Chapter 24

735 11 1
                                    

Chapter 24



Angelo's POV

"Papa! Kailangan mo ba talagang magpunta sa ibang bansa..?"

"Oo.. sorry nak."

"Wag ka nalang umalis.. papa.." sabay yakap sa tuhod ng mama ko.

Pilit kong hinahawakan yung tuhod ni papa pero pilit nya ring inaalis yung kamay ko..

Gusto na nya kaming iwan...

Dahil malakas ang pwersa nya.. napabitaw ako at napaupo..

"Papa.. wag please.." umiiyak kong sabi.

Tinignan ko si Mama.. nakatingin lang sya samin na nakaiwas ang tingin.

Ano? Wala ba syang gagawin para pigilan si papa? Hindi ba mahal ni mama si papa?

Nilapitan ko si mama.

"Ma.. pigilan mo sya please. Mahal mo sya diba?"

"Anak.. hayaan mo nalang papa mo.. maiintindihan mo rin kapag malaki ka na."

"Hindi pa! Kaya pa natin syang pigilan!"

Tumakbo ako kay papa at niyakap sya. "Pa.. ayokong lumayo ka."

Niyakap ako ni Mama pabalik habang umiiyak "gelo.. nak.. babalikan kita pangako yan.."

Pero hindi sya nakatingin sa mga mata ko..

"Pangako po?"

Tumango lang sya at inalis at na ang yakap ko sa kanya..

Pagkaalis nya, biglang tumulo yung luha ko..

Hindi manlang sya lumingon ulit para makita kami..

Umalis nalang sya kaagad ni walang paalam..

*alarm clock rings*

Shit.

Napaupo ako kaagad.

Pawis na pawis.

Ano ba namang panaginip yun?

Naalala ko na naman lahat.

Napatingin ako sa orasan. 6:15 palang..

Sa inis ko, binato ko alarm clock ko.

Bwisit. Panira ng tulog.

Pero okay na rin yun, pinutol nya yung napakasama kong panaginip.

Alam ko.. na may tinatago sakin noon pa si mama at papa.

Kaya hindi pinigilan ni mama si papa sa pag-alis nya.

Kasi pagkatapos nun, yun na ang huling pagkakataon na nakita ko ang mukha nya.

Napahilamos ako sa mukha ko.

Wala ako sa gana pumasok ngayon.

Humiga ulit ako at natulog ulit.

8:45 AM

*ting ting ting*

Nagising ako sa sunod sunod na text sa phone ko.

Istorbo naman!

Tinignan ko.

From: Kathy

Aabsent ka ba?

Saan ka?

Bakit ka absent?

Im His Boyish Bestfriend (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon