Chapter 2

58 2 1
                                    

WHAT did you do?" Zadie asked her when they got home, she didn't bother to look at her and continue reading her book.

"I'm asking you Steffi Lorraine!" Zadie said while looking at her dangerously

"What? Kinausap ko lang yung lalaki sabi nya wala syang alam, so, binaril ko na, wala naman pala syang silbi" she said normally

"You shouldn't have do that! May makukuha pa sana tayong impormasyon sa kanya kung hindi mo lang sya tinuluyan!" Naiiritang sabi ni Zadie

"Wala nga syang alam" kalmado pa ding sabi ni Steffi

"Dapat pinahirapan muna bago patayin! Alam mo naman sigurong muntik nya ng patayin si Serenity diba?!" gigil na sabi ni Zadie.

"Why are shouting? You're just 1 meter away oh? You're so noisy!" Megan said rolling her eyes

"Ang hilig kasi nyang gumawa ng kilos ng hindi sinasabi sa atin!"

"Dahil ba talaga don o dahil hindi natin napahirapan yung lalaki?" Amora said while drinking her coffee

"Ano?!" Kunot-noong tanong ni Zadie

"Hay nako Zadie Elyse, hindi mo kami maloloko. Galit na galit ka sa mga lalaki remember?" Serenity said while smirking.

"Yes, galit ako sa mga lalaki, pero the fact na hindi nya tayo sinabihan sa sunod nyang gagawin, yon ang hindi ko maintindihan" tila naguguluhang sabi ni Zadie

"Wala ka namang makakapang-ekspelanasyon dyan sa isang yan, tinalo pa nyan ang nagdadasal sa sobrang tahimik e" natatawang saad ni Yshelle habang nagsusulat ng kung ano.

"Why don't take it seriously? Pano tayo makakagalaw ng maayos kung palagi na lang syang may ginagawang hindi natin alam?!" And Zadie walked out of the room. Amora raised her hand like surrendering.

"Labas ako dyan, bawal mastress ang magaganda" she said while laughing and going to her room.

"So dapat labas din ako dito? Wait Amora! Wait for meeeeee!" Megan said following Amora

"Ano ba kasing ginawa mo Steffi? Ha?" Serenity sat on the sofa while asking Steffi

"Nothing, I just end his life because he is useless" tila wala pakealam na sabi ni Steffi

"Tsk...bahala nga kayo! Kakausapin ko lang si Zadie, alam mo naman kung paano magtampo yon" Serenity said and went to Zadie's room.

Serenity's POV

"Bakit ba galit na galit ka, Zadie Elyse?" I asked Elyse when I entered her room

"Hindi nyo ba maintindihan?" she asked, irritated, while I'm sitting on her bed.

"Naiintindihan ko, nagagalit ka ba kasi gumagalaw sya mag-isa o dahil hindi man lang dumaan sa kamay mo yung lalaking yon?" naiiling kong tanong.

"Pareho! Nagagalit ako kasi gumagalaw sya mag-isa! Gumagawa sya ng desisyon nang hindi man lang tayo kinukunsulta! Tapos yung lalaking yon, muntik ka na nyang patayin Serenity! Hindi mabilisang pagpatay lang ang nararapat sa kanya, dapat muna syang pahirapan!" Inis na mahabang paliwanag nya sa akin. Napabuntong hininga naman ako at hinilot ang sintido.

'Ito talagang mga to ang pinagmumulan ng stress ko'

"Kilala mo naman si Stef diba? Hindi sya palaimik pero alam kong alam nya na ang mga ginagawa nya" I told her smiling and she just rolled her eyes.

"Yeah.. whatever, ano pa nga ba?" she said and lay on her bed to sleep. I just shake my head and turn off the lights before leaving her room.

Nadatnan ko naman si Amora at si Megan na nag aayos, nagtaka naman ako. Saan naman kaya ang punta nitong dalawang to?

Fleur PérilleuseWhere stories live. Discover now