Kabanata I

101 2 28
                                    


Kabanata 1

Present Day: June 14, 2015

Malakas ang ubos ng ulan at late nanaman ako sa klase. Bawat hakbang ko sa hagdan mayroon akong bigat na nararamdaman. Papano ba naman kasi sa 4th Floor ang klase ko ngayon. Tumigin ako sa relo at late na ako ng 30 minutes. Mabilis akong umkyat sa hagdan hanggang marating ko ang classroom. Chineck ko ulit sa matriculation form ko kung tama ang room napuntahan ko. Ang first class ko ngayon ay Life and Works of Rizal. Nakita ko na lahat ng kaklase ko ay nagsusulat at meron rin sila kinokopya na nakasulat sa pinsara habang naka upo naman sa aming propesor sa isang bakanteng upuan sa likod ng classroom. Nakakahiyang pumasok na late. Unang araw pa naman ng klase ngayon. Di na sana ako tutuloy nang biglang napatingin ang propesor sa labas ng classroom at nakita niya ako. Lumabas siya.

Na bigla naman ako nang nagkatitigan kami. "Yes, miss? Are you in my class?" tanong nito. Hindi ako nakakibo agad. Tatakbo sana ako pababa pero di ko alam kung bakit natulala na lang ako. Biglang may pamilyar na kalungkutan ang bumalot sa aking puso. Nakatayo ako sa tapat ng classroom habang hinihintay ng propesor ang sagot ko. "Miss?" tanong ulit ni sir. Mukha siyang baguhan sa unibersidad kasi ngayon ko lang siya nakita. Siya ay matangkad at parang may lahing Kastila. Maputi ang kanyang kutis ta makisig ang kanyang pangakakatawan. Parang hindi nagkakalayo ang kang edad niya sa amin at mukhang fresh graduate. May salamin ito na mas nag mukha itong matalino. Napatinigin naman ang mga kaklse ko sa amin sa labas. Natauhan ako ng biglang may tumawag sa akin, "Arlene!"

Napalingon ako sa may bintana ng classroom nakasilip si Maricar. Sumenyas siya sa akin na pumasok na ako. Napatingin naman ako sa aming propesor na ngayon at hawak ang class list habang chineck niya ito. "Arlene Llavez, right?" tanong ni sir. Napatango naman ako sakanya. Agad niya akong hinanap sa class list. Ngumiti siya sabay bati, "Welcome to Life and Works of Rizal Class!" Sumenyas siya sa akin na pumasok na sa loob ng classroom.

Agad naman akong pumasok sa classroom at umupo sa tabi ni Maricar. Nag reserba na siya ng upuan sa akin. Ramdam ko na sinusunod ang bawat kilos ko ng mga tingngin ng lahat kong klase. Nararamdaman ko na ang init sa aking pisngi at unti-unti akong namumula sa hiya. Hindi ako sanay maging center of attention. Inilabas ko na lang ang notebook at ballpen ko para umiwas na sila ng tingin sa akin. Huminga ako ng malalim para macontrol ko ang emotion ko. Ayokong atakihin ako ng social anxiety sa unang araw ng klase.

"Bakit ka late?" bulong ni Maricar. Agad naman napunta ang attention ko sa kaniya. "Akala ko ba favorite mo ang history. Ikaw rin ang pumili ng oras natin. Pinagbigyan kita, bes. First subject, Monday na Monday tapos ikaw pa itong late." Reklamo pa ni Maricar sa kaniya. Medyo gumaan ang pakiramdam ko at natawa na lang sa kanya.

"Miss Arlene Llavez," biglang tawag ni sir. Napatayo ako agad at biglang sumisikip ang dibdib ko na parang hindi ako makahinga. Lahat ng mga kaklase ko ay naka tingi sa akin. Huminga naman ako ng malalim para kalmahin ang sarili ko. Nararamdaman ko nanaman na umiinit ang pisngi ko at madali nanaman akong mamula. Nanginging na rin ang mga kamay ko at pinagpapawisan.

"Since you are late, you missed our introduction. Would you please introduce yourself to everyone and your course?" sabi ni sir sa akin. Napalunok naman ako. Sa lahat ang ayoko pag first day of class ay yung pagpapakilala. Ughh pero no choice naman ako. Part na to ng student life every first day of class.

"Hi. I'm Arlene Llavez. I'm 3rd Year BS Journalism." Mabilis na pakilala ko sa kanila. Ginawa kong tumingi diretso sa pisara at hindi pinansin ang mga kaklase kong nakatingin sa akin. Lagpas rin ang tingin ko kay sir para hindi ako mapahiya kasi talagang alam ko ang social anxiety ko umaatake nanaman.

Di ko maiwasan na higpitan ang pagkakahawak ko sa ballpen habang nakatayo. Hinihintay kong sumenyas sa akin si sir na paupuin niya na ako pero wala parin. Tumitingin siya sa class record para bang kinikilatis niya ang buong pagkatao ko. Hindi ko na kayang ganito na lahat ay naghihintay sa iba ko pang sasabihin dahil wala na rin naman akong masasabi. Medyo na nakalimutan ata ni sir na nakatayo parin ako nang nagkatinginan ulit kami at napangiti siya at sinabi, "I forgot. You may now take your seat, Miss Llavez."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PangakoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon