Kabanata Apat

57 3 0
                                    

Chapter 3

Alam mo yung pwede kana magpakain sa lupa, Sa sobrang kahihiyan. Nakakainis bakit kailangan si Ryan pa yung makapagsabi sakin nun?Nakakainis bakit siya pa? Ayssss.

Pag kasabi niya ng mga katagang"MISS, WAG KANG FEELER HINDI KITA TYPE ANYWAY, MAY DUGO DIYAN SA LIKOD NG PALDA MO" . Halos parang pinatay na ako sa sobrang kahihiyan na aking nararamdaman ngayon. 

Tuluyan na siyang umalis nun. At ako ngayon naiwang nahihiya parin. Bakit kailangan si Ryan pa ang makakita nun? Naiinis ako. Grabe yung kahihiyan na nararamdaman ko ngayon dahil sa Sinabi sakin ni Ryan!. Bakit ba kasi hindi ko alam ang period ko? Nakalimutan ko eh. 

Umalis na rin ako at hinawakan ang likod ng palda ko para hindi halata, Pumasok na ako sa CR. 

Papalabas na ako ng may humawak sa Braso ko. 

Sino ba ito? 

Sino ba ito?

Pagkatingin ko si Miko.

Miko?

"Hoy! lalaki, bitawan mo nga ako" Sabi ko kay Miko. Aba't nakangisi pa ang loko.

"Miko! Saan mo ba ako dadalhin?" Saad ko pa.

"Ang ingay mo. Tss" Sabi niya, Pero andun padin yung ngisi.

"Ako pa tong maingay?" Sabi ko sa kanya. Ako pa tong maingay? Eh siya nga dyan yung biglang biglang nanghihila ng braso. Tapos ako pa tong Maingay? HUSTISYA! 

"Ako pa tong Maingay? Eh biglang bigla ka nga NANG HAHAWAK NG BRASO DIYAN. AKALA MO KUNG SINO KA!" Sigaw ko sa kanya.

"Ba't ba ang ingay mo?" Sabi niya. 

Eh bakit ka nanghihila ng braso?

"KASE HINDI KO PA ALAM KONG SAAN MO AKO DADALHIN" Sabi ko sa kanya.

"Wag mo nga ako Sigawan!" Sabi niya. Naririndi na ata siya sa malakas kong boses!.

Palabas na kami ng School.Saan kaya ako dadalhin ng lalaking ito? At hindi ko alam. Lord kung maygagawin po siya sakin na masama, Wag niyo na po hayaan matuloy pa. Hindi ko kakayanin. May pangarap pa ako. May mga gagawin pa ako sa buhay ko at hindi ko hahayaan na masira lahat yun ni Miko. 

Memorable GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon