigla na lang akong nawalan ng malay.
Umuwi akong puro pasa sa mukha at katawan. Pinagalitan ako ng mama ko kasi bakit ganito nangyari sa'kin. Di ko makwento ang totoong nangyari kasi baka di na naman nila ako paniwalaan. Haaays. 2nd day ko pa lang sa school, malas agad. Napa away pa ako dahil sa lintek na diary na 'yun.
Speaking of diary, parang may napansin ako dun sa lalaki habang sinusuntok niya ako. Umiiyak ba siya? O hallucination ko lang epekto ng sapak sa ulo ko?
Pero kung umiyak man siya, baka sa girlfriend niya yung diary.
Sana all may girlfriend.
*******
One week akong absent dahil sa nangyari. May konteng galos pa nga ako pero balak ko na talagang mag aral kahit di pa ako pinapayagan ng parents ko. Bad news kasi di na ako nakasali sa basketball team kasi di ako nakasipot sa orientation. Naiinis ako. Sayang yung scholarship.
Pumasok ako ng school at pansin kong daming tumitingin sakin. Naiilang ako kasi new student ako e at di ko alam bat ganon sila. O di kaya'y assuming lang ako. Binilisan ko na lang ang paglalakad hanggang makarating ako ng classroom. Bago ako naka upo sa upuan ko, may dalawang babaeng kumausap sa'kin. Classmate ko.
"Takihumi, uhm pwede ka bang maistorbo kahit 5 minutes lang?" Ngumiti ako sa kanya at gano'n rin siya sa'kin. Yung isang babaeng kasama niya ay may hawak hawak na mga papel.
"Sige. Okay lang." Sagot ako.
"Pwede ka ba sumali sa Art Club? I'm Eunice by the way. The President. Kulang kasi kami ng volunteers kaya kinakapalan ko na pagmumukha ko just to talk to you about sa club. Please?"
Art Club? Hmmm. Wala naman ako sa basketball team at gusto ko rin mag explore. So baka pwede.
"Sure." Bigla niya akong niyakap sa sobrang saya niya.
"Thank you, Takihumi!"
"Taki na lang." Sagot ko. Makalipas ang ilang minutong pag uusap namin ni Eunice, sinabi niya na pupunta daw ako sa meeting after class.
*****
4 P.M.
Pumasok na kami nila Eunice sa meeting room ng Art Club. Medyo konte lang yung dumalo pero bakas sa mukha ni Eunice na masaya na siya kahit papano. Ilang minuto ang lumipas nagsimula rin ang meeting. Madaming activities, fund raising, team building at kung ano ano pa. Medyo inaantok na ako pero okay lang masaya naman konte ang meeting.
Na-amaze ako sa buong paligid ng room. May iba't ibang canvas or paintings ah basta yun na yun sorry di ko kasi alam anong tawag sa mga ganyan. Hahahaha. Habang naglilibot ang mga mata ko, nabigla ako kasi nakita ko siya.
Yung nambugbog sa'kin.
Kumunot ang nuo ko at napaisip kung bakit siya nandito. Unless, he's a volunteer also like me. Sus, pa as if naman volunteer tamad naman yata to siya. Baka gulo o pakikipag away gagawin niya dito. Sorry, nagiging judgemental ako. Eh kasi hanggang ngayon naiinis ako sa kanya. Nasa basketball varsity team na sana ako e hindi dito sa Art Club.
Sa lawak ng iniiisip ko sa kanya, napansin kong nakatingin siya sa'kin. Umiwas ako ng tingin kasi naiilang ako at nagagalit habang bumabalik sa isipan ko yung nangyari.
Ayokong lumingon muli, pero lumingon ako sa kanya. Lol.
Tas yung gago,
nakangiti.
Luh? Parang tanga. Ba't pa ngiti ngiti 'tong ugok na 'to? Parang walang kasalanan ah? O baka naman mag so-sorry na siya sa ginawa niya?
Ngumiti na lang ako nang biglang kumunot yung nuo niya at pinakyuhan ako.
"Kenjie! Nag volunteer ka rin pala?" Rinig kong sabi ng katabi ko sa upuan.
Tangina! Kaibigan niya pala yung katabi ko.
Gustong lamunin ng lupa. Putcha! First ko mahiya ng ganito. Para akong tanga putek.
"Oo pare!" Sigaw niya. "May gusto kasi akong saktan dito." Tumingin siya sa mga mata ko sabay kagat ng lower lip niya at ngumiti. Nung ginawa niya yun,
ibang kaba yung naramdaman ko.