Prologue:
Dapitan January 23, 1896
Hindi ito ang tamang panahon na maisilang ang isang sanggol. Naguumpisa na ang mainit na himagsikan sa pagitan ng Espanyol at mga Pilipino. Nagkakaroon na rin ng mga pagaalsa sa iba't ibang probinsya. Ang Katipunan ay unti-unti nang kumikilos upang tapusin ang mapangabusong pamamahalan ng mga Espanyol. Iba't ibang proganda rin ang lumalabas sa mga dyaro at binuksan ang mga mata ng mga Pilipino na panahon na para lumaban. Si Jose Rizal ay isa sa mga propagandista.
"Lalake," sabi ng komadrona habang karga-karga ang sanggol papunta kay Jose. Kinarga ni Jose ang sanggol habang dinuduyan niya ito sa kanyang braso. Tumigin siya sa kanyang asawa na si Josephine na hinahabol ang kanyang hiniga at kasalukuyang nanghihina pagkatapos nitong maisilang ang sanggol. Ngumiti naman siya kay Jose. Naglalakad siya palapit kay Josephine kasama ang sanggol. Umupo siya sa tabi niya at inilagay sa mga braso in Josephine ang sanggol. Hinalikan ni Jose si Josephine sa kanyang noo habang dinuduyan nito ang sanggol. Ubod ng saya ang kanilang nararamdaman dahil sa pagkasilang ng kanila anak.
"Tatay na ako," masayang ibinulong kay Josephine habang magkadikit ang kanilang noo. Napangiti naman si Josephine sa kanya.
"What shall we name him?" tanong ni Josephine kay Jose.
"Francisco," sagot ni Jose sabay ngiti sa kanya. Ngumiti naman si Josephine kay Jose at tumango. Pumasok na ang komadrona sa silid para tulungan si Josephine. Karga-karga muli ni Jose ang sanggol at lumabas ng silid kung nasaan nag hihintay ang kanyang ina at mga kapatid upang makilala ang bagong miyembro ng kanila pamilya. Masaya naman silang sinalubong ng mga ito.
Kinarga ni Donya Teodora ang kanyang apo na tulog na tulog sa kanyang braso habang dinuduyan niya ito. Sa mga mata niya ay kitang-kita mo ang saya pero biglang nalaho rin ito.
"Hindi ito ang magandang panahon para isilang ang isang bata. Alam na ng mga Espanyol. Pinaghahanap ka na nila. Papano na ang pamilya mo?" malungkot na sabi ni Donya Teodora habang pinagmamasdan ang tulog na tulog niya apo sa kanyang braso.
"Ipaglalaban ko ang nararapat!" galit na sinabi ni Jose sa kanyang ina. May namumuo nang mga luha sa kanyang mga mata. Ramdam mo ang kanyang galit at lungkot na bumabalot sa kanyang puso. "Ako ang nag umpisa, tatapusin ko laban. Panahon na ipaglaban natin ang karapatan nating mga Pilipino. Panahon na ipaglaban natin ang Pilipinas!"
"Papano si Josephine?" pagaalalang tanong ni Maria, ang kanyang nakakatandang kapatid. Lumapit siya sa kanyang ina na karga-karga ang kanyang pamangkin na mahimbing na natutulog. "Papano si Francisco?" malungkot na dagdag pa niya. Sa tono ng kanyang boses, ramdam mo ang pagaalala at takot nito para sa mag-ina.
"Pwede sila madamay sa gulo." Sabi naman ni Paciano kay Jose. Maging ito ay natatakot sa kalagayan ng mag-ina. Hindi nila kayang maitanggi ang posibilidad na madamay nga ang buong pamilya nila at gamitin ito laban kay Jose.
Parang isang pagpupulong ang nagaganap sa may salas. Taimtim naman na nakikinig sa usapan ang iba pang kapatid at tumango ang mga ito bilang pangsangayon sa sinabi ni Paciano at Maria.
"Luluwas na kami ng Dapitan bukas katulad ng sinabi mo." sabi naman ni Donya Teodora. Napahinga naman ng malalim si Jose. Natandaan niya naging kasunduan nila ng kanyang ina at sunudin ang payo nito na lumuwas na sa Dapitan.
"Isama niyo na si Jospehine at ang anak ko." malungkot na sabi ni Jose. Gusto niya na maligtas at nasa maayos na kalagayan ang kanyang mag-ina kasi alam niya na rin ang papalalapit ang pagdakip sa kanya.
"Ngunit, hindi pa malakas si Jospehine. Kakapanganak niya pa lang. Hindi niya kakayanin ang byahe. Sa makalawa aalis si Maria kasama ang mag-ina--" hindi na tapos ni Donya Teodora ang kanyang sasabihin nang padabog na pinatama ni Jose ang kanyang kamao sa lamesa at nag bigay ng pagkabigla sa kanilang lahat sa silid.

BINABASA MO ANG
Pangako
Historical FictionPaano kung ang kwentong nakatala sa ating kasaysayan ay isang kasinungalian dahil sa isang pangakong binitawan para maprotektahan ang buhay ng isang pamilya na ang nais ay mapayapang buhay? Noong Enero 23, 1896, ipinanganak si Francisco Rizal. Isini...